Kabanata I

39 1 0
                                    

UNANG KABANATA


Taong 1888

Itim sa bughaw at puti sa dilaw
Lampara sa daan ay pinapalitan
Ng araw na sumisikat
Mukha mo ay nakikita
Sa ulap at mga lila
Marilag
Lungkot sa pag-asa, luha sa tuwa
Lamig ng gabi ay pinapalitan
Ng init na bumabalot
Ang yakap mo'y kakilala
Sa bangketa, ako'y pinulot
Marilag
Marilag
Hindi maitatago, hindi maikukubli
Ang mundo ay binabalot
Ng iyong pagbangon muli
Hindi maitatago, hindi maikukubli
Ang mundo ay binabalot
Ng iyong pagbangon muli
Marilag



CATALINA



"Sa libong daan na aking nalakaran,
Sa iisang bagay lamang ako nahiwagaan,
Bakit ko kinakailangang...
kalangitan ay ngitian
at ang lupa ay iwasan."




Isa lamang ito sa ilang daang hinabing salita na naglalakbay sa isip ko.

Sino kaya ang makapagsasabi?



Malawak ang lupain sa bayan, at ang mga hayop ay kapwa karamay na namin sa buhay. Gustong-gusto ko ang katamtamang taas ng ikalawang palapag ng bahay, kung saan nakapwesto sa silangan ang malaking bintana ng aking kuwarto. Sa tuwing ganitong umaga o hapon, sa paglitaw o paglubog ng araw, inaabot ako ng sinag.

Tanaw mula rito ang sakahan ng aming pamilya, at sa 'di kalayuan ang bubong ng Casa de Estores. Kung hindi lamang sa nagtataasang puno, mala-langgam man, makikita ko ang sinuman sa dausan ng ilang pagpupulong o pagdiriwang ng mga kilalang tao.


Pero, ni-minsan, hindi ako napayagan na bumisita roon.


Napansin kong ang suot kong baro't saya na tinahi ng aking ina ay nilagyan niya pala ng burda ng paborito kong bulaklak – ang aster.



"Binibining Catalina..." isang katok mula sa labas ng aking silid ang gumising sa aking diwa.


"Ano ang iyong kailangan, Rieca?" nakilala ko na ang boses.


Isang taon lamang ang tanda ko kay Rieca, kaya kung wala sa paligid ang Heneral, malaya kaming nakakapagkuwentuhan na parang magkaibigan lamang.

Si Rieca ay naninilbihang katulong sa amin, kasama ng dalawa pang tagalinis at tagalaba. Anak siya ng pinsan ni Ina. Magkamag-anak kami ngunit hindi itinuturing na kapamilya ng Heneral ang ilan sa mga kadugo ni Ina.


"Ipinapatawag po kayo ng Donya Rosalinda." aniya.


"Susunod ako." aking tugon.





Sa tuwing kauusapin ako ng ina, sa salas ang aking diretso.

Marikit at Adhika (The Tale of the Poets Book 1)Where stories live. Discover now