Chapter 30

6.4K 146 7
                                    

Chapter 30

-Dylan’s POV-

 

“Thank you for giving me your heart, Pink” malumanay na sabi ko. Napatingin siya sa akin at napanguso, bahagya naman akong ngumiti sa kanya at ginulo ang buhok niya.

“Kanina ka pa thank you ng thank you ah?!” singhal niya at mahina akong hinampas sa balikat. Napailing na lang ako sa kanya habang napapangiti.

Ang saya ng pakiramdam ko sa mga sandaling ito. I’ve been waiting for this day to come. That one day, Pink Ramirez will be mine. I thought it’s impossible to happen because when she caught my attention and my heart at the same time, she’s in a relationship. Nung una nabadtrip ako sa sarili ko dahil ang first love ko, hindi man lang ako kilala at may mahal pang iba. Ang sarap ngang i-umpog ang ulo ko sa pader dahil pakiramdam ko malas ako sa pag-ibig.

Pero parang isang iglap, umayon sa akin ang tadhana. Para bang sinasabi niya na para sa akin ang babaeng ‘to. Ang tagal kong pinangarap ‘tong araw na mahalin din niya ako. Kaya naman labis-labis akong nagpapasalamat dahil akin na siya.

Ang dream girl ko, heto na nasa harapan ko na. Lahat ng ginawa ko, naging maganda ang bunga.

Kinuha ko ang kamay niya at mahigpit itong hinawakan. She looked and smiled at me, I smiled back. Ang saya-saya talaga ng pakiramdam ko, para akong nasa alapaap.  

I don’t want to let her go. Heto ang unang beses ko sa isang relasyon at masaya ako dahil si Pink Ramirez ang girlfriend. It’s something to be proud of. Mahal na mahal ko talaga ang babaeng ‘to. Kahit na madalas niya akong sungitan, mahal na mahal ko pa rin siya. Tama nga sila, nakakabaliw ang pag-ibig pero masaya kahit may mga oras talaga na masasaktan ka, ayos lang ang importante mahal mo yung taong yun. 

“Thank you din, Dudong kasi pinagtyagaan mo ang tulad ko” aniya at pilit na ngumiti.

“Sa dami ba naman ng pinagdaanan ko para lang makuha ka?” sabi ko at mahina niya akong hinampas sa braso. Tss! Namimihasa na ata talaga ‘to eh! Halikan ko ‘tong girlfriend ko eh!

“Siempre malakas ka sa’kin kaya naman pagtyatyagaan kita, siguro kung hindi mo pa ako pinapatawad at hindi pa tayo baka araw-araw akong nasa bahay niyo, baka nga doon na ako matulog eh. Ganun kita kamahal, Pink lahat gagawin ko. Kahit na sabihin mong tumalon ako sa building gagawin ko!” nakangising sabi ko sa kanya at sinamaan naman niya ako ng tingin.

“Seryoso ka?” tanong niya. I grinned.

“Oo naman, basta ba kasama kitang tatalon” sabi ko at hinampas na naman niya ako.

“Kabanas ka!” singhal niya at akmang ihahampas na naman sa akin yung kamay niyang parang bakal.

“Oy oy! Namimihasa ka na ah, girlfriend! Lagi mo na lang akong hinahampas!” asik ko sa kanya pero binaliwala lang niya yung sinasabi ko. Grabe!

“Ang sarap mo kasing hampasin eh!” singhal niya.

“Sadist girlfriend!” asar ko sa kanya.

“Siokoy!” asar niya rin at akmang hahampasin ako pero nakailag naman ako.

“Bakit may kasamang hampas?! Grabe ka girlfriend!” sabi ko at hinawakan ko na yung kamay niya dahil pursigido talaga siyang hampasin ako. “Kapag hinampas kita ng labi ko baka mapatigil ka!” singhal ko sa kanya.

Forgetting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon