Chapter 7

10.1K 192 8
                                    

Chapter 7

-Hannika’s POV –

I’m currently here at Pink’s house, to be specific nasa tapat pa lang ako ng gate nila. After she called me saying that she’s living with that Zelo guy, I became paranoid honestly. Kung hindi niya to papaalam kay Tita, pwes ako na ang bahalang magpaalam, kilala ko yung si Pink alam kong her feelings for that guy is not yet over. For almost five months, puro siya drama, she’s being so dramatic when it comes to him. Pagkasama ko nga siya para akong nanunuod ng dramatic play eh. Tapos ngayon, what the hell happened? Akala ko ba kaya sa Manila nag-aral si Pink ay para makalayo kay Zelo pero ngayon bakit sila magkasama sa iisang bahay?! Oh my ghad, that’s the craziest thing I’ve ever thought! Kaya ngayon I need to do something for her, kailangan ko siyang iligtas!

Pinindot ko na yung doorbell nila at nag-antay na magbukas ito. Habang nag-aantay ako ng magbubukas, hindi ko maalis sa isip ko na makikita ko si Blue, Pink’s older brother, he’s my crush kaya hindi ko tuloy mapigilang hindi maconscious sa itsura ko, am I pretty today? Lols~ Pero hindi siya ang pinunta ko dito!

‘Zhu ni hao yun!’ (Good luck!) bulong ko sa sarili and with that bumukas yung pintuan nila at bumungad sakin si Blue na naka-sando na kulay itim at nakashorts. Bakit ang hot niyang tignan?! Di ko maiwasang hindi mamangha sa nakikita ko, grabe ang gwapo niya po talaga!

“Oh ikaw pala Nika, anong kailangan mo?”

Natauhan ako nung bigla siyang magsalita, no Nika, wag mo siyang pagnasaan, not now maybe later. Yung agenda mo muna yung unahin mo!

“Andyan ba si Tita? I need to talk to her kase eh,” sabi ko pero bigla kong iniwas yung tingin ko sa kanya kasi, argh! Bakit kasi ganyan yung itsura niya? Nadidistract ako!

“Wala pa si Ma eh, nasa may palengke pa, pasok ka muna”

Then he gave way para nga makapasok ako sa bahay nila, nagsimula naman akong humakbang papasok sa bahay nila at narinig ko na sinarado niya yung gate, he’s following me at my back and yeah, my malandi side is taking me again, kinikilig ako at lihim akong napapangiti. Shetness lang! When we entered the house, I realized something. Kung wala si Tita and Pink dito, that means na kami lang ang tao dito! Oh my ghad, can you believe in the situation?

“Upo ka muna diyan, kukuha lang kita ng maiinom”

Bigla akong napatingin sa kanya at gulalay, I’m attracted to him, landi ko. Pero no, wag! Sinubukan kong maging kalmado at imaintain ang poise ko.  

“Wait, uhm it’s okay you don’t need to, I’m okay” I said then I smiled at him and sat on their couch.

“Okay,” he said then he went to the small chair near to my place and then he sat.

And you know what’s next? Awkwardness!

Grabe, I’m not comfortable with this silence, I need to do something to distract my thoughts before I start imagining for cliché moments with him. Tss. Crush ko talaga si Blue Ramirez.

“Nakatira sa iisang bahay si Pink at Zelo ngayon, alam mo ba yun?” I broke the silence, I looked at him seriously and he also looked at me with disbelief.

“Ano?” he asked.

“Pink called me last Wednesday and she told me that Zelo is the nephew of her landlady, di ba Tita was the one who chose Pink’s dorm there? Bakit hindi niya nalaman na Zelo will also be staying there?”

Nararamdaman ko na nagtataka din si Blue sa sinasabi ko, and we feel the same way. Nag-aalala ako para sa best friend ko, I know that she’s having a hard time right now, I really need to do something talaga!

Forgetting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon