Chapter 3

39.4K 324 49
                                    

NANG sumapit ang gabi

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

NANG sumapit ang gabi. Nilublob niya ang katawan sa jacuzzi tub. May nakatayong mini gazebo sa hindi kalayuan sa pool na gawa sa kahoy at glass.

May dalawang malambot na sofa rin ang nasa gilid nito.

At tanging ilaw lang nagmumula sa jacuzzi tub ang nagbibigay ng liwanag sa kadiliman banda sa pwesto ng gazebo.

Hindi siya nakisali sa mga pinsan niya na naglalaro ngayon sa pool.

Tahimik lang na pinagmamasdan niya ang kalangitan na may mga bituin sa kalawakan. Hanggang ngayon ay hindi mawala sa kaniyang isipan ang titig ni River sa kaniya kanina.

Nakakapaso at nakakalusaw ito pero kahit gano'n ay gu-gustuhin niya pa rin magpapaso rito at magpalusaw.

Napalingon siya nang gumalaw ang tubig sa jacuzzi at nakita niya si Gray na lumubog sa tub. Naiilang na nginitian niya ito. Tumango naman ito sa kaniya.

"Why are you sulking here? Ayaw mo sumali sa kanila?" tanong nito sa kaniya. Nahihiya na umiling siya rito. "Not really, I just want to be alone for a mean time."

"Oh! I see."

Natahimik ulit silang dalawa. Ipinatong ni Gray ang dalawang braso sa gilid ng jacuzzi habang pinagmamasdan ang kanilang mga pinsan.

Sa totoo lang si Chase lang talaga ang nakakausap niya ng kahit ano. Pagdating kasi sa iba nilang pinsan ay nagiging awkward siya.

"Kumusta ka kay Chase?"

Kumunot ang noo niya nang 'di niya maintindihan ang sinasabi nito. Nahalata naman iyon ni Gray. "I mean, kumusta kayo ni Chase?"

"Ah! Maayos naman kami. He's a sweetheart."

"Sabi nga rin nila. Hindi ka naman nag selos kay Paige?"

Umiling siya rito. "No." Bumagsak ang paningin niya sa kaniyang binti nakalubog sa tubig. "Ayos lang 'yan. Basta alam mo kung saan ka lulugar. Sa set-up ng pamilya natin, imposible na may mag tagal."

"How about sina kuya Skyler, kuya Tyler at ate Callie?"

"'Yong tatlo? Pasaway naman kasi talaga 'yang kambal. Masyadong possessive kay Callie. Imposible naman mangyari gusto nila."

Napaisip siya sa mga sinasabi nito. "Paano kung posible, kuya?"

"It's not, Gene, ako na nagsasabi sayo. Imposible."

"Bakit masyado kang tutol?" Napansin naman niya natigilan ito sa sinabi niya. Mabilis na umiwas ito ng tingin sa kaniya.

"It's impossible."

Tumango-tango na lang siya rito pagkatapos ay pinaglaruan niya ang tubig sa kaniyang mga kamay.

"How about you, kuya Gray?"

She heard him chuckled. "What about me? I'm just seizing the moments."

Tinaasan niya ito ng kilay. Hindi siya naniniwala sa sinasabi nito sa kaniya. "Okay."

GenesisWhere stories live. Discover now