Chapter 4

33.9K 226 9
                                    

MABILIS niyang inilagay ang mga gamit sa loob ng kaniyang school bag nang matapos ang lecture nila sa araw na iyon

Ουπς! Αυτή η εικόνα δεν ακολουθεί τους κανόνες περιεχομένου. Για να συνεχίσεις με την δημοσίευση, παρακαλώ αφαίρεσε την ή ανέβασε διαφορετική εικόνα.

MABILIS niyang inilagay ang mga gamit sa loob ng kaniyang school bag nang matapos ang lecture nila sa araw na iyon.

Hindi na siya nag abala pa na ayusin ang mga libro at notebook sa loob at basta na lang salpak sa loob ang mga ito.

Kinuha niya ang canvas at art materials nasa loob ng locker sa loob ng classroom. Kada silid ay may nakalaan na locker ang mga estudyante pero ang pinaka main locker nila ay nasa hallway.

Bitbit ang isang shoulder bag sa kaniyang balikat habang ang kaliwa niyang kamay ay may bitbit ng canvas at sa kanan naman ang bag para sa art material niya.

Lumiko siya sa hallway pa-kanan para pumunta sa locker niya dahil iiwan niya ang mga libro niya sa loob. May extra schedule pa kasi siya, thrice a week para sa art club na sinalihan niya.

Wala sana siyang balak sumali kung hindi lang siya pinilit ni Chase. Ibahagi niya raw ang talent na meron siya sa mundo na kinatawa niya.

"Genesis!"

Lumingon siya sa kaliwang hallway kung saan niya narinig tinawag ang pangalan niya.

Nakita niya ang kambal niyang pinsan na sina Tyler at Skyler. Dumako ang paningin niya pa sa tabi ng mga ito, kasama ng dalawa si Callie.

Nag gesture si Tyler na lumapit siya sa mga ito. Binalik niya ang tingin sa daan papunta sa locker niya at sa daan kung nasaan ang mga pinsan niya.

She sighed nang mag desisyon siyang lapitan ang tatlo.

"Bakit? Ilalagay ko pa kasi 'yong libro ko sa locker. I have extra schedule pa kasi."

"Mamaya na 'yan. Mabilis lang 'to, bunso," ani Tyler.

Nakakuha naman nang batok si Tyler kay Skyler dahil sa sinabi nito sa kaniya. Tanging tawa naman ang sagot ni Tyler.

"Ate," bati niya rito. Humalik pa siya sa pisngi nito. Kinuha naman ni Callie ang bitbit niyang art materials para tulungan siya.

"Hi, baby bunso," nakangiting balik na bati nito sa kaniya. She pouted sa tinawag nito sa kaniya. Natawa naman si Callie sa kaniya at pinisil ang pisngi niya.

Naka nguso pa rin na hinimas niya ang pinisil nitong pisngi.

"Callie, hindi na 'yan baby. Kita mo naman kung paano humi—" sabat ni Tyler ngunit hindi na nito nabuo ang sasabihin dahil sinupalpal na ang bibig nito ni Skyler.

"Bunganga mo talaga!" nanggigil na suway ni Skyler sa kambal pagkatapos ay bumaling sa kaniya na may ngiti. Parang hindi nito pinagalitan ang kakambal.

"Gene— this is Reese Carson," pakilala ni Skyler sa lalaking kanina pa nakatingin sa kaniya at pinagmamasdan silang mag pinsan.

Nahihiya naman na bumaling siya rito.

"Hi, my name is Genesis Harper Thompson," pakilala niya at inabot niya ang kamay dito.

GenesisΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα