8th Chase

38 2 0
                                    

Ikatlong-tao

“Hindi ka pupunta?”

“Aksaya lang ito sa oras ko.”

Pinagdikit ni Lancelot ang labi niya pagkatapos niyang magsuot ng damit. Tinakpan naman ni Cecilion ang mata niya gamit ang sarili braso.

“Alis na ako Cecilion.”

Hindi siya sumagot. Narinig niya nalang ang pagsara ng pinto. Nakituloy lang siya sa silid ni Lancelot. Taga Norte ito ng Andros at may pagkakayumanggi ang kulay nito. Madaling makilala ang mga taong galing Norte dahil sa kanilang kulay. Sagana sila sa sikat ng araw at kabaliktaran ito sa pinanggalingan ni Cecilion na galing Timog kung saan hindi ito gaanong nakakatanggap ng sikat ng araw.

Lumaki siya sa lugar na puno ng yelo at nyebe. Naninibago parin siya sa mainit na panahon. Nasa gitna ng Andros ang palasyo kaya tama lang mga nakukuha nitong init at lamig.

Napahilot siya sa kanyang sentindo. Uminom siya ng alak matapos niyang malaman na marunong magsalita si Yngrid ng Napoleon.

Magagalit kaya siya kapag nalaman niyang Yngrid lang ang tawag ko sa kanya?

Hindi pa rin siya makapaniwala. Sigurado siya na hindi galing si Yngrid sa Napoleon, pero paano ito marunong magsalita na para lamang sa residente ng Napoleon?

Bumangon si Cecilion at pumunta sa likuran ng palasyo kung saan nag-eensayo ang mga kalahok. Nakatingin lang siya sa malayo hanggang sa napansin niya ang paglapit ni paladin Elric at tinuro si Yngrid.

Lumapit siya. Nakita niyang tumayo si Yngrid ng may pagdadalawang-isip at pumunta sa gitna kasama ang paladin.

Nagsimula ang oras. Mabilis ang pag atake ni Yngrid at tumakbo papunta sa paladin. Tumalon siya sa ere at umikot. Umamba siya ng malakas na sipa ngunit naharang ng paladin ang atake niya. Pinagkrus nito ang braso niya na tinamaan ni Yngrid.

Pero hindi ito ang hinangaan ni Cecilion.

Napaatras ang paladin.

Hindi dahil sa kailangan niya ng matibay na pundasyon para harangin ang atake, napaatras siya dahil sa lakas ng sipa ni Yngrid.

Naiwan silang mga nanunuod na gulat at nakaawang ang bibig.

Pambihira ang pisikal na lakas na pinakita ni Yngrid.

Paano pa kaya kung sa mahika? Sigurado siya na pambihira rin ang mahika na taglay niya.

Pinaulanan ni Yngrid ang paladin ng atake. Aamba siya ng suntok at sipa sa iba't ibang oras pero napansin ni Cecilion na sa isang parte lang ang inaatake ni Yngrid.

Ang mukha ng paladin.

Kung tutuusin, napakaraming parte ang bukas para tumama ang atake niya pero bakit sa mukha?

Ano ang iniisip mo Yngrid?

“Akala ko ba hindi ka pupunta?”

Nawala ang atensyon niya kay Yngrid. Nakapamulsang naglalakad palapit si Lancelot sa kanya.

“Wala akong magawa sa loob.”

Tumigil ito sa harap niya at humarap sa tinitignan niya. Umakbay si Lancelot kay Cecilion. Patuloy pa rin sa pag atake si Yngrid. Medyo maalikabok na rin ang paligid dahil sa hangin na nadadala ng lakas ng pwersa niya.

“Hum hum.. nakakabilib ang pisikal na atake niya noh? Parang hindi ordinaryo.”

Napatingin si Cecilion sa kanya. “Ano ang ibig mong sabihin?”

Chasing the CrownWhere stories live. Discover now