Chapter 49: The Truth!

1.3K 36 7
                                    

"Payag na akong magpakasal sa lalaking iyon." Dire-diretsong sabi ko sa harapan nila.

Halatang nagulat si kuya sa sinabi ko. Ganun din si Eme at Mom pero si Dad patuloy lang sa pagkain. If I know nagdidiwang na ang kaloob looban niya.

Tahimik lang kaming kumakain. Nakakabingi ang katahimikan.

"By the way Clint, meet the Chinesse Restaurant in Cebu. Lets try to invest in that stablishment but before that, pag-aralan mo muna ang status ng restaurant na yun." isinatinig ni dad kay kuya.

Tumango lang si kuya bilang oo sa sagot niya. I know kung ano ang laman ng isip ni kuya. Panigurado, magtatanong yan mamaya.

"I'm done. I think I should go first. I need to study for our final exam." Pamamaalam ko sa kanila. Hindi ko na inantay ang mga sagot nila. Tumayo ako para umalis ng mabangga ko ang katulong na magseserve sana ng juice at bumuhos sakin.

Napatayo si mom and kuya. Worried.

"Lecheplan!" Lumabas sa bibig ko. Hanggang ngayon ba, ganito pa rin ako.

"Sorry po ma'am Tina. Hindi ko po sinasadya." Tiningnan ko ang katulong. Hindi ko siya kilala. Siguro bago.

I did not answered her. Instead naglakad ako papunta sa room ko to change.

Napahinto ako ng marinig ang boses ni dad.

"Tina, I need to talk to you few minutes from now." He said.

I sighed and walk. Si dad, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na kaya niyang gawin sa'kin to. I sighed again. Yan lang naman ang magagawa ko ngayon eh. Ang bumuntong hininga.

Matapos kong mag-ayos ng sarili ko. Pumasok ako sa office ni dad. Kinakabahan ako. Bahala na.

"Dad..." I said so that he could recognize me.

Mula sa laptop na mga mata lumipat ito sa'kin. Bakit palagi kong nakikita sa mga mata niya ang lungkot. What's wrong with him?

"Sit down princess.." Bigla akong na frozen sa pagbigkas ni dad ng princess sa'kin. God! How I missed dad so much. Gusto ng kumawala ng mga luha sa mga mata ko pero dapat kong pigilan ito. Ayokong makita niya akong umiiyak.

"Ano pong pag-uusapan natin?" I said directly. I want to know na agad kung ano ang sasabihin niya bago pa ako manghina at mapaiyak.

"Alam kong napilitan ka pero.." Yeah dad! Napilitan ako. At napipilitan.

"Kailangan mong magpakasal sa anak ni Ruel Chua kasi sila lang ang makakatulong sa'tin." Napatingin ako kay dad. Alam ko naman ang dahilan ni dad e, siguro nagkautang siya sa Chua na yun at ako ang pambabayad niya. Pero hindi naman palubog ang negosyo namin a.

"Konting maling galaw na lang namin ng kuya mo sa kumpanya, babagsak na ito. Babagsak na ang kabuhayan natin." Bigla akong nasurpresa sa narinig kong ito. Babagsak?

"What do you mean dad?" I asked with disbelief.

"Itinakbo ni Mrs. Mendoza ang pera ng kompanya. She's the incharge in Finance Department. I did not expect that the person I trusted most could do this. Ang perang itinakbo niya..." Tumingin siya sa monitor ng laptop niya at muling tinignan ako.

"ay pera ng pamilya Chua." Pagpapatuloy niya.

"Seriously dad, wala akong maintindihan. Ano bang nangyayari?" Nakatayo na ako. Hindi ako makapaniwala.

"Ang ipakasal ka sa anak niya ang hinihiling nilang pambayad sa perang iyon."

"No! Dad, hindi ako pera para ipambayad. No dad!" I protested. Tama nga ako. Pambayad ako.

My Clumsy Girl(Unedited)Where stories live. Discover now