Chapter 3: THE REASON

25 0 0
                                        

[Rijelle Ventura POV]

“Hangover?”

(o_o) Napalingon ako kay Mike. Nakatingin siya sakin habang hinihilot ko ang ulo ko.

“P-pa-papano mo nalaman?”

“Your smell tells me.”

Inamoy ko kaagad ang sarili ko. Oh no no no. Nakipag-usap ako sa mga tao kanina nang ganito ang amoy ko?! Aish! Nakakahiya!

Tumawa siya. What the— 

“Sa tingin ko kailangan mo munang umuwi at maligo.” 

Sa tingin ko nga. 

Inilahad ko ang palad ko sa kanya. “Pahiram ng barya.”

Mas lalong lumakas ang tawa niya. Mabaho lang ako, pero hindi kulot ang huok ko; hindi mapula ang ilong ko at higit sa lahat, hindi abot hanggang tenga ang labi ko na nakangiti pang parang timang. Kung makatawa to... (-___-) Binigyan niya ako ng bente. Puwede na to. Magji-jeep lang naman ako. Ayokong gastusin yung isandaang may nakasulat pang ‘pamasahe’. Isosoli ko to dun sa ulupong na nagpabigay sakin non. Pati pa rin pala yung jacket niya. Hindi ako puwedeng magkaron ng kahit na anong utang na loob sa kanya. Mahirap na. Kailangan ko ding ipaalala sa sarili ko na magtimpla ng kape pagnakilala ko na kung sino siya. Baka mangwenta.

Umuwi na ako. 

Ang tahimik ng bahay…

Kung sabagay, kailan ba naging maingay dito?

Pumunta kaagad ako sa banyo.

Okay, ayoko namang ikuwento kung ano ang mga pinagagagawa ko sa banyo, magpapakilala na nga lang ako. Sayang din ang oras eh.

I am Rijelle Gallaron-Ventura. 19 yo.  5’3”. Estudyante. Isang mamamayan ng Pilipinas. Ahm… ano pa ba…

Sino ang mga magulang ko? 

Bago ko sagutin iyan, nagtataka lang ako eh. Sa dami kasi ng story, puro may: anak ako ng presidente; anak ako ng isang mamayang churvabels; anak ako ni Mr. Chuvaness na may-ari ng komapanyang churvaloo… Anak ng— makakamura ako eh. (-_-)

Hindi ko pa nakikita ang nanay ko. At kakailanganin kong maghintay ng mahaba pang panahon bago ko siya makita. O depende pa rin pala, baka mamaya matsugi na ako edi magkikita kami agad.  :3

Yeah, she’s gone. Namatay siya pagkapanganak sa akin. 

Ang tatay ko? Hindi ko alam kung nasaan. Sabi nila masyado daw siyang nasaktan sa pagkawala ni mama kaya lumayo siya. Hindi daw niya ako kayang makita. Sa tuwing nakikita daw niya ako, naaalala niya si mama. I can’t help but think na sinisisi niya ako sa nangyari. But who cares? Wala akong pakialam. Period.

Hindi naman sa hindi ko pa siya nakikita. I see him for at least twice a year. Umuuwi siya kapag birthday ni Kuya Ryan at kapag death anniv ni mama. Minsan iniisip ko na lang na kaya siya umuwi ay dahil birthday ko. Pssh…

Uy, naaawa na kayo sakin? Aish! Agad-agad?! Sa maniwala kayo at sa hindi, iyon na ang pinakamagaang bagay na meron sa buhay ko...

Paano ako nabuhay? Walang mama, walang papa… well i had my Lola and Kuya Ryan. Kontento na ako doon. Their love was enough. 

I HAVE A VERY BORING LIFE.

Caps lock XD. Para magsilbing warning na walang interesting sa buhay ko.

I worked well in school though i didn’t excel that much. I had friends; pre-school and elementary friends which were gone in high school; high school friends which were gone in college; now, college friends which (I’m sure) will be gone when we graduate.

The Only ExceptionWhere stories live. Discover now