Chapter 17

20.6K 185 26
                                    

HINDI siya makapaniwala nang titigan niya si Valerie na may ngiti sa labi nang ipakilala ito ni Chase sa kanila na girlfriend nito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

HINDI siya makapaniwala nang titigan niya si Valerie na may ngiti sa labi nang ipakilala ito ni Chase sa kanila na girlfriend nito.

Kunot noo na nilingon niya si Chase na kanina pa hindi dumadako ang tingin sa kaniya. Kahit na pinapakita niya sa mga ito na harap-harapan siyang naiinis dito.

"Kailan pa?" usisa ni Paige.

Mahahalata ang curious ng pinsan nila sa dinalang babae ni Chase. Ito ang unang beses na may lakas ng loob nagpakilala sa kanila na karelasyon ng pinsan nila.

Dahil halata naman sa set-up nila. Masyadong mahirap para magkaroon ng ka-relasyon at talagang si Chase pa ang bumali nito.

"Alam din ba 'to ng mga ate mo?" tanong pa ni Phoenix. Sinamaan naman niya ito ng tingin.

Nakikisabat pa kasi. Nagkibit-balikat lang ito at binalik ang tingin sa dalawang mag-jowa. Umikot ang mata niya at binalingan si River.

Nagulat siya nang makita kanina pa itong nakatingin sa kaniya. Bigla tuloy siya nahiya.

"B-bakit? May dumi ba sa mukha ko?" kinakabahan niyang tanong.

Seryoso pa rin itong nakatingin sa kaniya. Mas lalo siya kinabahan. Medyo nakaka-intimidated kasi 'yong tingin nito sa kaniya.

"Nothing." Iling pa nito. Siya naman ang napatitig dito sa mata. Hindi niya ito mabasa.

Parang bumalik ito sa dati no'ng hindi pa sila close dalawa. Bumusangot naman siya. Tumaas ang kilay ni River.

"Galit ka ba?" mahina niyang tanong dito. Pilit niya inalis ang atensyon sa mga pinsan nila. Hindi niya gusto marinig mga pinag-uusapan nilang lahat lalo't na tungkol ito sa dalawang mag-jowa.

She rolled her eyes mentally. Naguguluhan na siya sa kaniyang sarili. Ano ba talaga ang gusto niya mangyari?

"I'm not galit," ani River pagkatapos ay umiwas ng tingin sa kaniya.

Nawala 'yong inis nararamdaman niya sa sinabi ni River. Hindi niya mapigilan ang ngumiti. He surely does galit.

Hindi na niya napigilan ang matawa. Nabalik ni River ang tingin sa kaniya.

"What?"

"Why you're so conyo?" asar niya rito. Tumawa pa siya ulit pagkatapos ay tinakpan ang bibig nang makitang ang tulis na ng tingin nito sa kaniya.

Umiwas pa siya ng tingin dito nang matigil siya nang mapadako ang paningin niya kay Chase na masama na ang tingin sa kaniya.

Mag sasalita sana siya nang mawala ang atensyon niya kay Chase dahil sa babaeng katabi nitong hindi inaalis ang kamay sa braso ng pinsan niya.

Bwisit na Valerie.

HINDI pa sila nakakapagusap ni Chase simula ng araw na iyon. Kada susubukan niya ay nauuwi lang sa wala. Palaging naaalala niya kung paano lumambitin sa braso ni Chase si Valerie na parang isang unggoy.

GenesisWhere stories live. Discover now