Chapter 13: Plan

214 7 2
                                    


WARNING: SPG


********


WALTER


Sinuot ko ang long sleeve polo ko at tinupi yun hangang sa siko. Naka jeans and sneakers lang ako. Ayoko magmukhang matanda doon sa bar dahil naka suit ako. Handa na ang lahat para sa plano ko. Naglagay ako ng pabango sa buong katawan ko. Saka ako bumaba, tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin. Inayos ko ang buhok ko bago ako bumaba. I saw Zafra na naghahabilin na naman sa mga bata na parang magtatagal talaga kami doon sa bar.


"Basta ha! Walang lalabas sa inyo ng bahay." I saw Vienna rolled her eyes on Zafra. Kung ako ang anak niya baka kanina ko na siya pinagsalitaan. Nakakainis din kasi ehh! Paulit-ulit ang mga instructions. Mabuti na lang mahal ko yang babaeng yan kung hindi...


"Mama. We already know what to do. Just go and enjoy. We are big girls na." singit ni Paris sa Mama niyang kanina pa salita ng salita.


"Okay fine. Basta ha..." the kids cut her off.


"Alam na po namin." they said in unison.


"Halika na nga. Baka may masabi ka pang iba." malambing kong sabi sa kanya habang hinihila ko siya papunta sa labas kung saan nakapark na ang kotse namin.


"Baka kasi makalimutan nila yun."


"It's okay baby. Alam na nila ang gagawin nila. Big girls na sila remember? And kanina ka pa paalala ng paalala sa kanila kung anong gagawin. Sa tingin mo hindi nila yun matatandaan?" 


"Fine." pagsuko niya. Pinagbuksan ko siya ng pinto saka ako pumunta sa driver's seat. Then we drove our way papunta sa bar ni Caitlin.


Nang makarating kami sa bar, puno na yun ng mga tao. Bagong bukas pa lang pero marami nang tao. Basta bar talaga maraming pumupunta na kabataan. They are many couple already making out sa mga tables pati na rin sa dancefloor. Hindi ko talaga gagalawin si Zafra doon. Ayoko pagpiyestahan ng mga lalaki ang katawan ng asawa ko. 


Dinala ko siya sa VIP room kung saan kami dinala ni Caitlin. Nagpadala siya ng mga drinks sa amin. Tinanung muna niya si Zafra kung hard ba o soft pero ang sinagot ng asawa ko ay hard. Gusto niya atang magpakalasing. 


"Baby dahan-dahan lang. Baka maaga tayo maka-uwi." 


"Gusto ko lang naman malaman kung anong feeling ng malasing. Alam mo yun?" hindi.


"At saka nandito tayo sa bar para maglasing di ba?" dugtong niya pa.


"Be careful what you wish for. You might get it. Di ba kanta yun?" natawa naman si Zafra saka ininum ang drink niya.


"Ganyan ba talaga sila ka wild?" napatingin ako sa tinitignan ni Zafra. Doon siya nakatingin sa mga taong sumasayaw sa dancefloor.

Quads 2: When You Come Home (ON-HOLD)Where stories live. Discover now