C

2.5K 103 49
                                    

____________________Chapter C

Noong mga sumunod na linggo, pumasok na rin si Kyle. Though, hindi pa rin siya pwedeng makisali sa trainings sa basketball, he goes to school and I barely have a sight of him. Balak ko sanang kamustahin kung sakali.

Hindi ko na rin siya nakikitang kasali sa table ng mga varsity tuwing lunch or afternoon break sa cafe. I wonder how he's doing? Nakakahiya naman kasing puntahan siya sa classroom nila para kamustahin.

Or...itext ko na lang kaya?

It was Saturday when I received the second hand cellphone na binenta sa akin ni Jandra. Cellphone daw ng pinsan niya, sabi niya, libre na lang daw pero syempre marunong pa rin naman akong mahiya. Kahit naman yayamanin ang pamilya nila Jandra ay never kong naisip na i-take for granted iyon.

Me: Jandra, nasa'yo pa number ni Kyle?

Jandra is a cheerleader and Kyle is a varsity. Siguro nama'y nasa kanya. At least there is a slight connection. Malawak naman ang circle ni Jandra.

Jandra: Nasa akin din telephone number ng bahay nila. Hehe.

Me: Number lang. Number.

Jandra: +639***

Me: Thanks.

Kinamusta ko agad si Kyle through text message. Sana bigyan niya ako ng assurance na okay lang siya. Bumaba ang tingin ko sa aking cellphone nang mag-beep iyon. Nakareceive ako ng mensahe. Pero hindi galing kay Kyle.

I arched my brows as I lay on my bed. Sino naman kaya ito? Unregistered eh. I was expecting for Kyle kaya parang na-disappoint ako nang makatanggap ng reply galing sa iba.

Unregistered: Send nudes :D

Me: Pulis papa ko :)

Unregistered: Ito naman 'di mabiro.

Unregistered: Hulaan mo kung sino ako.

I rolled my eyes. Ngumuso ako habang nagtitipa ng mensahe.

Me: Where did you get my number?

Unregistered: Sik

Me: Sik?

Unregistered: Sikret! HAHAHAHAHA

Me: I'll block you. Bye.

Unregistered: Ang sungit nito. 'Di ka naman maganda.

Tumaas agad ang kilay ko. Hmm, mukhang alam ko na kung sino ito.

Me: MECHO?!

Unregistered: Wow, nice guess. Save my number ;)

I ignored him and rolled my eyes. Pati ba naman sa text bwibwisitin ako.

Sumunod na mga araw ay ganoon ang ginawa ko. I ignored his texts, and even tried to avoid him. Kapag kasi nakikita ko siya, lagi akong naiilang o 'di kaya nama'y namumula. Ewan ko ba. Sa kabila pa naman ng pagkairita ko sa kanya ay naiilang ako. Ang weird, why would I feel awkward towards him? Wala naman akong rason.

Imbes nga na sa gym ko antayin si Jandra, sa labas na lang ako o kaya sa corridor. Magsa-sound trip ako o magbabasa ng libro minsan sa library maiwasan lang makasalubong si Mecho.

Naisip ko rin kasi, going stronger na raw sila ng girlfriend niya. Ewan ko kung legit, at hindi ko na rin inalam.

Good for them, then.

At least going stronger din relationship namin ni Keith kasi nginingitian niya na ako palagi. Pati kapag nagkakasalubong kami sa corridor, nagkakawayan na kami sabay palitan ng 'good morning'.

Kiss or SlapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon