Kabanata III

33 1 0
                                    

IKATLONG KABANATA





Bakit ngayon pa sa lahat ng pagkakataon? Sa harap ng hindi lamang istranghero kundi mapangkantyaw na lalaking ito?

Anong mukhang maihaharap ko gayong naakap ko siya sa takot?


"Naririndi ang Binibining Catalina sa tuwing nakakarinig siya ng putok ng baril." ibinahagi ni Emong kay Miguel. "Kumakagat na ho ang dilim, kailangan ng makauwi ng Binibini."


"Sasamahan ko na kayo, susunod ako gamit si Juana." seryoso nitong turan.


Nadinig ko ang pag-uusap ng tagasilbing ipinadala ni Señora Peza upang ipagbigay-alam sa bawat silid ang nangyari. Humingin muna ito ng paumanhin kay Miguel gaya ng sa iba dahil hindi muna sila maaasikaso ng Señora sapagkat sumama ito kay Delfin upang magsampa ng kaso.

Isang Peninsurales ang maghapong nag-iinom ng alak sa Casa. Akma na itong aalis, ngunit pinigilan siya ng isang babaeng tagasilbi dahil hindi pa nakakapagbayad. Imbes na magbigay ng salapi, inilapat niya ang palad sa mukha ng babae. Sinabihan niya pa ng masasamang salita, at minura sa wikang espanyol.

Doon tinawag si Señora Peza para pakiusapan ito ng maayos na lumabas na lamang. Ang mga aalalay sa kaniyang lalaking kasamahan rin sa Casa, ay pinagsusuntok niya.

Nang si Delfin na ang kumausap bilang kanauukulan, dumura lang ito sa kaniyang harap atsaka lumabas ng Casa de Estores.

Bagamat lasing, mabilis itong tumakbo upang tumakas at hindi mahuli kaya napilitan si Delfin na paputukan ang kaliwang binti nito.

Pagbaba namin, bakas pa ang idinulot na kaguluhan ng lalaking may edad trenta hanggang kuwarenta.






Nang makauwi kami ay madilim na. Tinanong ako nila ina kung bakit natagalan ako sa pagbalik. Si Emong ang nagpaliwanag ngunit inilihim namin ang nangyari sa akin.

Pagkatapos ng hapunan, binisita ako ni Rieca sa aking kuwarto. Habang tulala pa din ako na naaaninag ang ilaw ng Casa de Etores mula sa pagkakaupo ko sa kama katapat ng bintana.


"Amoy bawang ka pa, Rieca." biro ko sa kaniya.


"Mukhang higit isang linggo pa akong mangangamoy bawang. Hindi pa ako nangangalahati." sabi niya habang niyayakap ang mga tuhod.


"Bakit diyan ka naupo sa sahig? Mayroon namang silya." wika ko.


"Mangangamoy lang ang kama niyo. Isa pa kumportable akong umunat sa sahig ngayon. Halos ipanligo ko na ang katas ng mga dinikdik ko." suminghot-singhot pa ito. "Salamat din sa tulong mo."


"Saan?"


"Sa aklat." aniya.


"Anong tulong? Pinarusahan ka pa naman ni ama." sabi ko.


"Kahit na. Pakiramdam ko ay ibabalik mo sa akin ang libro." kumindat siya at saka tumawa, "Biro lang!"


Marikit at Adhika (The Tale of the Poets Book 1)Where stories live. Discover now