Chapter 12

6.7K 182 4
                                    

Kung namiss niyo si Dudong, well namiss ko rin siya sobra! Hihihihi. 

***

Chapter 12

-Pink’s POV-

After ng ‘madamdaming’ pagkanta ni Zelo ay napatahimik yung buong auditorium sa loob ng ilang minuto. Parang hindi pa rin sila makaget-over sa ginawa niya.

“Wo—woah! Such a wow!” pagbasag nung host sa katahimikan “What a great performance from Mr. Castillo from Archi!” pagkatapos niyang sabihin yun ay nagpalakpakan yung mga tao sa loob.

At ako? Anong reaction ko? Wala. Basta ako bigla akong nakaramdam ng excitement nung narealize ko na si Dudong na pala yung susunod. Tignan natin kung anong pinagmamalaki nung lalaking yun. 

“Siguraduhin niya lang na hindi sayang yung pag-goodluck ko sa kanya” I murmured to myself.

“And next performer is Mr. Dylan Neil Francisco from Tourism Department, Block LMH143!” napangisi ako pagkasabi nung host, pero nagulantang ako nung makarinig ako ng bonggang tilian mula sa iba’t ibang parte ng auditorium. As in sobrang lakas ng tilian nila na mabibingi ka talaga. Ginala ko yung tingin ko sa lugar at nakita yung ibang babae kung paano sila magtititili at halos mangisay na sa kilig.

Shet? Sobrang popular naman ata ni Dudong dito?

“This is what they’re waiting for” rinig kong sabi ni Michael pero yung atensyon ko ngayon ay na kay Dudong na kakaakyat lang sa stage.

Nakahood siya at naka-cap, pero kahit ganun, ang gwapo niya pa rin, at tuloy-tuloy pa rin yung tilian ng mga babae sa audi. Grabe, sumasakit na yung tenga ko. Medyo napakunot yung noo ko nung nakita ko siyang umupo sa isang stool at may hawak na gitara. Akala ko ba sasayaw yan? Wag niyong sabihing magsp-split yan habang naggigitara dahil tatawanan ko talaga siya ng bongga if that happens!

“Huh?! I thought Dylan will be auditioning for the dance troupe? Eh bakit siya may hawak na gitara?! Oh my ghad! Don’t tell me na he’s gonna sing?! Shet! I’m so kinikilig na!”

“Kakanta si Dylan?! I though he’s going to dance?”

“Kahit ano pang gagawin niya basta go Dylan pa rin!”

At marami pa akong naririnig na bulung-bulungan tungkol sa kanya. Nakatingin lang ako kay Dudong na nginitian yung babaeng nag-ayos ng mic niya. Maya-maya pa ay tumingin na siya sa mga tao (na lalo atang nagtilian nung ngumiti siya. Shet! I never thought that he’s very popular dito sa University!).

“Uhm, hello—“ hindi niya pa natatapos yung sasabihin niya nung biglang nagtilian ulit yung mga babae. Ako naman dito ay halos takpan na yung tenga ko sa sobrang ingay. Makakapagperform kaya siya ng maayos?

“Hehehehe, actually I’m going to join the dance troupe, dun ako mag-auaudition” he paused for a while at iginala ang paningin niya sa buong lugar hanggang sa makita niya yung lugar kung nasaan ako. Nagtama yung paningin namin at lalong lumawak yung ngiti niya na naging dahilan kung bakit kumunot yung noo ko. “pero para sa isang babae, I’m going to sing first, I dedicate this song to her, sa girl friend ko” he said then winked at me. “Sana mas tumatak sayo tong kanta ko, Pink”

Is he referring to me? Ay gagita talaga ako eh no? Binanggit niya nga yung pangalan ko di ba?

Wait?! Binanggit niya ang pangalan ko?! The heck?!

“Oh my?! My girlfriend na pala siya?! Ang swerte ni girlie!”

“Aww! Ang sweet naman!”  

Forgetting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon