Umupo ako sa sofa ng receiving area. Ewan ko lang ha pero pakiramdam ko kilalang kilala din yung taong iyon dito. Kita ko sa mga mukha ng mga tao pag nakakasalubong namin.
Sa peripheral vision ko, nakikita kong panakaw-nakaw ng tingin sakin yung babaeng nasa receiving desk. Malaki siguro problema niya sa uniform ko. (_ _”)
Hindi pa siguro nagsasampung minuto ay lumabas na yung hinihintay ko.
(O__O) Napahawak agad ako sa panga ako. Kala ko nalaglag.
Paano ba naman ako hindi magugulat eh nagpalit siya ng damit— school uniform ng school ko! Kaya pala…
“Wahahahaha!” –siya.
Ayan na naman yang tawa niya na parang ako na ang pinakanakakatawang nilalang sa mundo. Nakakainsulto na tong mokong na to ah. Tsk.
“You’re kidding me.”
Tumatawa pa rin siya. “Tara na. Baka ma-late tayo. Ala una din ang klase ko.”
Nauna na siyang lumakad— ng tumatawa pa rin. “You should have seen your face! Grabe! Hahahahaha!”
Ay. Masaya siya. (-______-)
Unconsciously, nakasunod na pala ako sa kanya. (Char! ‘Unconsciously’ Napapa-english ako sa Freak na to. Aishh.)
Buti na nga lang at hindi kami natagalan sa paghihintay ng bus. Ang kaso, puno na.
Pero mabait pa rin sakin kahit papano ang tadhana. May isang babaeng bumaba sa sumunod na kanto. Pinalitan ko kaagad yung puwesto niya. Wahahaha! :D
Nakatayo naman sa harap ko si Freak na parang timang na nakangiti. Yung tipo ng ngiti na parang nagpipigil ng tawa. Ay ewan.
Nagsuot siya ng ID. At dahil nakaharap siya sakin, nasa level ng mukha ko yung ID niya.
Kiann Elliot D. Ibanez.
Inpirnis. Ganda ng pangalan.
Okay. Tama kayo. Sa halos mag-iisang oras na magka-chika kami kanina, hindi ko nalaman ang pangalan niya. Malay ko ba naman na magku-krus pa landas namin nito pagkatapos kong makabayad ng utang na loob sa kanya. Not to mention, schoolmate ko pala siya. Sigurado din naman ako na di pa niya alam ang akin. Di rin naman niya tinanong eh.
Nagsasalita siya. Kinakausap niya yata ako. Hindi ko naiintindihan, este— ayaw kong makinig. Naudlot ang balak kong masarap na tulog kanina dahil sa letseng panloloko nina Lola sakin. Inaantok pa ko.
--------------------------------
Saktong isang liko na lang bago ang eskwelahan namin nang magising ako. Buti na lang.
May boses na sumabay sa boses ko pagpara. Naalala kong may kasama nga pala ako. Ay mali, hindi kami magkasama. Nagkasabay lang kami. Quits na kami kaya wala na akong pakialam sa kanya.
“Teka hoy!”
Aba. Ang ganda-ganda ng pangalan ko, hino-hoy ako. Tsk.
Hindi ko nga nilingon. *Lakad *lakad.
“Rij!”
*screech. Okay, tinawag na niya ako sa maganda kong pangalan kaya huminto ako. Pero teka, pano—
“Kilala mo ko?”
Ngumiti siya na parang naisahan niya ako. Ngiting tagumpay! Psh. “Calculus Notebook.”
Ay oo nga pala.
“O, may kailangan ka pa sakin?”
Sinuklay niya gamit ang mga daliri ang buhok niya at tinapat ang mukha niya sa sinag ng araw.
“Sparkling?” –siya. Pangarap siguro niyang maging kamag-anak ni Edward Cullen. (-_-)
“Oo. Oily siguro kasi mukha mo.”
Nabura yung liwanag sa mukha niya. Langya naman kasi. Tinawag lang niya ako para itanong kung kumikinang ang mukha niya? Utang na loob ah.
Limang minuto na lang, ala una na. Maiwan ko na nga to.
“Teka sabi.” Hinawakan niya ang braso ko.
“Bakit ba?” Konti na lang, masusungkit na niya ang limit ng pasensya ko. Kulit ng lahi nito. Tsk.
