16th Chase

23 2 0
                                    

Yngrid

Ilang oras na kaming pumapailalim pero hindi pa rin namin naaabot ang sinasabing lupa ng ginoo. Pakilala niya saakin na ang pangalan niya ay Schmitt at ang ‘duke’ ng pangkat. Tinanong niya ang aking pangalan pero ng malaman niya na wala akong kakayahang magsalita, pinasulat niya ito sa daliri niya. Nang tanungin niya ang nakabalabal, hindi ito sumagot. Hindi kaya pareho kaming may kapansanan sa pananalita? At mukhang mas hindi siya sanay sa tao dahil palagi siyang mag-isa at tinatakpan din niya ang kanyang mukha.

Napahawak ako sa sugat ko sa tiyan.

Malalim ang sugat at mahapdi ito. Mas gugustuhin ko pa ang gumalaw dahil nababawasan ang hapdi nito pero mukhang balak lang akong bitawan ng nakabalabal kapag nakarating na kami sa pinakadulo. Bumuntong hininga ako. Gaano pa ba kami kalayo sa pinakadulo?

“Mayroon akong liwanag na nakikita.”

Pabulong na saad ni ginoong Schmitt na nasa tabi namin. Nag-iingat na hindi siya marinig ng mga halimaw na nakapaligid saamin. Ngunit tama ang kanyang sinabi. Mayroong kakaunting asul na liwanag sa ilalim. Napansin ko na bumilis ang pagtulak saamin ng tubig at palaki ng palaki rin ang pigura ng liwanag.

Hindi ko inalis ang tingin ko rito at ng nasa malapit na kami ay nakita namin ang isang napakaliwanag na orasyon na kulay asul. Sari-saring rune na naka-enkripto sa ibang lengguwahe ng pabilog na nakasulat dito. Sa loob ng pabilog na orasyon ay tatlo pang maliliit na bilog at sa loob din nito ay imahe ng isang alon na mukhang nagsisimbolo na ito ang elemento ng tubig.

“Sandali.”

Lumingon si ginoong Schmitt sa aming likuran. Wala nang halimaw ang nakasunod at umaaligid saamin. Ngunit napansin ko na mayroong pigura ang lumalapit sa aming direksyon. Napalabi ako ng makita ang binibining mayroong asul na buhok. Wala pa rin itong malay sa kabila ng pinagdaanan naming sa napakaraming halimaw. Masama ba kung hilingin ko na sana’y ako nalang ang nasa posisyon niya?

Huminto kami sa mismong tapat ng orasyon. Pinaningkitan ko ang mga rune na nakasulat sa bilog.

‘Ang elementong orasyon ay mayroong walang hanggang pagkakataon.
Ngunit kabayaran nito ay halaga ng isang bagay na nagbibigay sayo ng pag-asa.’

“Huh. Hindi ko inaasahan na magpapakita sa palapag na ito ang elemento ng tubig.”

Kumurba pataas ang isang sulok ng kanyang labi at pinagkrus niya ang kanyang mga braso, “Ngunit mayroon din namang katarungan dahil…”

Pinatunog niya ang kanyang dila at tinuro ang paligid.

“…napapalibutan tayo ng tubig. Isang napakalawak na katawan ng tubig.”

Lumangoy ako palapit sa orasyon. “Nais mo bang subukan?”

Tumabi saakin si ginoong Schmitt. Umiling ako ng hindi siya nililingon.

“Bakit hindi? Pagkakataon na ito para magkaroon ka ng kakayahan na manipulahin ang elementong ito. At napakadalang lang na magpakita ng bawat elemento sa harapan ng isang tao.”

Umiling parin ako. Naiintindihan ko na tinutulungan niya ako para magkaroon ako ng kontrol sa elemento ng tubig ngunit maraming beses na rin akong sumubok kapag mayroon akong nakikita na pagkakataon simula ng ako’y isa pa lamang bata. At sa dami ng beses na iyon, hindi ako nagtagumpay ng kahit isang beses. Sa karamihan nito halos maubos na ang mga bagay na mahalaga saakin. Huminto lang ako ng malaman ko na wala akong kakayahan na manipulahin ang mga elemento dahil wala akong mahikang dumadaloy sa aking katawan.

Bumaba ang aking tingin at napayukom ng kamao.

Hindi ko parin nalilimutan ang rason ko kung bakit naririto ako sa sitwasyong ito.

Chasing the CrownWo Geschichten leben. Entdecke jetzt