The Double Personality Gangster - 1

348K 2.4K 191
                                    

Dedicated sa idol ng lahat pagdating sa kwento ng mga gangsters, Miss Ales. Mehehehe! *U*

NOTE: THIS IS PURELY A WORK OF FICTION. ANY RESEMBLANCE TO HAPPENINGS, PLACES AND PEOPLE, LIVING OR DEAD ARE JUST COINCIDENTAL.

-----

NO PROLOGUE

 

*****

Chapter 1

 

“Beks! Uwi nalang kasi tayo!!!” hinihila niya ang kamay ko palabas ng mall

“Ano ka ba beks, kelangan ipakita mo dun sa lalaking ‘yon na hindi ka lang dapat binabasta-basta!” hinila ko naman siya papasok

“Eeeeh! Hahanap nalang ako ng iba,” huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako

Humarap ako sa kanya ng nakapameywang, “Isa JOHN DAVID GALLEGO JR!”

“Ssssh! Ano ka ba beks! Wag mo kong tawagin sa buo kong pangalan! Ang sagwa! I’m Divina!”

“Divina your face! Ano tara na? Tutulungan lang naman kita maghiganti dun sa so-called ‘boyfriend’ mo e. Hello? Pinerahan ka na nga tapos ganun ganun lang? Iiwan ka nalang? Tch!”

“Kasi naman beks, hinila mo ko dito sa mall, hindi ko naman alam yang plano mo.”

“Malalaman mo naman e, kapag nagpunta na tayo dun sa store na sinasabi ko. *winks* napabuntong-hininga nalang siya

“Beks, trust me okay? Makakapaghiganti ka dun swear, hindi ka ba nagtitiwala sa revengeful face ko?” hinawakan ko pa ang baba ko at ngumisi para mukha talagang maganda ang plano ko

“Uhhh.. Seryosong sagot beks? Hindi e.”

“Gaga ka beks! Ano tara na kasi? Ang dami ng tao oh.” tumalikod ako sa kanya at hinanap ang store, ayun! Kita ko na!

“Tara na!” hinila ko na ang kamay niya at naglakad na kami

Ang daming tao, puro mga estudyante yung iba. Nako, bakit nga ba kasi ako pa yung mas galit sa boyfriend nitong bakla kong kaibigan? Psh, ayoko lang kasing naa-agrabyado ‘to. Ang dami na nitong kasawian na pinagdaanan sa piling ng mga lalaki.

Infairness si bakla, bumigat ang kamay niya ha. At himala, tahimik lang siyang nagpapahila sa’kin.

“Andito na tayo beks! Tadaaa! Sunod ka sakin dali..” nauna na kong pumasok sa loob nang hindi pa rin siya tinitignan at dumiretso sa undergarments section. Andito kami sa seducing store, very catchy yung name ng store na ‘to no? Matatagpuan mo dito puro mga pang-seduce na damit.

The Double Personality GangsterWhere stories live. Discover now