Kabanata V

27 1 0
                                    

IKALIMANG KABANATA




Ang alamat ng pagtawa

Noo'y sa akin lang, ngayo'y iyo na

Ang alamat ng pagtawa

Ikinabit sa iyo nitong bakunawa

Sumpang hindi ka iiyak,

Kailanman sa tinik hindi ka lalakad

Ngunit kabiyak ng iyong galak

ay walang tigil kong pangungulila

Diyan ba sa araw ramdam mo ang init ko

'Pagkat dito sa buwan, walang talang singkinang mo

Ang alamat ng pagtawa

ay ang kasiyahan kong malaman

na kahit sa hangin ko lang nadidinig

ang iyong hagikhik

patuloy kitang susubaybayan



"Sasamahan kita..." 



Biglang naubo si Pablo at tinawag ang atensyon ni Enrique. "Saan kayo pupunta? Iiwan mo ako dito kaibigan?"


Nagulumihanan si Enrique. Nauutal siyang napabawi ng unang tinuran, "S-sa-samahan ka namin... Sasamahan natin sila ni Marga sa Fuerza, hindi ba?" 


"Ano? Tayka, ang usapan ay ihahatid lamang sila bakit sasama na tayo sa loob?" protesta ni Pablo.


"Nako, 'wag na kayong mag-abala. Naroon naman si ina." saad ni ate Marga.


"Ah- oo. Ku..kung gayon babalik na rin kami sa unibersidad." nauutal na sabi ni Enrique.


Batid ko ang nais niyang ipahiwatig sa akin. Ngunit marapat ba akong umasang may mas malalim pa itong ibig sabihin?





Makalipas ang lagpas tatlumpung-minutong paglalakad namin patungo sa Fuerza de Santiago, nakarating rin kami sa bungad kung saan naghihintay si Ninang Alunsina. Isang guwardiya sibil na nagbabantay sa lagusan ang narinig kong nagsabi sa kaniya ng, "No puedes entrar con demasiada gente. (You cannot come in with too much people)".

Marikit at Adhika (The Tale of the Poets Book 1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu