Kasagsagan ng gabi. Nasa labas siya ng bahay nila nakaupo sa maliit na bench habang umiinom ng mainit na gatas.

"Ano ginagawa mo d'yan?"

Umangat ang paningin niya kay River. Nakasuot ito ng jacket habang nakapasok ang dalawang kamay sa loob ng bulsa nito.

"Ah, kuya... what are you doing here?" tanong niya rito. Pagbabalewala niya sa katanungan nito.

Umusog naman siya para bigyan ng pwesto si River sa kaniyang tabi. Inaya niya pa ito na uminom ng gatas.

Napangiti siya nang kunin ito ni River at uminom pagkatapos ay binalik sa kaniya. Sa sobrang tuwa niya, mas tumabi siya rito at sinandal niya ang kaniyang ulonan sa dibdib nito. Inakbayan naman siya nito.

"Hindi ka na naman makatulog?"

Pinatitigan niya ang hawak na mug nakapatong sa kaniyang hita habang pinapakiramdaman ang init nito sa kaniyang mga kamay.

"Uh uh, iniisip ko si Chase," saad niya. Naramdaman niya humigpit ang kapit ni River sa kaniyang braso pagkatapos ay marahan ito hinimas.

Mas lalo naman siya sumiksik dito. Ang bango kasi nito. Sobrang natutuwa siya.

"Hindi ka pa rin niya kinakausap?"

Umiling siya. Nalungkot na naman siya. Namimiss na niya ito. Nasanay siya na ito lagi ang kasama simula bata pa sila.

"Na-busy siguro kay Valerie," may pag uuyam niyang saad. "But anyways, let's not talk about them. Since, you're here naman, kuya. Let's talk about you. I want to know you dali!"

Umalis siya sa pagkakasandal dito pagkatapos ay pinihit niya ang katawan para makaharap dito. Tinaas niya pa ang isang binti sa inuupuan nila.

May ngiti naman sa labi na hinarap siya ni River habang ang braso nito ay naka-spread at inabot ang gilid ng balikat niya. Marahan siyang hinimas ulit nito roon.

"Ang cute mo." Pinisil pa nito ilong niya.

Bumusangot siya. "Kuya naman— Dali na," saad niya nang nabura na ang busangot niya sa mukha at napalitan na ito ng ngiti.

"What do you want to know, hm?"

Napaisip siya habang tinititigan ang nag tu-twinkle nitong brown na mata.

"May pagkakulot ka pala, ano?" Hinawakan niya ang malaking wavy ng buhok nito. Medyo ginulo niya pa ito. "Daya niyo. Kami lang ata nina kuya Finn at ate Paris hindi kulot."

Natigilan si River. Bumitaw siya sa buhok nito pagkatapos ay naiilang na tinitigan ang pinsan. Bigla kasi ito nag-iba ng tingin sa kaniya tapos hindi niya pa masabayan ito titigan.

"M-may problema ba, kuya?"

Umayos ng upo si River pagkatapos ay umiling.

"Gene, mag movie marathon tayo bukas. Yayain mo na rin 'yong iba natin pinsan."

"School days talaga, kuya."

"Why? You don't want it? You can ask Chase to go. Makakapagusap na kayo."

Umiling siya pagkatapos ay humigop sa gatas na hawak niya. Medyo hindi na ito mainit.

"Nando'n ka ba bukas? Kung oo, papayag ako," saad niya. Sinalubong niya rin ang tingin nito.

"O-of course."

Ngumiti siya. "Then, it's a movie night."

UMUSOG siya ng upo sa sofa habang mas kinumot ang makapal na blanket sa kaniyang tuhod.

Katulad ng sinabi ni River ay natupad ang movie night nila kasama ang kanilang mga pinsan.

Napili nila 'yong film na bones and all. Mukha kasing maganda at marami nag-re-recommend sa internet.

GenesisWhere stories live. Discover now