"Is he trying to get back together, ganoon ba?" Jandra asked on the phone.

Umiling ako kahit hindi ko siya nakikita. "I think so."

"Oh? Akala ko ba closure na? Bakit napunta sa pakikipag balikan?" Tumawa siya sa kabilang linya.

"Hindi ko rin alam. Sa tingin mo?"

"Nako, Isha kilala na kita. Mahal mo pa, syempre. There is only a reason why a person resists to let go. Tiyaka isa pa, nagdadalawang-isip ka ba? Kapal ng mukha nito, ikaw pa talaga ang magdadalawang isip?" Natawa siyang muli.

Napasimangot ako. "Hindi ba pwedeng, gusto ko lang magcool down? Masyadong mabilis, at hindi pa ako handa."

"Hindi handa? Paano? You waited for him, right?"

"Yes. For closure. Pero iyong pakikipagbalikan, hindi ko inaasahan. I expected the opposite but it turned out to be this way. I need to think this out first."

"Okay. Hindi kita pipilitin," I can feel her smirking now. "Pero mahal mo pa?" Pangungulit niya pa.

"Jandra!"

Tumawa siya. "Tanungin mo nga siya kung may friends siyang hottie katulad niya. Ipakilala niya ako para naman magkaroon na rin ako ng katulad ni Mecho."

"Wow? Jandra! Ikaw? Naghahanap ng true love?" Now it's my turn to tease her.

"Naghahanap ako ng kasing hot ni Mecho! Hindi true love! Wait... did you mean that Mecho is a true love?"

"I used my common sense," I rolled my eyes.

"Pero kinonsider mo siyang true love? Nino? Ikaw?"

"Ewan ko sa'yo, Jandra."

Naisilip ko na lamang ang ulo ko sa pintuan ng aming faculty room nang may marinig akong katok. It was a student, junior high siguro, namumula pa ang pisngi.

"Hi! Ano iyon?" I asked and smiled.

"Uhm. May nagpapabigay po," she said at itinaas ang isang lupon ng bulaklak. Nalukot ang noo ko.

"Kanino galing?"

"Hindi po sinabi, eh. Pero gwapo po. Sabi niya, nandoon lang siya sa gym."

"Thank you," hilaw akong ngumiti sa estudyante.

"Hoy, ano 'yan?" Tanong ni Jandra sa kabilang linya nang nakabalik na ako sa loob ng faculty.

Inilapag ko iyong bulaklak sa table ko habang nanliliit ang mga mata.

"Someone gave you something? Ano 'yan? I'm curious!"

"Bulaklak," tinignan ko kung may note ba ito. "Wala namang nakalagay na card."

"What? Flowers? Aling shop?"

I chuckled. "Bakit mo tinatanong?"

"Kapag may nagbibigay sa akin ng ganyan, una kong tinitignan kung saang shop niya binili."

"Bakit nga?" I rolled my eyes pero tinignan ko pa rin naman kung aling shop binili. "Oh, ito. Meron. It says here... Dolby FS."

"Wow! Naka-dolby! Mahal 'yan, Isha! If you don't want to keep it, ibigay mo na lang sa akin!" Tumawa siya.

"Paano ko iki-keep kung 'di ko alam kung sino ang nagbigay?"

"Hindi mo ba narinig? Nasa gym daw, 'di ba?" She laughed. "I have an idea. Curious din ako, eh. May hula na ako pero malay mo may iba ka pang manliligaw."

"Ano na naman?"

"Puntahan mo, malamang! Iyon lang naman ang natatanging paraan!"

If I know, curious lang talaga si Jandra kung kanino ito galing. Kaya pati ako ay pinapasakay niya sa gimik niya. Muli kong sinulyapan iyong bulaklak. It's a mixture of yellow and pink flowers, and the wrapper is blue with a ribbon. Ang cute naman.

Kiss or SlapWhere stories live. Discover now