Chapter 10: Family Day (Part 2)

231 8 5
                                    



Try niyo na pakinggan ang song. Para talaga akong nasa heaven. Sorry sa short na update. Bawi na lang next time.


********


WALTER


Nandito kami ngayon ni Zafra sa kwarto namin. Nakahiga lang kami sa kama. We just cuddle. Noong una, ayaw niya sanang magpayakap but later on nasanay na siya sa ginagawa ko. She is humming her favorite song—Heaven. 


"What if we go on a vacation? Tutal saturday naman bukas at wala silang class ng tatlong araw dahil sa seminars ng mga teachers. It is our first time to go on a vacation." napalingon naman ako sa kanya nang magsalita siya. I smied at her. I think maganda yun na suggestion.


"That's fine with me. Pero saan mo naman gusto magbakasyon?" tanong ko sa kanya. Mukha naman siyang nag-isip ng magandang place according sa kilos niya.


"Actually, matagal ko nang gusto pumunta doon sa Surigao. Magaganda doon ang mga beaches sabi ni Maggie. I wanna try kung maganda nga ba doon. Can we go there?" and when I look at her eyes, parang na hypnotize ako sa tingin niya. Tumango lang ako then smiled. Worth it naman kasi nakita ko siyang masaya.


Kaya kinabukasan, naghanda na kami para sa bakasyon namin sa Surigao. At yun na naman ang mga bata. Sobrang excited na halos talunin na nila ang bahay nang sinabi namin na magbabakasyon kami. 


Sa private jet kami sumakay. Nang makarating na kami doon sa beach na birentahan ko, nagtatakbo ang mga bata papunta sa seashore. Tama nga si Zafra. Maganda ang beaches dito. The water is clear as crystal. The sand is as white as milk. This is the right place to have a vacation.


Matapos namin naayos ang gamit namin, dumiretso na kami sa restaurant. Kanina pa kasi nagrereklamo ang mga bata na gutom na sila. Mahaba-haba kasi ang naging biyahe namin kaya nagutom sila. After eating, bumalik kami sa kwarto namin at nagbihis. 


ZAFRA



Pinasuot ko lang ang mga bata ng one piece na swimsuit. Ayaw kasi ni Walter na mag two piece sila. At dahil trip ko lang din, pinagsuot ko sila ng magkaparehong swimsuit. Nakakatuwa kasi na makita silang iisang suot na swimsuit. Matapos ko silang bihisan, ako naman ang nagbihis. 


Black two piece ang suot ko. Kaso masyadong possesive ang asawa ko kaya ang ending nagsuot na lang ako ng short shorts at cover up. Ang gusto pa sana ng mokong na mag one piece ako kaso ayoko talaga ng ganun. Mas gusto ko ang two piece. Gusto ko din ma try yun. Marami kasi akong nakikita doon sa resort na naka two piece kaya gusto ko din ma try.


Lalabas na sana ako nang may humarang sa akin na babae. Pina una na kasi ako sila Walter at ang mga bata kasi gusto na daw nila maglaro kasama ang daddy nila. Ayaw sana ni Walter kaso pinilit ko siya. Gusto kasi ng mga bata. Di ko siya kilala. Nakasuot siya ng shorts and cover up. Nakahat din siya at may suot na shades.


"Sigurado ka na bang kilala mo na ang asawa mo? Baka ang di mo alam, may tinatago pa pala siya sayo." nagtataka ako sa sinasabi niya. May tinatago pa ba si Walter sa akin na sekreto na di ko pa alam?


"Who are you? And what are you talking about?"


"You know what I am talking about Zafra." teka? How did she know my name?


"Wait! How did you know my name?" tanong ko sa kanya. She only smirk.


"It's not important anymore Zafra. Ang mahalaga, ang malaman mo na baka may iba pang sekreto na tinatago sayo."


"If may tinatago pa talaga siya sa akin, I know that it is for my own good. Na nagawa niyang itago yun sa akin dahil concern lang siya sa akin. We are now building our relationship again kaya please lang wag mo nang guluhin. Kung isa ka sa mga baliw na nahuhumaling sa asawa ko, please lang. Hayaan mo na kami. We are starting a new life. Please." pagmamakaawa ko sa kanya. Baka doon madala ko siya.


"Bahala ka kung ayaw mo maniwala. Basta binabalaan na kita. And just to clear you, hindi ako isa sa mga babae na nahuhumaling sa asawa mo. I am just a concern citizen here."


"Kung concern citizen ka talaga, salamat na lang sa concern mo. Kaya na namin. And I trust my husband. And I know na di siya gagawa ng bagay na iakakapahamak namin." yun lang ang sinabi ko saka ako naglakad kung nasan ang mag-ama ko.


Nakita ko na nag-eenjoy ang mga bata sa paglalaro nila ni Walter. At kahit alam ko na ayaw maglaro ni Walter ng sand castle, ginawa niya pa rin dahil gusto ng mga bata. And I appreciated him doing it. Doon pa lang, alam ko na mahal niya talaga ang mga anak namin. Lumapit ako sa kanila at nakipaglaro.


"Bakit matagal ka?" tanong sa akin ni Walter. Ngumiti muna ako sa kanya bago sumagot.


"Bumalik kasi ako sa room natin. May nakalimutan pa kasi ako. Natagalan ako kasi matagal kong nahanap ang sunblock ko." pagsisinungaling ko sa kanya. Ayoko mag-alala siya sa sinabi ng babae sa akin kanina. I trust him naman eh. At mas mabuti na rin na wag na niyang malaman yun.


"Oh. Okay. Makipaglaro na lang tayo sa kanila." hinila niya ako sa dagat kung saan nagtatampusaw na ang mga bata. Nakipaglaro na din kami sa kanila.


Tumigil ako sandali kasi hinihingal na ako. I watch my husband along with my children. Naghahabulan sila sa mababaw na bahagi ng dagat. A smile suddenly flash from my face. Alam ko na di ako lolokohin ni Walter. I just have to trust him. Yes. Yun ang kailangan ko. Trust.



Quads 2: When You Come Home (ON-HOLD)Where stories live. Discover now