“Sabay tayo.”
At nag-standing ovation ang mga balahibo ko dahil nag-puppy eyes siya.
“Ayoko sa aso.”
Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Nakahawak parin siya sa braso ko kaya hinila niya ako papasok sa school.
Aissh! Parang hindi ko gusto ang patutunguhan nito. Hindi puwede… Isa akong multo okay? Pag may nakakita saming magkasama… katapusan ko na. Pang-tao kasi ang mukha niya eh. I mean— alam niyo na… Ano… Ano siya… Ahm, okay fine. Guwapo siya. Lychee :3. Hindi ako makapaniwalang sinabi koi yon. Atin-atin lang iyon ah. Pagnagkataon, magiging artista na naman ako nito. Oh no, no, no.
Pero huli na ang lahat. Nandito na kami sa loob ng school. At sabi ko na nga ba… Kinapa-kapa ko ang katawan ko, pakiramdam ko natutunaw ako. Nagha-hallucinate na ako na may mga laser ang mga mata ng mga tao. Eh nakatingin pa naman silang lahat samin.
Tumingin ako sa katabi ko. Grabe. halos matatae na ako dito, parang wala lang sa kanya. Lesheng tao to oh. Di niya ba napapansin na nanginginig na kamay ko. Nakahawak pa rin kasi siya sa braso ko eh. Isa pa to. Puwede naman sanang maglakad lang ng sabay eh. Puwede ko pang ipagkaila na nagkasabay lang kami sa daan at hindi ko siya kilala.
“Saan ang room mo?”
At kinausap pa ko!
“Ah, d-doon s-s-sa 211.”
Humagikhik siya.
(O.O) *Gasp.
Muntik nang makawala ang kaluluwa ko sa katawan ko nang bigla niyang nilapit ang mukha niya sakin. Narinig kong lumakas ang mga boses ng mga taong nag-uusap sa paligid. Letsugas. Tumatagaktak ang pawis ko.
Itinuon niya ang bibig niya sa tenga ko at may ibinulong; “Relax. Just trust me.”
*tugudug.dugdug.dugdug!
Waaaaaaah! Noooo! May nakapasok na kabayo sa dibdib ko! Potek!
Kinalma ko ang sarili ko. Relax nga daw eh. Hirap dito, Alien tong kasama ko. Nakakabasa yata ng iniisip. Naloko na.
Huminto na kami. Ay, classroom ko na paley.
“Bye.” Tinapik niya lang ng mahina ang balikat ko at lumayas na. Wow. Door to door na hatiran. Buti hindi ako hiningian ng pamasahe.
Sakto namang pag-ring ng buzzer.
“Oh. My. Gosh.”
Uy, may chorus! Sabay-sabay kasing sinabi iyon ng halos lahat ng mga tao sa classroom.
“What the hell were you doing with Kiann?” –Klasmeyt #1
Aba! Sikat siguro yung mokong na iyon.
Linagpasan ko lang sila at pumunta ako sa upuan ko. Pero may traffic! May humarang sa daraanan ko. (>.<)
“What, weirdo?” –Klasmeyt #2
Pasensya na. Wala talaga akong kilala sa kanila kaya hindi ko sila mapapangalanan.
Okay. Humugot ako ng malalim na buntong hininga. Mahirap na pag hindi ko napigilan. Mahaba pa naman ang pasensya ko. Pramis! Singhaba ng dental floss ng mga langgam. Psh.
“Pagala-gala kasi yung aso niya kanina. Muntik nang masagasaan nung ice cream cart. Buti nailigtas ko. Bibilhan niya sana ako ng lollipop para magpasalamat kaso walang pangsukli yung tindero sa pera niya kaya naisip niya ang isang napakagandang ideya na ihatid na lang ako sa classroom ko!”
At nagsiliwanag ang mga mukha nila. “Ahhh… Ganon ba? Okay.”
Naglaho na rin si Klasmeyt #2 na nakaharang sa upuan ko.
Isa lang ang masasabi ko. PAMBIHIRA. Mas bopols pa sakin tong mga mokang na to. Papayag ba daw ako na lollipop lang ibayad sakin kung talagang nangyari nga yun! Aish! Hindi ako ganun kababa oy! Kahit fishball man lang sana, diba? Hmp…
