Chapter 2: ANOTHER DAY

34 0 1
                                        

[Rijelle Ventura POV]

Sht. Ang sakit ng ulo ko! Anong nangyari? Pakiramdam ko nabatuta ako sa ulo.

Teka. Nasan ako?

Rooftop? Pano ako napunta dito?

Umayos ako ng upo. May nalaglag na jacket na nakapatong pala sa ulo ko. 

(O.o) Kanino naman to? 

Luminga-linga ako sa paligid. Ang daming… suka? (vomit, not vinegar)

Yucks! Gross! Sino’ng ulupong naman kaya ang nagkalat dito?

Tatayo na sana ako nang may nasagi ang kamay ko. May … kape? Kape nga. Kapeng nakatimpla sa tasa okay.

Para saan naman kaya ito? Tsaka sinong naglagay nito dito? 

Babaliwalain ko na lang sana nang mapansin kong may nakaipit na papel sa ilalim non.

Uy! May nakasulat!

“There’s so much more to life than what you’re feeling now. Someday you’ll look back through all these days and all these pain is gonna be invisible.

P.S. Ibalik mo sa management ang tasa.”

O.o Teka. Pamilyar tong mga linyang to ah. Maliban lang yung P.S. Eh lyrics to ng kanta eh. Ano namang gagawin ko dito?

Pero yung lyrics… Parang may gustong sabihin sakin…

At sa isang iglap, *Sshhhring! Biglang nagsibalikan yung alaala ko sa mga nangyari kagabi.

Waaaah! Sht! Kaya pala ganito kabigat ang ulo ko! 

Hindi puwede to! Naabutan na ako ng umaga. Hindi… 

Napatakip ako sa mukha ko nang may pumatak na luha mula sa mga mata ko. Damn.

Bigla kong naalala iyung lalaki kagabi. Siya ang may kasalanan nito. Humanda sakin iyon!

Mainit pa iyung kape kaya siguro hindi pa nakakalayo iyon.

Sa kabila ng sakit ng ulo ko ay sinikap kong tumakbo pababa, nagbabakasakaling maabutan ko siya.

*Takbo. Lingon dito, lingon doon. Lakad. Takbo.

Napatigil ako. Ano nga ba ang hitsura ng hinahabol ko?

Ay paksiw naman oh. Ni hindi ko nga alam kung tao iyon eh.

Pero teka. Iyung nakasulat sa papel..

Bumalik ako sa rooftop at binasa ulit iyon. 

“P.S. Ibalik mo sa management ang tasa.”

Ibig sabihin kilala siya ng mga tao dito. Tama.

Ininom ko yung kape. Kailangan ko din to. Tsaka nakakahiya naman don sa tao, nag-effort pang magtimpla. Pero hindi ibig sabihin non na pinatawad ko na siya ah.

Nang maubos na, bumaba ulit ako dala-dala yung tasa.

Siya nga pala. Nakalimutan kong sabihin. Hospital nga pala itong building na to.

Bakit dito ako napunta? Kasi… Teka, kailangan ko munang mahabol yung taong iyon. Excuse me.

Sandali, ano nga bang silbi ng paghahabol ko sa kanya? Hindi ko naman puwedeng bugbugin iyon. Malaki ang katawan non eh. Nayakap ko siya asdfghjkl… Paano ko naalala iyon? (-_-) 

Tama. Hinahabol ko siya kasi may utang siya sakin. Kailangan ko siyang singilin. Wala na akong pera. Hindi na ako makakabili ng alak. Kailangang kailangan ko iyon. Kailangan ko nang matapos ang lahat ng to…

Lumapit ako sa isang nursing station. 

“Nurse, saan ba pupunta pag may kailangan sa management?”

Itinuro niya ako sa isang office. Binati ako ng babaeng nasa receiving desk.

Grabe. Parang napaka-importante ng pakay ko. Pssh…

 “Bakit po Maam?”

“Ah, eh… kailangan ko kasi itong isauli.” Nakakamot ako sa ulo habang inaabot ang tasa sa kanya.

Mukhang nagulat siya nung nakita yung tasa. First time kaya niyang makakita ng ganto?

(^_^) “Ah kayo po pala yung tinutukoy ni Sir Kei.” –Yung babae sa receiving desk.

Kei. Yun pala pangalan non. Teka, Sir? Tunog respetado. Wait, did I just vomit on a very important person? (_ _”) 

Ah bahala na. Hindi na rin naman ako magtatagal dito. 

“Ah puwede ko bang malaman kung nasaan siya?”-Ako.

“Kanina pa po nakaalis Maam eh. Pero may ipinabibigay po siya sayo.” –Nurse. May kinuha siya sa bulsa at ibinigay sakin.

(O.o) P100.00. Tama kayo ng pagkakabasa. Isang daang piso nga. Ba’t naman kaya niya ako bibigyan nito? Nahulaan kaya niya na sisingilin ko siya? Pero ni hindi nga to makakabili ng isang bote eh. Aish!

“Para saan daw ba ito?”

Nag-shrug siya. “Basta sabi lang po niya siguraduhin ko lang daw na maibigay ko to sa inyo.”

Kung makasabi siya ng ‘po’ pakiramdam ko ang tanda-tanda ko na. Eh mukhang nasa 30 edad na siya, eh. Haler! 19 pa lang po ako. Hmp..

Nagpasalamat na lang ako pagkatapos ay umalis na.

Tiningnan ko yung isang daang piso. May nakasulat! 

“Pamasahe.”

(-_____-) 

Dang! Ayos ah! Mabuti naman at naawa pa siya sakin.

Hmmn… Mabuti nga talaga. Naalala ko, wala na pala talaga akong pera kahit piso.

“Rij? Andito ka pala!”

Napaangat ako ng mukha. Nakita ko si Kuya Mikael— este, Mike pala. Ayaw niya kasing tinatawag ko siyang kuya. Tsaka mas gusto daw niya na Mike na lang ang itawag sa kanya. Oh well.

“Ba’t ang sama ng tingin mo dyan sa 100?” 

Agad kong ipinasok iyon sa bulsa ko. “Ah wala. Nasaan nga pala si Lola?”

Si Lola… Kaya ako nandito kasi inatake na naman siya. Isinugod siya dito kagabi.

“She’s fine. Now.”

May malaking agwat bago niya sinabi ang huling salita. Sumikip kaagad ang dibdib ko.

“Puntahan mo siya. Ikaw kaagad ang hinanap niya nang magising siya.”

Ngumiti lang ako at tumango.

_____________________________

The Only ExceptionWhere stories live. Discover now