Chapter 4: START AGAIN

38 0 0
                                        

}Home for the Mentally Challenged Individuals{

“We can see a lot of improvements from him. Although madalas ay sinusumpong pa rin siya pagsapit ng 10am. Nagwawala siya.”

Andito ako para bisitahin si Kuya Ryan. Ipinasok siya dito 2 years ago noong nawala ang katinuan niya nang takbuhan siya ng fiancé niya sa araw ng kasal nila…

“But that’s better than before. At least ngayon, nakikipag-usap na rin siya sa iba. Malaking tulong ang madalas na pagbisita dito ni Mr. Ventura.”

Nawala ang ngiti ko sa huling pangungusap na sinabi ng nurse sakin. 

“M-Mr. Ventura?”

“Ang papa niyo po Maam.”

Nakagat ko ang labi ko sa pagtitimpi.

“Gaano kadalas si… p-pa… gaano siya kadalas dito?”

Aish! Ang hirap talagang bigkasin ng salitang yun! 

“Mga twice or more in a month po. For the past 4 months.”

Twice… or more… okay. Alright. Ibig sabihin, matagal na pala siyang nandito sa Pilipinas. Ayos. 8 moths ago na kasi nung huli kong nakita yung anino niya. Ang dalas naming magkita ano. Tss.

“Nang dahil sa kanya kaya mabilis ang progress ni Ryan. He talks a lot now. Much better than before. Wala talagang hihigit na mas magaling na gamot sa kahit na anong sakit kundi ang pagmamahal ng magulang.”

Sige. Sige pa Kuyang nurse. Ipamukha mo pa sa kin (>.< ) Tsk! 

Hiniling ko na makausap si Kuya. Pumayag naman sila. 

Niyakap ko siya ng mahigpit. Mukhang tumaba siya. Mabuti naman...

“I missed you Kuya...”

Tinapik niya ang balikat ko. “Bakit? Saan ba ako pumunta?”

Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. Noong huling dalawang buwan pa kasi ang huling dalaw ko sa kanya dito. Pinagbawalan kasi ako ni Lola. Nakakasama daw kasi sakin. Ewan ko kung ba’t niya nasabi iyon. Eh naglalaslas lang naman ako pag-uumuwi galing sa pagbisita ko sa kanya. Anong nakakasama sakin don? (_ _”)

“Wala. Diyan lang sa tabi. Alam mo naman itong kapatid mo mabilis maka-miss. Love ka ni baby Rijelle Kuya…”

Ginulo niya ang buhok ko. “Love you.”

Kusang tumulo ang mga luha mula sa mga mata ko. Sa loob ng dalawang taon… ngayon ko lang ulit siya narinig na sinabi ito sa akin…

“I’m sorry Kuya… I’m sorry…” hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya...

“Bakit sorry? Bakit sorry baby Rij?”

Dahan-dahan akong bumitaw sa kanya. Tumingkayad ako upang halikan siya sa noo.

“Goodbye Kuya…”

Napangiti ako. Lihim kong ipinagpapasalamat na nandito pa ako ngayon. Sa tingin ko, ito ang dahilan kung bakit ibinigay sakin ang isa pang araw na ito. 

Pero ayan, tapos na. Masaya ako na malaman na inaalagaan pala siya ng tatay namin dito. Ngayon, mas magaan ang loob ko na aalis…

Paglumipas na naman ang araw na ito, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sakin… 

Hindi naman talaga ako yung suicidal na uri ng tao. Oo naglalaslas ako pero alam ko namang di ako mamamatay doon. Ginagawa ko lang yon para mailipat yung nararamdaman ko sa sakit ng kamay ko at hindi sa sakit ng dibdib ko.

Pero yung kagabi… Nakita kong inaatake sa puso si Lola… Sa pinakaunang beses sa buhay ko, nakaramdam ako ng takot… sobrang takot. Ang takot na maiwanan… Hindi ko alam ang gagawin ko. Ayoko… ayokong mag-isa. Hindi ko kaya...

The Only ExceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon