Chapter 9: I'm worried

2.6K 68 28
                                    

AYANA'S POV

Nasa gitna ako ng pagmumuni-muni ng mamataan kong papunta si Sir Blake sa kinaroonan ko. Member siya ng Committee ng camping na 'to. Hindi talaga kumukupas ang gwapuhan niya.

Oo. Crush ko si Sir Blake noon pa man. Matagal ko nang ipinagdadasal na sana'y pansinin niya rin ang pag ibig ko. Siya lang ang lalaking para sakin.

Bakit siya papunta dito? Luuuhhh? Magtatapat na ba siya ng lihim niyang pagtingin sa 'kin? Hindi ko carry to teh.. Matingnan nga ang mukha ko sa salamin baka may dumi ako at ma-turn off pa siya bigla. Heto na... heto na siya..

"Miss Lopez?" tawag niya sakin. Shheeetttt! Ang boses niya, kaysarap pakinggan.

Sumama lang naman ako sa Camping na 'to dahil sa kanya. Sabi kasi ni Gabriella my friend magkakaroon daw ako ng chance makausap si Sir Blake. Goodness! Heto na ba yun?

"Miss Lopez?" ulit niya. Ay? Nasubrahan ata ako sa pag-iisip.

"Ano po yon Sir Blake?" tanong ko with matching pacute na mata. Tantalizing eyes yata to. Umepek ka. Umepek ka!

Hala! Namula si Sir Blake! He is blushing. Ilalagay ko yan sa checklist ko. Kinikilig ako. Sheettt na malagkit.

"Amm.. ano.." Nauutal? Nadali ng beautiful eyes ko? Yey! "May tawag ka. Sumunod ka na lang sakin." Saka tumalikod at naglakad.

"Tawag?" naisambit ko sa sarili ko. "Siguro si mommy."

Tulad ng sabi niyang sundan ko siya sumunod talaga ako. Nasa likod lang niya ako habang pinagpapantasiyahan ko ang matitipuno niyang likod.

Nabunggo ako sa matigas niyang papangatawan nang may epal na tumawag sakin.

"Miss Lopez!" Nakakainis. Kung kelan moment na namin to ni Sir Blake mayLabz. Epal ang tumawag sakin.

Hinarap ko ang tumawag sakin. Si Sir Nueva ang head ng Camping namin.

"Bakit po Sir?"

"Your phone has been ringing and I guess it is very important. I read the registered name and it was from your mom. Here." Inabot niya sakin ang cellphone ko.

Sa camping na'to bawal ang mga gadgets kaya sinurender naming lahat ang cellphones namin at kahit ano pang mga gadgets.

Kinuha ko ang cellphone ko at saktong nagring. Ano naman kaya ang problema ni Mommy? Panigurado mga kaek-ekan lang niya ito.

"Amm. Excuse me for a while Sir." sabi ko kay Mr. Nueva at tumango na lang siya tanda ng 'you-may-go-ahead' line niya.

"Hello mom?" sagot ko ng cellphone ko.

"Claire? Anak?" Bakit parang excited ata ni Mommy ngayon?

"Yes mom.." sagot kong walang kabuhay-buhay.

"Naka-uwi na ang Kuya Aldrin mo." Muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko sa narinig ko. What? Si kuya Aldrin? Ang alam ko next month pa ang uwi niya.

Bigla akong nakaramdam ng excitement . Si Kuya Aldrin yun. Paminsan minsan lang yan kung umuwi dahilan sa kanyang trabaho sa ibang bansa.

Matapos kong malaman ang balita galing kay Mommy, ibinalik ko na ang Cellphone ko at dali daling lumabas. Panigurado matutuwa si Bessy Tina nito. Crush niya yun e.

Nakasalubong ko si Sir Blake mayLabz at nginitian niya ako. Waaahhh! Natutunaw ako sa ngiti mo mayLabz.

Namataan ko sa aking mga mata si Prend Gabby na ngumiti ng nakakasar sa likod ni Sir Blake kaya agad akong nagpaalam sa kanya.

My Clumsy Girl(Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon