Chapter 14

25.6K 234 39
                                    

HINATID siya ng kuya Phoenix niya sa tahanan nila Reese

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

HINATID siya ng kuya Phoenix niya sa tahanan nila Reese. Nang makarating siya roon ay agad siyang dinaluhan ng ina nito. Naka-ngiting niyakap niya ito at kinamusta habang si Reese ay nakasunod sa kanila.

Pilit na ngitian siya nito pagkatapos ay sabay silang tatlo pumunta sa dining area. "One of my amiga's son wants to see your works," anito.

Hindi naman siya makapaniwala sa sinabi nito. "T-talaga po?"

Umupo silang tatlo sa hapagkainan. Hindi naman mawala ang tingin at ngiti niya sa ina ni Reese. "His name is Gideon. I think, sa campus niyo rin siya nag-aaral." Lumingon ito kay Reese. "Right, anak?"

"Yes, he's part of the soccer team." Pinatitigan siya ni Reese. Paniguradong gusto nito ipahiwatig sa kaniya na baka kilala ito ni Chase.

"My cousin Chase. Kasama rin po siya sa soccer team. I'll try to ask him."

"Gano'n ba, sige. Para makapagusap din kayo. Susubukan ko rin hingin 'yong contact ni Deon."

"Salamat po, tita," nagpasalamat siya rito. Habang kumakain ng tanghalian ay marami rin silang napagusapan about sa arts niya. Sa pamilya ng bawat isa but mostly about sa kaniyang pinsan.

Nang matapos sila kumain ay nagpaalam na ang ina ni Reese na may importante pa itong dapat gawin at iniwan silang dalawa ni Reese. Patungo sila sa sala nang parehas silang tumigil dahil may dalaga ang bagong pasok sa loob ng sala.

Lumingon ito sa kanila. Tinaasan pa siya nito ng kilay. Iniisip niya kung saan niya ito huling nakita dahil sobrang familiar nito sa kaniya.

"Gene, this is Valerie my cousin," pakilala ni Reese. "And Val, this is Genesis Thompson, my friend and Chase's cousin."

Do'n niya lang naalala kung saan niya ito nakita. Ito 'yong dalagang nakasayaw ni Chase no'ng anniversary ng magulang ni Reese. Bigla tuloy siya nakaramdam ng pagkainis. Muntikan na niya ito ikutan ng mata.

Ngumiti ito sa kaniya. "Oh, my! You're Chase's cousin. How was he? Bakit hindi niya ako ni-re-replyan sa mga text ko sa kaniya? Even my calls!"

Pilit na ngumiti siya rito. So, ito ang nag te-text kay Chase? Bakit hindi nagawang sabihin sa kaniya iyon ng pinsan? Does he think she will get jealous?

Well, he's right!

At nakakainis 'yon.

"Maybe he's busy." Tinitigan siya ni Reese nang mahalata nito ang tono ng pananalita niya habang si Valerie naman ay parang walang nahalata o nagkukunwaring hindi nito nahalata.

"Can you tell him to reply to my texts? Hm?" Hindi siya makapaniwala nang hawakan pa siya nito sa braso. Feeling close sa kaniya.

Inalis naman niya ang kamay nito. Napansin niya na may malokong ngiti si Reese sa kanilang gilid. Halatang natutuwa ito sa nangyayari. Pwes, siya hindi!

GenesisWhere stories live. Discover now