"Thanks a lot Lex." i said

"always welcome." he replied

habang nasa byahe di maiwasang hindi mag-replay sa isip ko yung mga sinabi sa akin ni Jazper. Ay hindi pala sa akin... kay Wiggles pala...ay hindi rin....sa amin pala..di ko rin maiwasang di mapaiyak.

"nag-away ba kayo ni Jazper." nagulat naman ako ng biglang magsalita si Lexter. Hala pano nya nalaman na umiiyak ako ay hindi naman sya nakatingin sa akin dahil nagda-drive sya. MALAMANG! dahil humihikbi ako..SUMISINGHOT pa.

"Hah? Hindi... Nilalamig lang ako.. ang lakas kasi ng aircon mo." palusot ko.

"ahahaha.. you're really good at lying huh? Pano ka naman lalamigin eh hindi ko naman binuksan yung aircon."

"EH?" ayun pahiya naman ako dun! Oo nga hindi nga bukas ang aircon ng car nya. >___<

"Tss. Pwede mo namang sabihin sa akin ang lahat ng problema mo. Ang selfish mo naman masyado kung sasarilihin mo lang ang lahat ng problema mo."

"Totoo naman na di kami nag-away eh. May sinabi lang sya na ikinatampo ko sa kanya." sa wakas nandito na rin ako sa amin. Bumaba na ako. Di ko na hinintay na pagbuksan nya ako ng pinto.

"Salamat. Good night. Ingat ka!" sabi ko nang makababa na ako.

"welcome"

Pumasok na ako sa loob ng bahay. Umakyat agad ako sa room ko.

"Wiggles.. Dito ka lang.. maliligo lang ako saglit." matapos ang mga ritwal ko sa katawan..itinulog ko na lang lahat ng problema ko ngayong araw na ito.. ayaw ko ng isipin ang mga sinabi ni Jazper.. sawa na akng umiyak at kaawaan ang sarili ko.

**

*CROOOOKKAAAAAAAACROOOKKAAAAAAAAA!* time to wake up. Bwisit na alarm clock yan. Nanggugulat! alam naman na may sakit ako sa puso eh. tss. tumayo na ako at sinimulan ang EVERYDAY rituals ko. shemay. pauli-ulit na lang. Sabay kaming kumain ni Wiggles..kanya dog food syempre sa akin ay human food. lewls..nonsense.

"Bye Wiggles!"

Nag-aabang ako dito sa labas. Medyo napaaga ata ako ngayon. Wala pa kasing dumadaan na jeep o tryke eh. Naupo na lang muna ako sa upuan sa waiting shed. 132753765217634 microseconds akong nag-intay ng may sasakyang tumigil sa harap ko. tumayo ako at dali-daling binuksan yung pinto ng kotse. Wala ng paligoy-ligoy pa. Titigil ba yang kung di ako papasakayin. shemay lang kung akala nya ay car washer ako. nonsense again.

"Good morning" bati nung driver. tss. ayaw kitang kausapin ngayon. BITTER ako ngayon eh. Nginitian ko lang sya but a faint one then I rolled my eyes heavenwards. di na nya napansin yun kasi umiwas agad sya ng tingin. Buong byahe papuntang school ay tahimik lang kami.. Ay! Mali! ako lang pala yung tahimik. Sya madaldal. Erk! Makababa na nga.

"Oy! Di mo man lang ba hahayaang ako ang magbukas ng pinto para sa'yo?" reklamo nya tapos bumaba na rin sya.

"Ay naku! No thanks na lang Jaz.. may kamay naman ako. Thanks na lang sa pagiging gentleman mo. Sige una na pala ako sa'yo." aalis na sana ako kaso lang napigilan naman nya ako. he hug me.

"Kaydee may problema ba?" PROBLEMA... wala naman..ata?

"Ahahaha.. wala naman."

"Kaydee lagi lang akong nandito sa tabi mo.." wow muntikan naman akong maiyaksa speech nya.

"ahahaha.. ikaw talaga. kita na lang tayo mamaya. sa may malapit na coffee shop dito. May surprise ako sa'yo" tiyak kong ikagugulat mo nang sobra. baka nga di mo pa kayanin.:'(

"Surprise? Why? anong meron? birthday mo?" OUCH! nakalimutan na nya..pero di bale na..

"Tss. malayo pa b-day ko. Wala lang.. gusto lang kitang isurprise dahil na miss kita ng sobra." pagsisinungaling ko. Kaasar pati ba naman birthday ko nalalimutan na nya.. di ko naman birthday ngayon ah.

Day to Day [COMPLETED]Where stories live. Discover now