Kabanata II

30 1 0
                                    

IKALAWANG KABANATA



Hiraya, hiraya manawari

Uusbong ang bagong bahag-hari

Magsasalitan ang luha at hikbi

Itong hapdi ng paglisan, sisi, at ganti

tatangayin ng buwitreng malaya't 'di gapi

Hindi nasisindak ng araw, lalo na ng gabi

Lilingap sa ulap, hindi pabibihag sa pisi




Limang araw pa ang lumipas bago ko tuluyang natapos ang pagbuburda sa panyolito. Mabilis na lang din ako kung kumain pagkat hindi ko kinakaya ang maamoy ang mga hina-haing putahe nila Manang Pia, samantalang hindi naman ako makakatikim ng kahit ano rito. Parusa nga talaga ang pagkain ng tuyong tawilis.


"Kaka-kain ng mga isdang tuyo, nangangamoy suka na ako. Pati pang-amoy ko'y parang asim na lamang ang nakikilala! Baka sa susunod ay magkabuntot na ako." reklamo ko sa aking sarili. Malakas kong itinutusok ang karayom sa seda dahil sa inis.


"Binibini... Tapos na ho kayo di ho ba sa regalong panyolito para sa Gobernador Heneral? Ngunit, bakit naghahabi nanaman kayo?" tanong ni Rieca na nakaupo sa aking tabi rito sa bakuran. Maganda ang klima at panahon, kaya rin siguro masaya ang mga natatanaw kong nag-aani. Hindi gayon kainit, ngunit hindi rin naman makulimkulim.


Itinaas ko ang panibagong panyolito na aking binuburdahan upang matignan ang kabuuan nito. Nasa simula pa lamang ako ngunit nasasabik ako sa magiging kahihinatnan nito. "Hindi ko rin alam... Mukhang nais kong gawan ang aking sarili..."


Kaya nga kumuha ka ng tela!


Isang kalapastanganan ang gagawin ko... Ipagpaumanhin... nawa ninyo.



"Nawawala na nga yata ako sa dati kong ulira." tinawanan ko ang aking sarili.


"Binibini...n-na-nakakatakot ho ang tunog ng inyong hagikhik." a ni Rieca.

Napatigil ako at kunwari'y nauubo na lamang. Mabilis pa namang makaramdam si Rieca, at nababasa niya agad ang tumatakbo sa aking isip.


"Nasaan si Emong? Maaari niya na ba akong ipagmaneho ng kalesa?" tanong ko.


"Umalis ho maaga pa lamang nang ako ay sasama sa pamamalengke ni Manang Pia, nakita ko siyang nagtungo rin sa Plaza." tugon niya.


"Kung gayon nakabalik na siya, alas quatro na." nagsisimula ko na ring makita ang pagdating ng mga bumibili ng gulay upang ibenta rin sa palengke.

Marikit at Adhika (The Tale of the Poets Book 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora