Chapter 5: Coming Home

Start from the beginning
                                    

"Ahm... Aanong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya. Para kasing may nagsasabi sa akin dapat may malaman ako but I don't know kung ano.

"Di mo ba naalala? Niloloko ka ng asawa mo! May iba siyang babae! Noong nalaman niya ngang wala ka na, mas naging marami ang girls niyan." patuloy-tuloy niyang sabi. Sumunod naman ako sa kanya sa sala. May gusto pa akong malaman.

"At yang kabit ni Walter na si Janine ha, aba infarenes! Habol pa rin ng habol sa kanya kahit ayaw na sa kanya ni Walter. Baka nagsawa na." kumakain siya ngayon ng apple na galing sa lalagyan. Feeling at home lang siya? Di ko na lang siya dinestorbo kasi gusto ko pa marinig ang mga sasabihin niya.

"Kawawa nga ang mga bata ehh. Walang type ang papa nila sa kanila. Kung ako sayo, itakas mo na sila ngayon habang malaya ka pa." may mga tanong pa rin sa isip ko. But for now, I'll settle for this. 

"Di kami pwede umalis. Kailangan ko pa malaman ang mga gagawin niya."

"Di ka pa rin nakapag move-on? Alis na lang tayo?" pangungumbinsi niya sa akin kaso ayaw ko. May kailangan pa akong gawin.

"Im sorry pero may kailangan pa akong alamin. At di ko yun malalalaman if aalis ako dito. Sorry talaga." 

"Ganyan ka na ba kamartir? Di ka pa nagsasawa sa pananakit niya sayo dati?! Di pa ba sapat ang pagpapahirap niya sayo?! Di pa ba sapat sayo ang pagrape niya sayo ng ilang beses para matauhan ka?! Bahala ka sa buhay mo! Kakambal kita kaya ayaw kitang masaktan. Sana magising ka na sa kahinangan mo." at umalis na siya. Kakambal? Kaya pala parang magkakamukha kami. Yun pala ay kakambal ko siya. But sorry. I have to do this. Kailangan ko malaman ang tungkol sa katauhan ko dati para kapag nakaalis na kami dito, buo na ako.

Pumasok ako ulit sa music room. Mabuti na lang at di lumabas ang mga bata at sound proof ang music room kaya di nila kami narinig. Umupo ako ulit sa tabi ni Berlin. 

"Mama bakit ka po matagal?" hanggang ngayon natatawa pa rin ako sa accent nila. Nandoon pa rin ang british na accent kapag nagsasalita ng tagalog.

"Sorry mga babies ha! Natagalan si mama kasi may kinausap pa ako sa baba. Relative natin. So asan na ba tayo? Halika na Berlin let's play Twinkle, Twinkle little star." tinuruan ko naman sila ng nursery rhyme.

Nang gumabi na, sabay-sabay kaming kumain. Nakahabol naman si Walter sa amin. Di pa rin nawawala ang sinabi sa akin ng kakambal ko daw. Di ko nga nalaman ang name niya. Wala nga kasi akong maalala. 

"Walter. May alam ka ba na kakambal ko? Kilala mo ba siya? Pumunta kasi siya kanina dito." tanong ko sa kanya. Tumigil naman siya sa pagkain. I know he is affected.

"Si Zoe? Aanong sinabi nniya?" sa paraan ng pagtatanong niya, alam ko may alam. And I am going to discover it. 

"Sabi niya, kumusta na daw ako. If okay lang ba daw ako dito. And then I tell her the truth.  May kapatid pala ako? May iba pa ba akong kapatid aside sa kanya?" narinig ko naman siyang bumuntong-hininga. 

"May iba ka pang siblings. Sila Kuya Zeke and Kuya Zach. Bunso kayo nila Zoe." kahit papaano ay masaya ako dahil may pamilya naman pala talaga ako. Akala ko kasi dati na wala na talaga ako pamilya at sila Auntie na lang ang maaasahan ko. Nagkakamali pala ako.

"Kailan mo ba ako ipapakilala sa kanila? I wanna meet them. Napakilala mo na ba ang mga bata sa kanila?" suddenly he froze. Alam ko talaga na may mali.

"Hindi pa. Don't worry I will bring you there. Busog na ako." at umalis na siya at pumunta sa kwarto namin. Aalamin ko lahat ng mga may kinalaman sa akin dati. And if totoo man yung sinasabi ni Zoe na nagtaksil siya sa akin, aalamin ko yun. Yun ba ang dahilan bakit ako nagkaroon ng amnesia?

********

Meet Zoe in the multimedia -------->

Quads 2: When You Come Home (ON-HOLD)Where stories live. Discover now