Chapter 1: FAILED ATTEMPT

78 2 0
  • Dedicated to Cai Cai
                                        

[RIJELLE VENTURA]

Isang hakbang na lang... Kaya ko to..

Teka.. Ba’t biglang naging dalawa pa? Aish! Pinagloloko yata ako ng hagdan na to! (>_<)

Sinapok ko ang sarili kong ulo. Mas lumalala ang pagkahilo ko. Naduduling na ako. Sa tingin ko malapit na akong masuka..

Ilang bote ba ang naubos ko? I lost count. Pero parang sasabog na ang ulo ko sa sakit. 

Ayan. Sa wakas... Nandito na rin ako.. 

Sa rooftop.

*hakbang. hakbang. hakbang

@_@ Oooy.. Mukhang mataas nga talaga. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa bulsa.

Ihinulog ko.

Waaah! Ni hindi ko makita kung saan iyon bumagsak! 

Ayos to... 

Huh? May pumatak na tubig sa kamay ko. Akala ko umuulan.. 

Galing pala sa mga mata ko.

Sht. Akala ko ubos na. May natira pa pala... Akala ko wala na akong iiiyak pa..

Tumingin ulit ako sa ibaba.

Ang ingay ng mga sasakyan... Ang gulo ng mga kalsada..

Nagkalat kahit saan ang mga tao na maliliit na sa paningin ko...

Tumingala ako at pinagmasdan ang mga bituin. 

Parang ang lapit-lapit lang nila... Pero di ko maabot.

Ipinikit ko na ang mga mata ko.

Isang bahagi ng isip ko ang pumipigil sa akin. Isang bahagi ang nagtanong kung bakit niya ako pinipigilan.. 

Wala akong narinig na sagot..

Wala na akong natitirang rason para manatiling nakatayo dito...

Kailangan ko nang umalis...

Paalam.

. . . . . . .

(O_o) Huh? 

Ba’t ang bilis ko naman yatang bumagsak? Ni hindi man lang ako nakiliti?

Tsaka ba’t ang sakit-sakit pa rin ng ulo ko? Akala ko ba wala nang sakit pag nasa purgatoryo na o kung saan man napupunta.

“Miss, ang bigat mo.”

(O_O) Binuksan ko ang mga mata ko.

Hindi sahig ang nakita ko... Kundi isang tao.

Sinikap kong tumayo kahit nahihilo pa ako. Muntikan na akong matumba. Mabuti na lang at naalalayan niya ako. Nakatayo na rin pala siya.

“Baliw ka ba?” 

“Anong—“

Teka. teka. teka. Kinakausap niya ako? 

Hinawakan ko ang mukha niya. Waaah! Totoo siya! Tao siya!

Kinapa-kapa ko ang sarili ko…

Buhay pa ako? Buhay pa ako! O_O 

Sht! Inubos ko ang pera ko pambili ng alak para magkaroon ako ng lakas ng loob na tumalon dito tapos... Argh! Gusto kong i-recite sa harapan niya ang lahat ng mura na nasa vocabulary ko. 

No… Dapat tapos na to.. 

Tumingin ulit ako sa taong nasa harapan ko. Hindi ko makita ang mukha niya. Ang dilim kasi tsaka naduduling na ako. 

The Only ExceptionWhere stories live. Discover now