S

1.3K 44 2
                                    

____________________Chapter S

Valentine's day came and I still don't have the courage to tell Mecho. Palagi na lang. Kapag buo na ang loob kong sabihin sa kanya, napapaatras na lamang bigla ang dila ko the last minute. It wasn't... actually easy for me.

"Oh, may nagpapabigay." Jandra said to me. Tumawa siya. "Pang-lima na iyan, ah?"

Pabiro kong ipinalo sa kanya iyong chocolate na nakasilid sa isang heart shape na box, tapos isang makapal na bouquet ng bulaklak.

"Kanino galing?" Muling usisa ni Jandra.

Hinanap ko naman agad ang card na nakasabit dito kung meron man. Some senders for today remained anonymous, though. Para man lang sana makapag thank you ako. Ang mamahal kasi ng binibigay na chocolates at mga bulaklak.

I finally found the card. Ang ganda at ang linis ng cursive na sulat kamay, parang naisip ko tuloy na galing ito sa isang babae.

Happy Valentine's, Isha.

Stay happy and a masterpiece of this world's artwork. I believe things don't last forever and when someone leaves, somebody else arrives. Chances are everywhere, and I am willing to wait for a certain chance from you.

-K

"Alam ko kung sino iyan!" Jandra exclaimed immediately.

I also have a hint. Pero wala akong confidence para aminin. Baka nagkakamali lang ako?

"Oh, sino?" Nagtaas ako ng kilay.

"Sino pa ba? Tignan mo kasi," muli naming ineksamina ang note. "Magandang sulat-kamay, englisherist, maayos ang grammars, perfect paragraph organization, poetic...halatang isinulat ng gwapo at matalinong nilalang."

Mukha pa siyang nagi-imagine kaya tinawanan ko na lamang siya.

"Sino naman?"

She looked at me with so much accusations in her eyes. "You seriously can't get it? The keyword is there! Iisang K lang ang matalino, gwapo, at pormal dito sa school!"

"Sino nga?" I rolled my eyes jokingly.

"Si Keith! Malamang!"

Hinampas niya pa ako sa balikat dahil parang siya pa ang kinilig. Siraulo talaga. Dahil ayaw ko na ring pasundan pa iyon ay hinampas ko na lang siya pabalik. At naghampasan kami roon habang nagtatawanan.

Jandra also received numerous bouquets already. Duval, Yeji, and Kyle gave us flowers and chocolates also. Nakaka-touch. Ni hindi sumagi sa isip kong bibigyan din ako ni Yeji at Duval. I thought they'd only send for Jandra.

Hindi ko nga lang mahagi—

Oh.

Speaking of Mecho. Ngiting-ngiti siya nang pumasok siya sa classroom at may hawak na makapal na bouquet ng bulaklak. Napanguso ako. It was larger than anyone elses. The wrapper is black, and the ribbon is red. The flower is sunflowers.

I chuckled mischievously at him. Halos iyong paghawak niya ng bulaklak ay parang tinatamad pa siya, but he is smiling at me proudly.

"Bakit sunflowers?" Nagtaas ako ng kilay habang tinatanggao iyong bulaklak niya na tinanggap ko.

Kiss or SlapWhere stories live. Discover now