Chapter Four: In Different World

364 35 7
                                    


IGNACIO


Inis na napabuga na lamang ako ng hangin nang makitang busy na ang cell phone ni Lou. Mukhang si Delia na naman ang kausap niya at malamang isinumbong na naman ako dahil sa naging pagtatalo namin. 


Nakakapikon na rin kasi.


Hindi ko naman kasalanan na ganoon katagal ang naging meeting ni Mayor sa amin. Nang magsimula ang road widening sa ilang barangay ay nagsimula na rin na naging busy kami para malaman ang mga bahay na tatamaan sa mga barangay na ito. May mga residente na sumusugod pa sa munisipyo at magreklamo tungkol doon at hindi madali lalo na at mga kakilala rin namin at ka-barangay pa ang ilang natamaan. Minsan kahit ipinaliwanag na ay hindi pa rin iyon maintindihan ng ilang matatanda. 


Pero hindi rin lamang naman iyon ang ang napagtalunan namin ni Lou kanina.


Maging ang simpleng pagsakay sa traysikel ay pinag-aawayan na namin. Nakakapikon na rin kasi at natatamaan na rin ang ego ko bilang lalaki na ang girlfriend ko ay iiwan ako makasakay lamang sa kotse. 


Kung minsan, pakiramdam ko ay nagiging estranghero na kami ni Lou sa isa't isa.  Pinipilit ko na maging maayos ang relasyon namin na sa haba na marahil ng panahon ay dumarating na iyong nakakasawa o paulit-ulit na lamang ang ginagawa namin.


Magkasama sa trabaho, sinusundo at inihahatid sa bahay mula Lunes hanggang Biyernes, magkausap sa cell phone sa gabi, nagdi-date at nagsisimba tuwing weekend.  Kung iisipin, buong oras ko ay s trabaho lamang at kay Lowella. Ni ang lumabas kasama ng ilang ka-trabaho at kaibigan ay hindi ko ginagawa dahil ayoko na mawalan kami ng oras na magkasama. Huwag nang idagdag na ako rin ang may kargo sa mga magulang ko at dalawang pamangkin na naiwan ni Ate. 


Tila sasakit ang ulong naupo na lamang ako sa aking kama at nag-browse sa facebook. Pati nga pag-facebook ay hindi ko ginagawa. Nagbubukas lamang ako kapag hindi ko makausap si Lou at may sumpong. 


Ilang sandali pa ay may kumatok na sa pintuan. Bumukas iyon at iniluwa ang kinse anyos na pamangkin ko na si Jorge. May hawak itong bola ng basketball at hinihingal pa. Halatang nakipaglaro na naman ito sa court sa mga kaibigan.


"Tito, kakain na sabi ni Mamang. Lumabas ka na raw," sabi nito na ibinato sa kanya ang bola. Mabuti na lamang ay nasalo niya iyon. Ngumisi ito. "Matulog ka nang maaga, tito. Baka hindi ka na maka-shoot ng bola," tatawa-tawang sabi bago nagmamadaling bumaba.


Natawa lamang siya na napatingin sa hawak na bola. Naiiling na ibinaba lamang niya iyon.  Parang kailan lamang ay umiiyak pa si Jorge dahil sa pagpanaw ni ate pero ngayon masayahing bata na ito. 


Hindi na nga pala bata. Binatilyo na si Jorge. Akmang tatayo na sana ako nang mag-ring ang cell phone ko at akala ay si Lowella iyon. Napakunot ang noo ko nang makita na messenger call iyon. 


Si Patricia.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Love Takes TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon