"why would I kill you?" itinutok ng ama ko ang hawak nyang baril sa ulo nya, naguguluhan parin ako sa nangyayari, nagpapalit palit ang tingin ko sa dalawa, mahigpit parin ang kapit ko sa aking baril naghahanda sa maaring mangyari. Inaasahan kong sasagot pa si Alezandro pero lumabas ito ng silid nang, walang sinasabi.

Natauhan ako at mabilis na bumaling sa ama ko ng makarinig ng pag basag ng baso, Tumutulo ang dugo sa kamay nya mula sa basong nabasag mismo sa kamay nya.

"Dad, An---"

"That fucking bastard, akala ba nya ay panalo na sya?" biniwala nya ang dugong dumadaloy sa kamay nya. Nanlamig ako ng diretso nya akong tinignan sa mata. "Nasakin ang alas" at isang ngising malademonyo nanaman ang pinakawalan nya.

Hindi ako umimik at tinignan lang sya ng may bahid parin ng pagkalito sa mukha ko.

"Where's my Satanly?"

"Zenjie" walang gana kong sagot. Nakita ko ang kinang sa mata nya ng binanggit ko ang pangalan ng prinsipe ng mga Velardez.

"Mahusay! Hahaha" pinasadahan nya ako ng tingin at tumigil ang mga mata sa hawak ko parin na baril. Umangat ang gilid ng labi nya at muling bumalik sa pagkakaupo, ibinalik ko rin ang baril sa likuran ko.

"Go and find Satanly, sigurado akong may mangyayari ngayon baka mapatay nya ng maaga ang mga Velardez, ayokong sya lang pumatay sa mga iyon, gusto ko kasama ka"

Yes. Gusto nyang isa din ako sa pumatay sa mga Velardez, hindi ako alam kung anong atraso samin ng pamilyang iyon, ang alam ko lang ay pinatay nila ang pamilya ni Satanly na syang matalik na kaibigan ng ama ko. Ang ibang detalye ay hindi ko na alam at wala na rin ako balak alamin dahil para kay Satanly ay kaya ko naman talagang pumatay. Ipinanganak akong na sinanay sa marahas na gawain, noong una ay wala ako pakielam sa lahat ng tinuturo sakin dahil akala koy walang mapuputahan lahat ng mga pinag aralan ko sa pakikipaglaban pero nang dumating ang batang Satanly noon at nakita ko kung gaano sya kadesidido na lumaban ay nagkaron ako inspirasyon na lumakas, naging motibasyon ko na rin ang katagang ipingako ko sakin sarili, kung hindi ko man makuha ang pagmamahal ng ama ko, sisiaguraduhin ko naman na makukuha ko ang pagmamahal ng babaeng naging inspirasyon ko.

"What?!"Rinig ko ang iristasyon saboses nya ng sinagot ang tawag ko.

Kanina hanggang makalabas ng University ay sinusundan ko na silamg dalawa ni Zenjie hanggang makarating sila sa bahay ng mga Velardez. hindi ko na hinintay pa ang paliwanag ng ama ko kanina kung bakit kailangan kong bantayan si Santanly. Nakatago ako sa isang liblib at madilm na parte ng lupain ng mga Velardez.

"Satanly, What the Fuck?!"
Alam ko kung anong dumadaloy sa utak nya ngayon, wrong timing! Dehado kami! Hindi sapat ang ilang tauhan na dala ko sa dami ng mga tauhan ng mga Velardez sa paligid. Nagawa ko man pabagsakin ang iba ay hindi iyon magiging sapat para manalo kami ngayon, mamamatay kaming pareho pagnagkataon.

"Satanly, you need to calm down! I know you really want to kill them but not this time!"

'why?'
Pumikit ako ng mariin, di ko kaya kapag may nangyari sayo.

"Kung papatayin mo sila ngayon baka mauna ka pa! Hindi mo ba naaalala? Ly! Makapangyarihan ang mga Velardez! Ang buong bahay na yan napapalibutan ng mga sniper! Bawat kibot ng mga tao sa loob ay alam nila! Alam kong kayang kaya mo silang patayin ngayon peron pwede ka din mamatay!" makiring ka sakin Satanly! Kung demonsyo ka, mas demonyo sila. 

'I dont care' Aniya. Shit!

"Satanly please, May plano tayo diba? Stick to the plan! Wag kang magpadalos dalos Ly!"
Kumunot ang noo ko ng mapansin may papalapit sa kinatataguan ko. Inayos ko ang baril ko.

'I dont need your fucking advice Drave! I want too kill them! I will kill them right now!"
Narinig kong sagot nya sa kabilang linya, oh please! Bumagsak ang lalaki bago pa makalapit sakin, buti nalamang ay may silencer ang baril ko.

"Please Satanly, Mas maganda kung mas naghihirap sila bago mamatay! Pinatay nila ang pamilya mo, dahan dahan mo silang patayin Satanly" not now Satanly. Hindi sa ganitong paraan.

Sa huli ay pumayag sya sa gusto ko, nagkita kami sa condo nya at agad kong ginawa ang mga gusto nya, kapag ganito syang ka galit, isa lang ang ibigsabhin. Madugong laban.

Dala ang bawat armas namin ay agad kaming nagpunta sa underground nang magawa ko ang gusto nyang ipaalam ang pagbabalik nya, madali kong napasok ang site ng underground dahil narin sa tulong ng ilang tauhan ng ama ko doon. 

Naging mabilis ang pangyayari, nanatili ako sa tabi malayo ngunit tanaw na tanaw ko ang paglalaban ng dalawa. Si Zenjie At Satanly.
I smirked, ganyan nga Ly. Patunayan mong walang makakapigil sayo sa paghihiganti.

Iginala ko ang paningin ko, lahat ay abala sa panonood ng laban. Namataan ko rin ang ilang tauhan ko kaya agad ko na silang sinenyasan na pumunta sa kani-kanilang lugar, mas maigi ng kumilos kung kailan abala pa ang lahat.

Muli akong bumaling sa dalawang naglalaban nang marinig ang mga hiyawan ng mga nanonood, kumunot ang noo ko dahil sa nasaksihan ko. Nasa likod ni Zenjie si Satanly. Diba ayaw mo ng may ganyang kalapit sayo? Kailan kapa nakipag laban ng ganyang kalapit Ly?

Panibagong hiyawan nanaman ang nangyari ng sa isang iglap ay si Satanly naman ngayon ang nasa naharapan at si Zenjie ang nakakapit sa kanya ngayon mula sa likod, mas lalong tumindi ang galit na nararamdaman ko.

Saktong paglabas ng tauhan ko sa cctv room, ang pagbagsak ni Zenjie sa sahig na agad dinaluhan ni Satanly, talo na si Zenjie pero bakit kailangan mo pang patagalin ng ganito Ly? Damn!

Kumuyom ang kamao ko, lalo pa ng makita ko ang tingin nya para kay Zenjie, Tangina. dahan dahan kong hinugot ang baril na nasa likod ko, alam na alam ko ang mga tingin na yan Satanly, alam ko dahil ganyan ako tumingin sayo.. Hindi pwede. Hindi maari Satanly! Bago pa lumandas ang kamay ni Zenjie sa maskarang suot ni Satanly ay agad ko ng binaril ang ilaw. Dahilan kung bakit nagdilim ang buong paligid.

Mabilis akong kumilos at pinuntahan si Satanly, maingay, madalim at nagkakagulo na pero kitang kita ko sa malapit ang isang emosyon na kahit kailan ay hindi ko pa nakikita sa mata nya. Binaliwala ko yon at mabilis syang hinigit palabas, palayo kay Zenjie.

Hindi ko hahayaan na may sumira ng plano natin Ly, dahil hindi ako magdadalawang isip na muling kalabitin ang gatilyo ng baril ko at sisiguraduhin kong kay Zenjie na tatama ang bala ko.




-YummyPandaBear

/Konting pasilip kay Drave, May ideya na ba kayo sa mga mangyayari? Keep reading guys! Thank you sa inyong lahat! God bless! Always wear your facemask! Stay safe guys.

My world is HELL.Where stories live. Discover now