Chapter Ten: Prelude to Ending

324 31 6
                                    


IGNACIO


Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa conference room kung saan hanggang ngayon ay hindi pa natatapos ang pagmi-meeting namin sa road mapping sa ginagawang diversion road.


Pasado alas singko y' medya na. Nakaramdam ako ng pagkainip dahil mula tatlong araw na rin na hindi kami nagkakausap ni Lowella. Mula pa nang magkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan noong nakaraang Biyernes ay hindi na kami nagkita o nagkausap man lamang. Hindi rin niya sinagot ang text ko.


Pinipigilan ko ang pagbangon na naman ng inis sa pagiging matigas ni Lowella. Ni hindi man lamang siya nangumusta kung okay lamang ba ako o kung buhay pa ako sa loob ng tatlong araw.


Pero ang higit na bumabagabag sa akin ay ang pagsama ko kay Patricia. Agad na dumaan sa utak ko ang pagba-bar hopping namin ni Patricia kahit na hindi naman ako mahilig na mag- bar hopping. Nagulat na lamang ako nang mag-text siya sa akin kahapon at tinanong kung may lakad ako. Baka raw pwede na samahan ko siya na lumabas. Nagkasagutan daw kasi sila ng kanyang Papa. 


Ang gusto ng kanyang Papa ay tumigil na siya sa San Nicolas at dito na lamang magtrabaho sa munisipyo na siyang mamahala sa mga proyekto niya sa loob ng dalawang huling termino ni Mayor Lito para sa paghahanda na rin sa pagtakbo niya bilang kongresista. Tutol doon si Patricia dahil wala siyang kahilig-hilig sa pulitika. Maging ang kurso na pag-a-abogasya ay tanging ang Papa lamang niya ang may gusto. Para mapagbigyan ito ay tinapos iyon ni Patricia habang ginagawa niya ang sarili niyang hilig sa pagpipinta. Ikinuwento niya kung paano siya na-inspired sa ilang mga paintings na binibili niya sa abroad. Kahit na tapos siya ng abogasya at nagtatrabaho sa isang law firm ng kanyang uncle sa Manila ay sinasabi niya na kumukuha lamang siya ng pagkakaabalahan para hindi siya pauwiin sa San Nicolas.



Para kay Mayor Lito ay malaki ang maitutulong ni Patricia bilang modelo ng kanyang political ambition. Si Patricia ay isa sa mga pinakabatang Filipina na may non-profit organization na tumutulong sa mga kabataan na hindi nakapag-aral at mga kabataan naabandona ng mga magulang. Ngayong taon lamang ay lumabas siya sa isang magazine bilang isa sa mga awardee ng Philanthropy Awards na ibinigay ng isang Asian award giving body para sa mga non-profit professionals. 


Mas higit kong nakilala si Patricia at hinangaan dahil sa determinasyon niya sa pagsasabi sa kanyang Papa na hindi niya gusto ang pulitika. Na gusto lamang niyang magbigay ng tulong at inspirasyon sa mga kabataan.


Aaminin ko na nakakahanga ang babaeng kagaya ni Patricia. Masuwerte ang lalaking mamahalin niya. Pero siguradong mag-aalangan din ang sinuman na ligawan si Patricia dahil ipinanganak na itong mayaman. Ni hindi nga niya kailangan na magtrabaho para lamang kumita.


"Let's call it a day. Masyado na palang late," sabi ni Engr. Allan Diaz. Isa sa mga kasabayan kong engineer at siyang na-assign sa road mapping sa diversion road. "Baka may mga date pa ang iba riyan," biro nito na tumingin sa akin.


Napatingin sila sa akin at nagtawanan. Sinabing malamang iniwan na ako ni Lowella dahil late na. Tinawanan ko lamang sila na tumayo na. Nagtayuan na rin ang iba. 


Nang pababa na kami ng hagdan ay agad na kinuha ko ang cell phone ko at tatawagan si Lowella. Magsasabi ako na dadaan ako sa kanila. Siguradong nakauwi na ito. Pero laking gulat ko nang makita ang babae na nasa lobby at halatang naiinip na rin sa kakahintay. Panay na ang tingin niya sa orasan at nakasimangot na. 

Love Takes TimeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt