J

1.9K 62 4
                                    

____________________Chapter J

Apparently, hindi na nakabalik pa si Mecho sa laro. He was confined at the clinic for further checkup. Titignan kung mayroon daw bang nabali sa kanya.

He twisted his knees horribly. Kitang-kita ko kung paano bumaliktad ang takbo niya bago siya gumulong sa sahig kanina. And based from his expression, he was badly hurt. He even screamed for it, and I couldn't stand hearing it without feeding my own worries inside. Is he okay?

The player was disqualified at natanggal sa laro. But that doesn't mean that the game should stop.

The game resumed but I cannot watch properly anymore. Lumilipad ang utak ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik iyong coach nila Mecho na sinamahan siya kanina.

Why? Malala ba ang nangyari? Did he got hurt intensely that he needs to be checked thoroughly that bad?

Kaya naman nang mamataan kong lumabas ito galing sa pinasukan kanina ay hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at bumaba. Nakita kong nagrequest si Yeji ng substitution at nilapitan iyong coach nila. Nag-usap sila at bawat segundo'y napapasulyap siya sa akin.

I looked at him with hopeful eyes.

Nang matapos silang mag-usap ay sinulyapan ako ni Yeji. Pagtapos ay nag-jogging palapit sa akin.

"Kumusta raw siya? May problema ba?" Hindi pa man siya nakakalapit ay agad ko na siyang tinanong.

"He sprained his ankle violently."

"Is it bad?" Kumalabog ang puso ko sa narinig.

"Not that bad. It caused swelling and pain but there were no dislocation. Either ways, he shouldn't continue the game," he explained and smiled sideways, as if he was pleased or something. "Pinapatawag ka rin pala niya sa clinic."

Para aking nabunutan ng tinik sa dibdib. Naibsan ang pag-aalala ko. I cannot seem to hide my concern towards Mecho and the only thing in my head right now is how is him. Maging habang nagpupunta ako sa clinic ay iyon ang laman ng utak ko.

"Kumusta ka na?" Nilapitan ko siya kaagad.

Agaw pansin iyong may mahaba niyang kaliwang binti na nakaunat. What happened to him might have been painful and excruciating.

"Badtrip 'yun," nakasimangot niyang sagot. "Kung nakakatayo lang sana ako kanina, binugbog ko na 'yon."

"Mabuti na lang at na-sprain ka." Umirap ako.

Tumagilid ang kanyang ulo upang lingunin ako. His jawline was highlighted and his lips protruded towards the sight of me.

"Huwag kang mag-alala, magaling naman si Yeji, Duval, Kyle, at 'yung iba pa kaya may tsansa pa rin kayong manalo," wika ko sa kanya at naupo sa tagiliran niya.

"Alam ko. Mana sa akin 'yung mga 'yon, eh."

"Nakukuha mo pang magbiro gayong nagka-sprain ka na," umirap ako sa kanya, naupo ako sa kanyang tagiliran at pinasadahan ang tingin ang kanyang nakaunat at nakabitin na paa. "Masakit pa ba?"

Tumango siya. "I-kiss mo nga. Baka sakaling maibsan." Ngumisi siya.

"Hampasin ko 'yan." Humalukipkip ako.

Tumawa siya na parang aliw na aliw na naman.

There were no wrinkles while he is laughing. Nakabalandra pa ang kanyang mapuputing mga ngipin habang tumatawa at naniningkit na mga mata. Hindi ko na rin napuna kung normal lang ba sa kanyang tumawa nang ganito, his laugh sounded composed and husky, baka nananadya siya? Napanguso ako.

Kiss or SlapWhere stories live. Discover now