11th Chase

39 2 0
                                    

Yngrid

Nanlalabo ang paningin ko sa pagdilat ko ng mata. Ngunit nakakaramdam pa rin ako ng pagbigat ng mga mata ko at tila hinihila ulit ang aking diwa sa pagtulog.

Umungol ako at sinubukang buhatin ang sarili paupo. Nasa loob ako ng aking silid at iba na rin ang aking kasuotan. Napahawak ako sa aking sentindo dahil biglang sumakit ang aking ulo. Hinintay ko munang mawala ang pagkirot nito bago ako tumayo at bumaba sa kama. Nagpalit ako ng kasuotan na panglabas.

Masyadong kita ang balat ko sa kasuotang ito.

Lumabas ako ng palasyo at hindi napansin na malalim na pala ang gabi. Maliwanag ang labas ng palasyo dahil sa mga tanglaw na nakapalibot sa paligid. Sinubukan kong hanapin ang mga kasama ko kanina ngunit mga kawal lang ang halos nakikita kong naglalakad sa palasyo.

"Binibining Yngrid?"

Lumingon ako sa isang direksyon ng marinig ang pangalan ko. Hindi kalayuan nakatayo ang tagapagsilbi na tinulungan ako sa pananamit ko sa sayaw noong isang araw.

"Bilin saakin ni binibining Helewys na ipaalam na pumunta ka sa silid ni ginoong Lancelot."

Pumasok siya sa palasyo. Kaagad ko rin siyang sinundan ng walang angal. Dinala niya ako sa harap ng isang silid. Nasa kabilang daan ang silid ko. Napatitig ako sa pinto at napahinga ng malalim.

Kumatok ako.

Bumukas ang pinto at tila bang inaasahan ang pagpunta ko rito. Umangat ako ng tingin at bumungad saakin ang mukha ng mga kapangkat ko at mukhang may pinag-uusapan.

Nakatayo si Cecilion at nakasandal ang likuran sa dingding at nakakrus ang dalawang braso sa ilalim ng dibdib habang nakaupo naman si Lancelot sa ibabaw ng mesa. Nakahiga naman sa kama ang 'prinsipe' ng grupo at hindi ako makapaniwalang makita na siya'y natutulog.

Tuwid naman ang pagkakaupo ni Helewys at salubong ang kilay habang nakatingin saakin.

Nasa kabilang parte naman ang nakasuot ng balabal at nakatayo sa sulok.

Mayroong kulang. Hindi ko makita si Katarina, Asya, at Theopilus.

"Yngrid! Kamusta ang pakiramdam mo?"

Pagtatanong saakin ng Cecilion. Magaan akong tumango bilang pagtugon. Tumayo ako sa gitna ng silid.

"Mabuti naman kung ganoon."

Mahinahon na balik ni Cecilion habang nakatitig sakin.

"Yngrid, anong nangyari sayo sa loob?"

Badum

Badum

Badum

Nakaramdam ako ng paninikip ng aking dibdib dahil sa biglaang tanong ni Helewys. Hindi ko namalayan ang unti-unting pagsara ng kamao ko.

Napalunok ako ng mapansin na hindi nila inaalis ang tingin sakin.

Tila hinihintay nila ang aking sagot. Bumaba ako ng tingin para makaiwas.

"Sa susunod na araw nalang natin ito ituloy Helewys. Baka pagod lang si Yngrid."

Tumayo si Lancelot at ginising ang natutulog na 'prinsipe'. Kinusot-kusot nito ang mata at humikab. Tamad itong bumangon sa kama at naglakad papunta sa pinto. Tumalikod naman si Cecilion at sinulyapan ako. Hindi naman gumalaw sa kinatatayuan si Helewys at diretso lang ang tingin. Nang sandaling humawak ang kamay ni Cecilion sa seradura, biglang nagsalita si Helewys.

"Sandali."

Napahinto si Cecilion sa paghila ng pinto at napalingon kay Helewys.

"Hindi kailangan ni Helewys ang paligoy-ligoy mo Yngrid. Nagkamali ba akong piliin ka?"

Chasing the CrownWhere stories live. Discover now