12th Chase

29 3 0
                                    

Ikatlong-tao

Namumungay ang mata ni Yngrid at tila nilalabanan na hindi siya mawalan ng malay. Nakasandal siya sa isang kahoy at kumukuha dito ng suporta para hindi bumagsak ang katawan.

Sa isang bahagi naman, nakaupo sa itaas ng mga hindi natapos na kisame ang taong humila sa kanya kanina at pinagmamasdan si Yngrid sa ibaba. Dinala nito si Yngrid sa sailow (silo) ng palasyo.

Hindi niya inaasahan na mahuhulog si Yngrid sa kasinungalingan ni Lancelot.

“Yngrid~”

Malambing niyang tinawag ang lasing na binibini. Gumalaw galaw lang ito. Tumalon siya sa ere at umangat ng kaunti ang suot niyang balabal. Sa tulong ng liwanag ng buwan, pansamantalang nakita ang mukha nito. May ngiti ito sa labi at kumislap ang kulay pula nitong mata.

Lumapit siya kay Yngrid at hinawakan ang mukha nito paharap sa kanya. Hinagod niya ang itim niyang guwantes sa pisngi ni Yngrid.

Nagsalita ito sa mababang tono.

“Ang hari...”

May bahid ng pagkaaliw ang boses nito.

“...kapag lumapit ka sa kanya....”

“.. makukuha mo ang hinahanap mo,”

“..ngunit kapalit nito ang sikretong tinatago mo.”

Bumukas ang pinto ng silo. Lumingon ito. Bumungad sa kanya ang isang matangkad na pigura ng ginoo. Natatakpan ang harap nito dahil nasa likuran ang liwanag ng buwan.

Ngumisi siya sa ilalim ng kanyang balabal.

“Siguraduhin mo na hindi niya malalaman ang insidenteng ito.”

Binuhat ng ginoo si Yngrid sa dalawang kamay. Wala na ang nakabalabal na parang bula sa oras na lumabas sila ng sailow. Patago niyang dinala si Yngrid sa silid nito.




Yngrid

Kanina pa ako nakahawak sa sentido ko. Mukhang napapansin na rin ito ng iba lalong lalo na si Cecilion. Nasa silid ang grupo ng ‘Jester’ ni Katarina. Ngunit wala si Lancelot, Theophilus, at ang nakabalabal. Hindi ko nga inaasahan na bibisita rin ang matuluging Igor kay Katarina.

Pero ng sandaling pumasok siya kanina, pumunta siya sa tabi ni Katarina at tumabi rito na ikinagulat namin. Hindi namin maintindihan kung makikitulog lang ba siya o bibisita ba talaga.

Ayon kay Asya, nagising si Katarina kaninang madaling araw. At natagpuan namin siyang natutulog kanina ngunit nagising dahil sa ginawang pagtabi ni Igor. Nasipa niya ito sa kama dahil sa gulat.

Ngunit kurap lang mata ang ginawa ni Igor at parang hindi nasaktan sa pagkakahulog. Balewalang naupo siya at sinubsob ang ulo sa kama ni Katarina bago pinikit muli ang mata.

Marahas na napailing si Cecilion at tinitigan si Igor na parang nawawala ito sa katinuan.

“Nagagalak ako na malaman na hinihintay niyo akong magising! Hihi!”

Masiglang pumalakpak si Katarina at kahit mata niya ngumingiti. Kinagat ko ang ibaba kong labi at umiwas ng tingin habang hinihilot ang sentindo ko.

Hinihintay namin siyang magising dahil hindi nagsasalita si Theopilus. Hindi ako sigurado sa nararamdaman ko ngunit parang sa parehong pagkakataon, parang tinatago ito ni Theopilus sa kanila, at hindi saakin.

Hindi ko alam kung may nalalaman din si Katarina.

Kapag lumapit ka sa kanya.. makukuha mo ang hinahanap mo.’

Chasing the CrownWhere stories live. Discover now