Five

3.2K 103 1
                                    

(Note: Unedited. Errors ahead.)

Five




"A PARTNERSHIP WITH the Cordova family?"

Napatakip sa tenga ang ama ni Bleu na siyang kausap niya ngayon through FaceTime. Nang malaman niya ang plano ng ama ay agad niya itong tinawagan para linawin kung tama ba ang pagkakaintindi niya tungkol doon.

"Hindi mo pa ba alam?" Inosenteng tanong ng ama niya. "I sent you email about it."

"Papa! I was waiting for the new Branch's approval. Not this... this..." Napapikit siya nang mariin. "Papa! I'm okay with the new branch."

"I'd already gave my word to Mauricio. Alam mo naman na hindi ako nagbibitaw ng salita na hindi ko ginagawa."

"Papa..."

Tumingin siya kay Marimar na tahimik lang na nakikinig sa usapan nilang mag-ama. Sinenyasan niya ito para ibigay ang note pad na hawak nito sa kaniya. Marimar hurriedly slide the pad to show her the email her dad was talking about. It was dated just a while ago. Kahit sinong makakatanggap ng klaseng balita ay paniguradong magugulat dahil sa biglaan iyon.

"Hindi ba ito naman talaga ang plano ko para sa pamilya natin at sa mga Cordova?" Her dad.

"But Ephraim already married Ate Yasha," she insisted. "And it's been three years already since you've talked about the deal."

"My word doesn't have an expiration, Bleu Ellijah." Napalunok si Bleu sa lalim ng boses ng kaniyang ama. "Mas simple naman ito kaysa sa unang plano ko noon na ipakasal ka sa isang Cordova. Bakit humihindi ka pa rin?"

She wanted to tell her dad her real reason. But it's so unprofessional. Isa pa, wala itong kaalam alam na may namagitan sa kanila ni Zaccheo noon. Kung magsusumbong siya ngayon, natatakot siya baka atakihin sa puso ang kaniyang ama nang wala sa oras.

"Pinauwi ko na si Zaccheo para sunduin ka. Hindi ba't sabi mo ay nakabili ka na ng lupa sa Boracay? Pag-usapan niyo na ni Zaccheo kung paano ang gagawin niyo roon," wika ng kaniyang ama.

"Pero papa—"

Natigilan siya sa pag-angal nang makitang bumukas ang pinto sa likod ng kaniyang ama at pumasok doon ang kaniyang kapatid. Armee looked at the screen and smiled when she realized she was there. Naghuhubad ito ng high heels habang inaalis ang nakataling buhok. Nakasuot ito ng asul na terno na crop top at high waisted shorts.

"Hi ate! Good morning there!" Bati nito sa kaniya.

"Good evening diyan," bati niya pabalik. "Saan ka galing?"

"Photoshoot. A new clothing brand wanted me to be their model so, yeah. I accepted it." Lumapit ito sa kanilang ama saka humalik sa pisngi. "Patulugin mo na si papa. Hindi 'yan nag siesta kanina."

Napangiti siya saka tumango. "We're talking about business. Papatulugin ko na siya mamaya."

"Alright! Check ko lang 'yong kambal. Bye ate! I miss you!" Paalam nito bago nawala sa screen.

"She changed, right?" Nakangiting tanong niya sa ama.

"She is." Bumuntong hininga ito. "Uuwi na kami riyan sa susunod na taon. Gusto niyang diyan lumaki ang kambal."

Nabuhayan si Bleu ng loob dahil sa sinabi ng kaniyang ama. Having them back in the Philippines is what she always wished. Mas gugustuhin nalang niyang laging maingay at magulo ang mansiyon nila sa hacienda kaysa sa umuuwi siya roon na katahimikan ang sasalubong.

"I can't wait to hug you again, papa."

"Ako rin, Bleu." Ngumiti ito nang ilang segundo ngunit agad ding sumeryoso ang mukha. "Pero hindi pa rin magbabago ang desisyon ko tungkol sa partnership natin sa Cordova."

Tainted Mistake (Mistake Series #3)Where stories live. Discover now