Chapter 7

32.5K 260 17
                                    

NAGMAMADALI na sumunod siya kay Chase nang makalabas siya ng silid

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

NAGMAMADALI na sumunod siya kay Chase nang makalabas siya ng silid.

"Chase, wait!" pasigaw na tawag niya rito habang naglakad takbo siya palapit sa binata.

Huminto ito sa paglalakad nang marinig siya nito. Nang maabutan niya ito ay hindi siya nito tinapunan ng tingin man lang bagkus ay tahimik lang ito naglakad ulit.

Kahit sabay silang naglakad nito ay pakiramdam niya ay wala siyang kasabay man lang.

Nang makarating sila sa sasakyan nito ay inilagay lang nito ang canvas na bitbit niya sa backseat pagkatapos ay dumiretso ito sa driver seat nang hindi pa rin siya pinapansin.

She wanted to cry.

Inayos niya ang nararamdaman before climbing inside the passenger seat of his black jeep wrangler.

She saw Chase waited her na makabit ang seatbelt bago nito pinaandar ang makina ng sasakyan.

Naging tahimik ang buong biyahe nila pauwi.

Kapag nagagalit o naiinis kasi si Chase ay tumatahimik na lang siya dahil hindi niya gusto na madagdagan pa ang kasalanan dito. Madalas niya rin ito hinahayaan na mag-isip muna bago kausapin.

Dahil kapag nagsalita sila na mainit ang ulo ay baka lumala pa ang gulo at baka kung ano ang masabi nila sa isa't isa dahil sa bugso ng damdamin.

Hinatid siya ni Chase hanggang sa loob ng bahay. Tinulungan siya nito na ibaba ang gamit sa art studio ng tahimik.

Umalis din ito na hindi nagsasalita at lumilingon sa kaniya.

NASA kalagitnaan siya ng pagpipinta ng maramdaman niya na may yumakap sa baywang niya.

"I'm sorry, my jealousy got the best of me," bulong ni Chase sa tainga niya.

Hinarap niya ito. Nakatitig ito sa kaniya.

Sumilip siya sa wall clock. Alas-dies na ng gabi. Tinaasan naman niya ito ng kilay.

"Nakalusot ka na naman."

Ngumisi ito. "Ako pa ba? Kahit saan papasukin ko makarating lang sa'yo." Hinampas niya ito sa dibdib.

"Ang cringe mo."

"I don't like him calling you Harper," seryoso nitong saad sa kaniya. Sinalubong naman niya ang mata nito. "I know, I'm sorry."

Pinaikot niya ang braso sa leeg ni Chase. She tipped toe and kissed him on the lips.

Nabitawan niya ang hawak na brush nang kargahin siya ni Chase at ipinatong sa lamesa. Pumuwesto ito sa gitna niya at pinaikot niya ang binti sa balakang nito.

Hindi umalis ang halik nila sa isa't isa. Para bang hindi sila nagkita nang matagal dahil sa sabik na paghalik nila.

Inalis nito ang pagkakatali ng suot niyang apron. Tumigil din saglit ang halik nila ng hubarin ni Chase ang apron at ang suot niyang tee shirt.

GenesisWhere stories live. Discover now