Chapter 6:First Challenge

2.9K 71 48
                                    

Naalimpungatan ako nang may demonyong nagbuhos ng mala-yelong tubig sa pagmumukha ko. Teka? Baka naman nananaginip lang ako? Instead na magising eh natulog na lang ako ulit. Asan na ba ang kumot ko?

Nasa kasagsagan ako ng mahimbing na pagtulog ng bigla na lang may sumulpot na anino sa aking magandang panaginip at binuhusan ako ng malamig na tubig. Nananaginip pa rin ba ako? Pero bakit feeling ko binabaha ako?

Wait?! Umulan ba ng malakas? Binabaha ba kami? Ohgosh! Napamulat ako dahil sa pagpanic kong binabaha ang tent namin pero...

"Aaaahhhhhh!!!!!" napasigaw ako nang wala sa oras.

"Ano ba ang problema mo? Bakit ka ba nambubuhos? Alam mo bang natutulog ako?!!" Just shit! Diyos ko patawarin niyo po ako kung napamura man ako kahit ang aga-aga.

Sino ba naman ang hindi mapamura kung ang pambungad sayong gudmorning eh malayelong tubig? WTF!

"Yun na nga ang problema eh! Tulog ka pa eh anong oras na!" bulyaw ng lalaking ito. Poker Face pa talaga ha.

Ano ba kasi problema niya sakin at ako palagi niyang binibwisit? Sabi nila 'The more you hate the more love'.. Hindi kaya may gusto sakin ang lalaking ito? Luhh? Paano yun? Na love at first ba siya sakin?  Ayokong malahian ng gorilla!

Tiningnan ko ang paligid ko at napansing gabi pa.

"Ang dilim pa naman a! Tsaka yung mga tao diyan sa labas hindi pa natutulog. Kung hindi ka matutulog pwes ako patulugin mo!" Nakakainis lang talaga eh!

"Para sa kaalaman mo, 4:30 na ng umaga kaya bumangon ka na diyan Miss Clumsy Leggings!"

Ang sakit pa ng katawan ko sa letcheng higaang ito tapos gaganituhin pa ako ng bwisit na lalaking ito?! Nakakaloka!

"Ang aga-aga pa para magising!" Humiga ako para matulog ulit pero paano ako makakatulog nito kung basang basa na ako? Badtrip!

Hindi na nakatiis ang damuhong ito kaya hinila niya ako sa higaan ko. Walang modo ang lalaking ito! Isumpa ka sana ni Madam Auring!

"Gusto mo ba ma-sanction tayo dahil sa katamaran mo? Pambihira naman tong babaeng ito."

Napatayo na lan ako dahil sa inis. "Okay fine! Babangon na ako!"

"Bilisan mo! Hindi dapat pinaghihintay ang gwapong tulad ko."

"Pwe! Nakakasuka ka talaga!" Ang yabang.

Tumawa lang siya na halatang proud na proud sa kanyang sarili. Baliw ata to e.

***

Ohno! Talaga bang pinaparusahan ako ng panahon? Sa dinami dami namin dito e ang engkantong lalaki pa talaga ang kapartner ko?! Diyos ko naman. ALAm ko namang hindi ako mabait pero wag niyo naman po akong parusahan ng ganito. Huhu.

Speaking of the devil..

"Oh halika na! Mag-s-start na ang challenge." mahinahon niyang tawag sakin.

My goodness! Seriously? Sa camping nato? Wala na ba talaga akong pag asang mag-iba ng partner? Bitch please!

Lahat ng challenges, siya lang kapartner ko. Walanjo! Kailangan naming pagtulungang sagutin at malampasan ang bawat challenges. Kung sino ang matira, sila ang panalong magpartner.

Ano to? Hunger Games? Ohno! I don't wanna die! Masiyado pang maaga. Hindi ko pa nakikitang muli si future husband ko. Siyempre joke lang yung patayin no. Dapat lang namin kunin ang mga tela ng kalaban na katumbas nun ay ang challenge na aming kahaharapin.

HAist! Siguro kami ang unang matatalo. Wala kaming unity ng damuhong ito.

"Start!"

"Aaahhh!!!" Sino ba naman ang hindi mapasigaw kung hihilain ka na lang basta basta ng kasama mo.

My Clumsy Girl(Unedited)Where stories live. Discover now