Chapter Five: True Colors

344 32 5
                                    


Lowella 


Nag-alangan ako na bumaba ng sasakyan nang makita na sa Cafe Luna inihimpil ni Aries ang sasakyan. Napatingin ako sa kanya na noon ay pinapatay ang makina ng sasakyan. Napaangat ang kilay nito nang makita na nakatingin lamang ako sa kanya.


"Magka-kape pa tayo?" takang tanong ko. 


Matapos na kumain kami sa restaurant na sinasabi niya at halos dalawang oras na kaming nagkuwentuhan tungkol kay Myr ay nag-aya na rin akong umuwi. Iniwan ko ang cell phone ko sa bahay kaya hindi ko alam kung panay na ang tawag ni Ignacio. Sa inis ko kanina ay hindi ko sinagot ang tawag niya at sumama kay Aries nang ayain niya akong kumain sa labas. Nagtanggal ako ng nararamdaman na inis sa nagiging pag-aaway namin. 


Kailangan ko rin huminga mula sa presensiya niya. Hindi makakatulong sa amin kung pipilitin namin na mag-usap dahil lamang sa kailangan naming mag-usap. 


Mauuwi rin lamang sa away ang lahat.


"Oo. Hindi mo pa nga kinukwento bakit mainit na naman ang ulo mo kay Reed. Eh, loyal na loyal sa yo ang boyfriend mo."


Nakaramdam ako ng protesta sa sinabi ni Aries. Parang ako pa ang lumalabas na may kasalanan sa naging away namin ni Ignacio. Naningkit ang mga mata ko sa kanya.


"Akala ko ba ay kaibigan ka? Mas kakampihan mo pa si Ignacio," kunwa'y naiinis kong sabi na humalukipkip sa pagkakaupo.


Natawa si Aries at napakamot sa batok. "Hindi naman. Sige na nga. Kakampi mo ako. Hahamunin ko ng suntukan si Reed dahil inaaway ka." Nagmuwestra pa ito na inililis ang manggas ng suot na polo na parang makikipag-away. 


Natatawang hinampas ko lamang siya. "Pulos ka kalokohan. Baka ihagis ka lamang ni Ignacio." Tumawa ako nang malakas nang maisip ko ang imahe na iyon. Paano ay likas na matangkad at malaki ang katawan ni Ignacio. Hindi naman payat si Aries pero mukhang hindi naman bumubuhat ng isang sako ng bigas. 


Nanlaki ang mga mata nito. "Grabe ka sa akin. Halika na nga at nang maumpisahan na ang drama mo."


Nakangiti na nang lumabas ako ng sasakyan. Nagtatawanan pa kami ni Aries habang papasok sa Cafe Luna. Sa ganitong oras ay hindi ko akalain na marami pa ring tao. Kanina lamang ay narito kami ni Ignacio. Ngayon ay narito uli ako pero iba ang kasama ko.


Nakaramdam ako ng guilt.


Agad na dinepensahan ko ang sarili na wala naman kaming ginagawa ni Aries at kumain lamang naman kami. 


Pero mali pa rin na lumabas ka ng ganitong oras na kasama ay iba, tila pananakot ng kabilang bahagi ng utak ko. Bigla ay nanlamig ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan na para bang bigla akong natakot na baka may makakita sa amin dito at sabihin kay Ignacio. Gusto kong pagalitan ang sarili nang higit pa na lumakas ang guilt feeling na nararamdaman ko. Napatingin ako sa masayang pagbibiro ni Aries kaya ang balak ko na sabihin na huwag na kaming tumuloy ay hindi ko na nasabi. 

Love Takes TimeWhere stories live. Discover now