Chapter 8: I need help!

En başından başla
                                    

"Kaya salamat ha?" pagkasabi niyang iyon ay agad siyang tumalikod at naglakad palayo sakin.

Malala na nga ang taong ito. Hindi pa niya kayang sagutin yung bugtong? Itinanim dito doon tumubo. Flashlight diba?

END OF FLASHBACK..

"Yan ka na naman eh. Natutulala sa kagwapuhan ko. Aminin mo na kasing Crush mo 'ko." sabay kindat sakin. Hindi rin siya mahilig kumindat no? Ano siya? Dreamdad? Kindat ng kindat. Hindi naman bagay. Tse!

"Excuse me no! Hindi ako magka-crush sa isang tulad mo!" Talaga! Over my dead, beautiful and sexy body.

"Talaga? okey sabi mo eh." Bipolar talaga ang Ceasar na'to. Lakas ng tama e. Kanina ininsist na crush ko siya ngayon naman hindi na. See? Bipolar talaga.

Ilang oras na kaming naglalakad sa gitna ng kagubatang ito pero kahit ni isa wala pa kaming nakitang piece ng puzzle. Sa group namin, napagkasunduan naming tigtatatlo ang hanapin naming puzzles since 24 lahat ang pieces of puzzle.

"Ano ba yan!" sigaw ng bakulaw. "Kanina pa tayo naglalakad wala pang puzzle na lumilipad."

Ha? Tama ba ang narinig ko? Puzzle na lumilipad? Wagas ang imagination ng lalaking ito.

"Malas ka talaga Miss Clumsy Leggings.Tawagin mo kaya si Tweety Bird at nang matulungan tayo sa paghahanap." Ang lakas din ng loob niya ah.

"Bakit hindi mo tawagin yung mga kalahi mong unggoy lalo na si Ceasar total dun ka naman magaling diba? Sa pag-akyat ng mga puno?"

Hah! Akala mo ikaw lang marunong mang asar?

"Sa gwapo kong ito? Kahit ikumpara mo man ako sa unggoy na Ceasar na yun atleast Genius kasi marunong siyang magsalita. Eh ikaw? Anong alam ng mga kalahi mo? Ang dumakdak ng dumakdak."

Nang aasar talaga ang lalaking ito! Masisiraan ako ng bait dito. Tweety Bird? Ilipad mo ako palayo sa Monkey Monster na ito. Luhh? Tinawag ba naman si Tweety Bird?

"Akin na nga yang mapa! Maghahanap akong mag isa kesa kasama ang Monster na katulad mo!" Padabog akobg tumalikod sa kaniya at nag-umpisang humakbang palayo. Ako mag isa ang maghahanap ng mga puzzles kesa kasama ang bwisit na yun! Nakakatuyo ng dugo e.

Wala akong narinig na pagtutol mula sa kanya. Dahil sa inis at asar ko hindi ko na alam kung saan ako napunta.

"Hmp! Hindi man lang ako sinundan. Maligaw sana siya! Bwisit na Ceasar yun.!" pagmamaktol ko sa kawalan.

Teka? Hindi na ako familiar sa lugar na'to...Bakit parang ako yung naliligaw? Bessy? No! Ayokong mangyari ang nanyari noong elementary days ko.

Tama! Ang tanga ko talaga meron naman akong mapa a. Bobita talaga ako paminsan minsan. Binuklat ko ang dala dala kong Mapa.

"Hmm.. itong dilaw na'to ang puzzle." Tinuro ko ang mga kulay yellow sa mapa. "Sabi ng Committee kanina eh hanapin namin ang yellow spot na'to at nandun ang mga puzzles. Malalaman mo kung nasa mismong lugar ka na kung may makikita kang yellow na telang nakasabit sa sanga ng mga puno." Nag-isip akong mabuti. "Okey! so, yung mga tela ang hahanapin ko."

Tiniklop ko ang Mapa at ipinasok sa bulsa ko at naglakad hawak hawak ang napulot kong hindi kalakihang sanga.

Kanina pa ako naglalakad pero wala talaga akong mahanap na telang dilaw. Tinignan ko ang suot kong relo. "2:26pm. Ilang oras na lang at matatapos na ang challenge namin. Kailangang within 4pm ay makabalik na kami sa assembly area namin. Bahala na," bulong ko sa sarili ko.

Nagpatuloy ako sa paghahanap ng mga tela. Binuklat ko uli ang mapa at hindi ko na maintindihan ang mga naka-drawing. Hala! Anong nanyayari? Naliligaw na ata ako.

Ohno! Naliligaw na nga ako. Ayokong mangyari ang nangyari sakin noon. Tiningnan ko ulit ang oras. 3:10pm na.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Unti-unti nang tumutulo ang mga luha ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kuya? Bessy? Gabby? Please tulungan niyo ako. Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko at napaiyak na ako ng husto.

Patuloy lang ako sa paglakad. Hindi ko na alam kung nasan ako.Wala narin akong pakialam sa mapang dala ko. Wala na akong maaninag. Blurred na ang paningin ko dahil sa mga luhang umaagos mula sa mga mata ko. This can't be happening... again.

Dahil sa luha, hindi ko na makita ang dinadaanan ko. Feeling ko, katapusan ko na. Napatingin ulit ako sa relo ko. 4:30 na. May narinig akong kaluskos sa paligid.

Natatakot na ako!

"Sino yan? Please don't scare me. Natatakot na ako." Ngunit walang sumagot.

Maya maya pa'y may kaluskos na naman akong narinig. May nakita akong gumagalaw na sanga ng kahoy na sa tingin ko'y doon nanggagaling ang kaluskos. Umatras ako ng dahil sa takot.

"Help! I need help!" sigaw kong pagkalakas-lakas. "Sana may makarinig sa'kin. Please help me Lord. Kahit na hindi ako mabait." Napahagulgol na ako.

"Bakulaw ikaw ba yan?" sigaw kong nanginginig na sa takot. "Tristan? Hindi ka na nakakatuwa. Natatakot na ako. Please." Walang sumagot.

Umatras ako nang umatras hanggang sa...

"Aaahhhh!"

****

Enjoy reading guys. (^O^)

My Clumsy Girl(Unedited)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin