Chapter 3: Ayaw kitang ka-group!

3.4K 86 49
                                    

"Attention to all students! Please be here at the center. Again, all students please be here at the center!" announce ng head committee ng field trip na'to .

After a couple of minutes...

"I guess everyone are already here. So lets start our orientation." Nakakaantok ang mga ganitong situation. Wala akong maintindihan. Ang dalawa kong bestfriend, concentrate sa pakikinig.

Ang boring naman! I want to eat ice cream! Well, where the hell I can get an ice cream in this place. Para akong timang na nagdedaydreaming nang marinig ko ang last announcement ng head committee, meron daw kaming kanya-kanyang grupo para daw makaminggle namin ang iba pang studyante sa iba't ibang kurso. I sigh.

"Tingnan natin group natin girls, sana magkasama tayo." rinig kong sabi ng isang babae sa likuran ko ngunit paglingon grupo pala yun ni Maureen at napatingin kami sa mata.

Siguro kong nakakamatay lang ang tingin, kanina pa ako namatay. Ang sama ng tingin niya sa'kin, eto na ba yung sinasabi nilang famous death glare ni Maureen Nathalie Villamin? Sa totoo lang nakakatakot.

"Aray!" May kung sino ang bumangga sakin mula sa likod. Sino ba ang hindi marunong tumingin sa dinadaan? Magsasalita na sana ako ng nagsalita ang bumunggo sakin.

"I'm sorry miss. I didn't mean to hurt you. I'm sorry."

Teka! Namamalikmata lang ba ako? Or talagang may isang mala anghel na lalaki sa harapan ko? Shemay! Pero teka! Baka naman masama naman ugali nito katulad ng kutong lupang lalaking yun na akala ko tutulungan ako. Luhhh? Ano ba tong iniisip ko!

Pero talagang ang gwapo ng kaharap ko. Matangos ang ilong, mahabang pilik mata, kulay brown at Singkit ang mga mata na parang member ng korean band na EXO-M, red lips na kaysarap halikan. OHEMGEE!

Lub.dub.lub.dub.

Luhh? Anong nangyayari sa heartbeat ko?

"Amm.. miss? Are you okey?"

At ang boses niya. Ang boses niya. Ang husky! Kaysarap pakinggan! Diyos ko. Salamat po at ipinakilala mo na sa akin ang future husband ko. Thank you po talaga. Thank you so much! Habang buhay ko po--

"Miss? Miss? Miss? Did I hurt you? Hey! are you okey? " Nagising ako sa daydream ko ng hinawakan ako ng gwapong nilalang na ito.

"H-ha? A-ahh o-oo.. O-okey lang ako!" Anebeyen! Nauutal ako.

"Ahh. You sure?"

Mahihimatay na talaga ako. MOMMMYYYY!!!! Speechless na aketch!. Imbes na magsalita, tumango na lang ako.

"Amm.. since you are okey,
I'll go ahead. I'm sorry again."

Tumango na lang ako. Tinitingnan ko ang seksing likod niya habang naglalakad siya palayo. Haayyy! Akin ka na lang please. Magtatagpo din ang landas natin. Teka! Ano pala pangalan niya? Hindi ko man lang natanong. Sayang!

"Preeennndddd!!!!" pagkalakas lakas na sigaw ni Gabriella Silang sa'kin. Ano ba problema nito?

"Hoyyy!! Anong problema mo? Kung makasigaw ka naman a." inis kong tanong sa kanya. Ikaw ba sigawan eh magkaharap lang kayo..

"Kanina pa kami dakdak ng dakdak dito. Lumilipad yang utak mo e." sabi ni Gabby.

"Sino yung nakausap mong gwapo bessy?" Pambihira! Kinikikilig pa talaga si Ayana ha.

"Yun? Ah..isang anghel na bumaba dito sa lupa para ako'y yayain ng kasal." Napapangiti ako sa aking naalala kanina. Ohgod!.. kinikilig ako. Feeling ko nga nagiging heart na yung mga mata ko e.

"Ay? Baliw na ata si Tina girl, Yana bear..Tingnan mo oh. Tulo laway na! "

"Oo nga e. Nagda drugs ba 'tong kaibigan natin?" Yana.

"Parang hindi naman a. "

Hindi pa matapos tapos ang pagpapantasiya ko ng iwinagayway ni Gabby ang isang papel sa harap ko at si Yana naman ay salubong ang mga kilay. Bakit?

"Uy, bakit?" tanong kong inosente!

"Malala na'to Gabby." nakapameywang na sabi ni Ayana.

"Uy.. Anong nangyayari?" tanong ko.

"Wala! Alam mo ba kung anong grupo ka?" tanong ni Gabb.

"Hindi pa e.. magka-grupo ba tayo?"

Umiiling si Yana. So hindi pala kami magkagrupong tatlo.Tumayo ako para alamin ang grupo ko.

"Saan ka pupunta Tina girl?"

"Titingnan ko kung saang group ako."

"Hindi na kailangan." Teka! boses yun ng isang bakulaw. Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at hindi ako nagkamali.

"Anong hindi na kailangan?" nakapameywang kong sabi.

"Malas ako at kagrupo kita!"

"Anong pinagsasabi mong kagrupo tayo?..Huh! " hindi makapaniwalang tanong ko.

"Gabby? Yana? Natingnan niyo ba kung anong group ako?" Sabay na tumango ang dalawa. "Anong group ako?"

"Group 2.." sabay pa sa pagbigkas ang dalawa .

"At kagrupo mo nga si Tristan Lee bessy." dagdag ni Yana.

"Ano? Baka nagkakamali kayo!" Dali- dali akong pumunta sa table kung saan nandun ang mga list ng members ng every group.

"Santos. Santos. Santos. Santos. There! Christina Louise Santos." Nakita ko ang pangalan ko pagtingin ko sa boys column, halos mailabas ko ang mga mata ko sa nabasa kong pangalan na belong sa group 2. TRISTAN LEE.

Ohno! Bumalik ako sa lugar kung saan sila naghihintay sakin.

"You have no choice! Magkagroup tayo." walang kaemo-emosyong sabi ng bakulaw na Tristan Lee na ito.

"Ayaw kitang ka-group!"

***------*****------

Vote and Comment po kayo..

My Clumsy Girl(Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon