Chapter 9

17 2 0
                                    


Stan became very distant to me again these past few days. After nung birthday ni Tito, after na magkita sila ni Levi, he rarely talked to me. Kung may kailangan s’ya na sabihin or ipagawa sa’kin, ipapasabi n’ya pa kay Kuya Rene – which makes him wonder as well.

“Ok lang ba kayo ni Stan?” Tanong ni Kuya Rene matapos s’yang sabihan ni Stan na sabihin sakin na kumuha ng bottled water.

“Ok naman, yata..” Inabot ko sa kanya ang bottled water na kinuha ko mula sa cooler.

“Hindi kayo nag-uusap nitong nakaraan. May nangyari ba? Nag-away kayo?” Usisa ni Kuya Rene, halata ang concern sa boses n’ya.

Umiling ako. [Bakit nga ba hindi n’ya ko pinapansin?] “Ewan ko, Kuya.”

“O sige, babalik na ‘ko. Pahinga ka muna dito.”
Tumango ako.

Naramdam ko ang mahinang pag yugyog ng sasakyan. Pupungas-pungas kong binuksan ang mata ko, tapos ay kinuha ang cellphone sa bulsa. I checked the time – 2AM na!

“Ngayon lang natapos yung shoot n’yo?” Tanong ko sabay hikab. Pilit kong dinidilat ang mata ko.
Hindi ko s’ya narinig na sumagot. Pero nahagip ng mata ko ang bahagya n’yang pagtango.

Tulad nitong mga nakaraan, wala kaming imikan pagdating ng bahay. Gusto ko s’yang tanungin, kausapin kung ano’ng problema. Kung bakit biglang-bigla nalang na hindi n’ya ko kinakausap, hindi pinapansin. Na bakit pag may gusto s’yan iutos sakin, ipapasabi n’ya pa kay Kuya Rene. Pero ano naman kasing karapatan ko na magtanong diba? Wala.

Inalarm ko ang cellphone ko para magising ako ng 7am at makapagprepare ng breakfast. Naghilamos at nagmumog lang ako pag gising, tapos ay bumaba na ‘ko sa kitchen. Hindi pa ko nakakarating sa kitchen, nagring ang cellphone ko. “STAN”

“Stan?” Kagad kong sabi ng pindutin ko ang answer sa screen. Na-excite ako ng makita ko ang pag-appear ng pangalan n’ya.
“Ollie, si Kuya Rene ‘to..”

Halos pagsakluban ako ng langit at lupa. Parang tanga lang ako, umaasa. “Kuya, ikaw pala..”
“Umalis na kami ni, Stan. Hindi ka na n’ya pinagising kasi pagod ka daw.”

“Ha? Eh nasan kayo? Susunod na lang ako d’yan..”
“Naku, Ollie.. Malayo. Magpahinga ka nalang d’yan sabi ni Stan. Wag ka daw magpakapagod.”

Gusto kong magwala. Naiinis ako! “Uuwi ba kayo ngayon?”

“Baka hindi. Depende kung matatapos yung shoot ngayon. Wag kang mag alala, di ko papabayaan si Stan.”

Bumuntong-hininga na lang ako. “Ok. Salamat sa pagtawag Kuya.”

“Pinatawagan ka ni, Stan. Nag-aalala din ‘to sa’yo kahit hindi ka kinakausap.” Bulong na sabi ni Kuya Rene.

Napangiti nalang ako, tapos ay inend ko na ang tawag. Hinanda ko ang mga ingredients para sa Sinigang na beef.

“Bakit biglang hindi ka nalang kinakausap?” Tanong ni Miley. Magkakavideo chat kami.

Nagkibit balikat ako habang naghihiwa ako ng gulay. “Ewan ko ba dun. Biglang-bigla na lang. After nung birthday ni Tito, nung magkita sila ni Levi.. Ayun na.”

“Baka naman kasi, yun ang kondisyon ni Levi sa kanya.” Sabi naman ni Claret.

“Siguro. Pero di ba, ang weird lang?”

“Kamusta pala kayo ni Zach?” Tanong ni Claret.
“Hmmm. Walang paramdam. Baka busy.” Kaswal kong sagot, yung parang hindi ako affected kung magparamdam man si Zach o hindi.

“Teka.. Ba’t parang hindi ka affected na hindi nagpaparamdam si Zach? Mas affected ka pa na hindi kayo nag uusap ni, Stan.” Nagtatakang tanong ni Claret, nakataas ang kanang kilay.

“Si Zach, kampante naman ako dun. Busy lang yun kaya hindi nagrereply.”

“Eh bakit nga affected ka na hindi ka kinikibo at kinakausap ni Stan? Pabor nga dapat sa’yo yan diba?” Pag uusisa pa muli ni Claret.

Natahimik ako, napaisip. [Bakit nga ba affected ka Olivia? Tama naman si Claret, pabor nga dapat sa’yo na hindi ka kinakausap ni Stan.]

“Ano? Natahimik ka dyan? Did I make a point?”
Tinignan ko si Miley, nakayuko. Hindi umiimik.

“Miley!” Tawag ko sa kanya.

Nagulat s’ya ng marinig n’ya ang pagtawag ko sa pangalan n’ya. “Ha?” Napatingin sa camera.

“Ano’ng ginagawa mo d’yan? Ginigisa na ‘ko dito ni Claret. Any violent reactions from you?”

“Wala naman.” Iiling iling na sagot ni Miley.

Nagkatinginan lang kami ni Claret. Pareho kaming nagkibit balikat

Maghapon kaming nag-usap usap. Actually, kami lang ni Claret ang talagang magkausap. Ka-video chat nga namin si Miley, pero hindi naman samin nakafocus samin. Ewan ko kung ano’ng pinagkakaabalahan, laging nakayuko na parang may kung ano’ng kinakalikot.

Past 8PM nag-ring ang phone ko, pangalan na naman ni Stan ang nag appear sa screen.

“Hello, Kuya Rene.”

“Kumain ka na?”

Kinilala ko ang boses, sure ako na hindi iyon boses ni Kuya Rene, mas pamilyar ako sa boses na ‘to. [Si Stan?] “Oo..” Nagdadalawang isip kong sagot. Gusto kong tanungin kung bakit s’ya tumawag, pero may part naman sakin na natutuwa dahil narinig ko ang boses n’ya. [Natutuwa ako? Seryoso ka ba Olivia?]

“Ok. Magpahinga kang mabuti..”

“Stan..” Tawag ko sa kanya.

“Hmmm..?”

“Kumain ka na ba?” Tanong ko sa kanya. Yung boses ko na halatang concerned talaga.

“Kumain na ko. Magpahinga ka na.”

“Ok. Ingat kayo ni Kuya Rene.”

Inend ko na ang tawag. I felt relieved dahil tumawag na s’ya, narinig ko yung boses n’ya. Napangiti ako.

“Ano? Teka lang ha.. Ollie, umamin ka nga sakin.. Gusto mo ba si Stan?” Tanong ni Claret.

“Yung totoo? Hindi ko alam.. Pero yun nga, na-relieve ako na tumawag s’ya. Na may concern naman akong naramdaman sa boses n’ya.”

“Hay naku! Mukang tinamaan ka na kay Stan.”

“Sa palagay mo?”

“Ollie.. Hindi ka magkakaganyan kung wala lang. Payong kaibigan ha.. Tigilan mo yang kahibangan mo.”

Silence.

“Ollie, may girlfriend si Stan. Iba ang buhay n’ya sa buhay mo. Alam mo yun diba?” Nasa boses ni Claret ang pangungumbinsi. “Itigil mo na yan ngayon palang. Kasi kung hindi, masasaktan ka lang.”

[Gusto ko nga ba si Stan? Hindi ba pwedeng concern lang ako sa kanya? Na kaibigan lang naman talaga yung tingin ko..]

“Ollie..” Dinig ko na tawag ni Claret sa pangalan ko. “Tigilan mo ok? Ngayon palang, kalimutan mo na kung anoman yang nararamdaman mo kay Stan. Three months nalang tapos na yang contract n’yo. Soon enough, he will not even know your name. Your existence.”

Napaisip na naman ako sa sinabi ni Claret. She’s been making a point since this morning.

“Ollie, don’t get me wrong ok. Kung normal na tao si Stan, surely.. I would like him for you. You look great together, honestly. I mean, normal s’ya na tao. Pero hindi normal yung mundong ginagalawan n’ya. “

“Ang protective mo. Kaya mahal na mahal kita eh.” Pabiro kong sabi sa kanya.

“Tse!”

Hindi ko alam kung ano’ng oras na ko dinalaw ng antok. Basta ang alam ko, nagising na lang ako dahil sa sinag ng araw nakapasok na sa kwarto ko at ngayo’y dumadampi na sa balat ko. Tulad ng dati kong routine bago lumabas ng kwarto, naghilamos muna ako tapos ay mabilisang toothbrush lang.

“Ano pa ba yung gusto mo na gawin ko? Hindi ko na nga kinakausap si, Ollie. Iniiwasan ko na, nagagalit ka pa din. Tsaka sabi ko naman sa’yo.. May boyfriend yung tao.”

Saglit na katahimikan.

“Hindi nga diba? Hindi ko nga s’ya gusto. Hindi ko s’ya magugustuhan. Hindi yung type ni Ollie ang gusto kong i-date. Ikaw lang ang nagsasabi na gusto ko s’ya. Nakakainis na. Wala kang tiwala sakin. Paulit-ulit na lang tayo.” Nasa himig ng boses ni Stan ang inis, frustration.

“Kulang na nga lang, I-give up ko na yung career ko dahil sa demands mo. Isipin mo din naman ako, Levi.”

Muling tatahimik. Nakikinig. Sasabunutan ang buhok sa frustration. “Fine, gusto mo yan eh.”
Nakita kong inend ni Stan ang tawag, bumuntong-hininga tapos ay umupo sa sofa. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kitchen, hindi ko alam kung naramdaman n’ya ang pagdaan ko.

Nilabas ko ang lulutuin ko para sa almusal – hotdog at bacon. Narinig ko ang mahinang yabag na papunta sa kitchen, ang mahinang paglangitngit ng paa ng upuan ng silya tanda na inusog ito. Pinagpatuloy ko ang paghahanda ng pang almusal namin.

“Paki-init naman yung sinigang.”

Nilingon ko si Stan. “Yun ang kakainin mo for breakfast?”

Tumango s’ya.

Lumapit ako sa ref, binuksan yon tapos ay nilabas ko ang sinigang. Sinalang ko sa stove, binuksan ng mahina para initin ang sinigang.
May part sakin na gusto kong tanungin si Stan, kung kamusta s’ya. Kamusta ang taping nila kahapon. Kung ok lang ba s’ya, pero hindi ko alam kung pa’no sisimulan. After all, wala naman ako dapat na pakialam sa kanya. Tulad nga ng sabi ni Claret, the contract will be over soon.

“I’m sorry.”

Napatingin ako kay Stan.

“Sorry kung naging cold ako sa’yo nitong mga nakaraan na araw."

Hindi ako makaimik, ano ba dapat ang sabihin ko. Meron ba?

Bumuntong-hininga si Stan. “Levi doesn’t want me to talk to you. Nagdududa pa din s’ya. Feeling n’ya gusto kita. She won’t believe me kahit paulit-ulit ko na sinasabing hindi. Na may boyfriend ka.”

Hindi pa din ako umiimik. [Ang awkward! Say something, Ollie!] Pero ano kasing sasabihin ko? Wala akong maisip na pwedeng irespond sa mga sinasabi n’ya.

Muli s’yang bumuntong-hininga. Tila ba naghihintay sa sasabihin ko.

Pinatay ko ang stove, nagsalin ako ng sinigang sa isang bowl. Nilapag ko sa harap ni Stan pagtapos. Kumuha din ako ng kanin, nilagay ko sa plato, hinain ko sa kanya. Sakto naman na natapos ko na din ang pagluluto ng bacon at hotdog. Umupo na din ako para makapagsimulang mag-almusal.

“Ollie..”

Tinignan ko s’ya.

“Kausapin mo naman ako, please? Will you say something?”

I cleared my throat. Hindi ko alam pero parang may kung ano’ng nakabara sa lalamunan ko ngayon. “What do you want me to say?”

“Anything. Ayoko lang ng ganito.. Yung magkasama tayo pero hindi naman tayo nag-uusap.”

[Ayaw mo ng ganun? Eh bakit hindi mo ko kinakausap nung nakaraan?] “Wala akong maisip.” [Hala ang arte ko. Samantalang nung tumawag s’ya kagabi, tuwang-tuwa ako.]

“Nakapagpahinga ka ba ng maayos kagabi?” Nagsimula na s’yang kumain.

Tumango lang ako, sinimulan ko na din ang pagkain.

“May gusto ka ba na puntahan ngayon? Bukas pa ulit yung taping.”

Umiling lang ako. [Why am I doing the very same thing he was doing to me before? Yung hindi umiimik, tatango at iiling lang. Do I want him to feel the way I’m feeling before?]

“Gusto mo ba na puntahan natin sina Tito at Tita? Or do you wanna go somewhere else maybe?”

Tinignan ko s’ya. “Magpahinga ka nalang.” Tinuloy ko ang pagkain.

“Kumain kami ni Kuya Rene nitong sinigang kagabi.”

Tumango ako. “That’s good.” [Ang arte ko! Hahaha Bakit ba? Chance ko naman para mag inarte, nung nakaraan hindi n’ya ko iniimik.] Tumayo ako, kumuha ng tubig sa ref.

“Ano? Alis tayo! Punta tayo sa inyo..”

“Wala naman tayong gagawin dun. Magpahinga ka nalang dito sa bahay.”Piksi kong sagot, tuloypa din ako sa pagkain. [Nung ok sila ni Levi, balewala lang ako. Ngayong nag-away sila.. Feeling close na naman sakin? Come to think of it, sino nga ba ko sa buhay n’ya?]

“Maligo ka after natin kumain.. Alis tayo.” Naging authoritative ang boses ni Stan. Mabilis n’yang tinapos ang pagkain, wala ng lingon-likod, nagpunta na s’ya ng kwarto n’ya.

Nagpunta na din ako ng kwarto ko after ko na matapos kumain at linisin ang pinagkainan namin. Naligo na din ako, nagbihis. Pero hindi muna ko lumabas ng kwarto, nag-iisip nga ako kung lalabas ba ko o hindi.

[San naman kaya kami pupunta kung lalabas kami?] Bumuntong-hininga ako, naglakad paikot-ikot sa kwarto. [Lalabas ba ko o hindi? Antayin ko ba s’ya na tawagin ako?] Kinuha ko ang sapatos na nasa shoe rack, umupo ako sa kama habang sinusuot ko ‘yon.

Hindi pa ‘ko nagtatagal na nakaupo at nakapagsusuot ng sapatos, sunod-sunod na katok mula sa pinto ang narinig ko. “Ollie! Ano na? Hindi ka pa ba tapos na mag-ayos? Ano’ng oras na..” Boses yun ni, Stan.

“Sandali lang..” Sabi ko, lumapit ako sa dresser. Kinuha ang pabango na binigay sakin ni Claret – Elizabeth Arden Green Tea. Pagtapos ko na magspray, tinungo ko ang pintuan. Binuksan ko.

“Ano na?” Mahinahong tanong ni, Stan. Sabay singhot. Ngumiti.

“Ano’ng ngini-ngiti mo d’yan?”

“We’re going out, yes?”

“Says who?” Lumabas na ‘ko ng kwarto, marahan ko ‘yong sinara tapos ay nauna na kong naglakad.

Ramdam ko ang pagsunod ni Stan. Bahagya s’yang nauna para buksan ang pinto, lumabas ako ng hindi s’ya nililingon. Nakita ko na pumunta s’ya sa kotse n’ya, binuksan ang passenger seat. Dumiretso ako sa gate.

“Ollie!” Dinig ko na tawag n’ya.

Hindi ako lumingon. [Oo na! Maarte na ‘ko, pakipot. Pero kasi, nakakasama talaga ng loob na wala ka namang ginagawa na masama sa kanya, biglang hindi ka nalang kikibuin.]

“Ollie..” Naramdaman ko ang paghawak n’ya sa braso ko. “Look, I’m sorry ok? Alam ko may tampo ka dahil bigla nalang hindi kita kinausap.”

“Ako? Nagtatampo dahil di mo ko kinausap? Bakit?” Nakataas ang kilay ko, pilit akong kumakawala sa pagkakahawak nya.

Dahan-dahan akong binitawan ni Stan. Bumuntong-hininga s’ya, pinilit ngumiti. “Oo nga naman, bakit ka magtatampo sakin. Sino nga ba ‘ko sa’yo?”

Tinignan ko s’ya. Hindi ko alam, pero kita ko sa mata n’ya na parang nasasaktan s’ya sa nangyayari. [Pero bakit s'ya masasaktan? Kasambahay n'ya lang naman ako.]
“Exactly.” Naglakad na ‘ko palayo.

Tumawag ako ng taxi pagdating ko sa gate ng subdivision. Ang bigat sa loob, gusto kong umiyak. Pero bakit? Yung feeling na, nagi-guilty ako sa ginawa ko. Pero wala naman akong ginawa na mali diba?

“Kuya, d’yan na lang ho sa tabi.” Sabi ko sa driver. Kinuha ko ang wallet ko sa dala kong backpack. Inabutan ko s’ya ng two hundred. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan, tapos marahan kong sinara.

“Ma’am, yung sukli n’yo.” Sabi ng driver, inaabot n’ya ang sukli ko.

“Keep the change Kuya. Salamat.”

Kumatok ako sa gate ng bahay. Nakita kong dali-daling lumabas si Tita, pinagbuksan ako.
“Hindi ka nagpasabi na dadating ka.”

Ngumiti ako, niyakap ko si Tita, mahigpit. Gumanti din s’ya ng yakap sakin.

“Kausap ng Tito mo si Stan sa phone ngayon. Nagtatanong kung pwede daw ba s’ya na magpunta. Ok lang ba kayo?”

Hindi ako nakakibo. [Why would he bother calling?] Bumuntong-hininga ako. “Ano ho ang sabi n’yo?”

Sabay kaming pumasok sa loob ng bahay. Nakita kong may kausap sa phone si Tito Resty.
“Nagulat nga kami ng Tito mo. Akala namin, baka nagbibiruan lang kayong dalawa. Eh dumating ka. “

“Punta muna ho ako sa kwarto.”

“Sige, magpahinga ka muna.”

Pumunta na ‘ko ng kwarto, humiga ako sa kama. Nag-iisip. [Gusto n’yang pumunta? Bakit? Hindi ba pwede na magstay na lang s’ya sa bahay? After all, sino naman ako para sundan n’ya? Why don’t he make it up with Levi? Ang bitter ko, ang arte ko. So what? Wala ba ‘kong karapatan na mag-inarte?] Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng bag ko. “Hello, Claret..”

“O, kamusta?”

“Nasan ka?”

“Nasa bahay. Bakit?”

“Wala kang lakad?”

Saglit na katahimikan. “Wala naman.”

“Punta kayo dito ni Miley..”

“Sa bahay n’yo ni Stan?”

Kumunot ang noo ko. “Nandito ako kina Tita.”

“Kasama mo si Stan?” Usisa ni, Claret.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga. Umupo ako sa study table na nasa bandang paanan ng kama. “S’yempre hindi.” Tinignan ko ang picture namin nina Miley at Claret na naka-frame.

“May sasabihin pala ‘ko sa’yo. Pero magpromise ka na hindi ka magagalit.”

Tumayo ako. Naglakad pabalik sa kama. Humiga ulit. “Bakit naman ako magagalit?”

“Sige na, magpromise ka muna.”

“Tungkol kasi san yan?” Naiinip kong tanong.

Narinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga ni Claret sa kabilang linya. Sinundan ng nakabibinging katahimikan.

“Claret, ano na?”

“SiMileyatZachna.” Mabilis n’yang sabi.

“Ano???”

“Ayoko ng ulitin. Nagpromise ako na hindi ko kasi sasabihin, pero alam mo naman na hindi ko ugaling magtago ng sikreto sa’yo.”

“Hindi ko naintindihan. Ano ulit?”

Bubuntong-hininga. “Si Miley at Zach na.” Mahina n’yang sabi.

“Ano?” Gulat ang tono ng boses ko. [Did I hear it correctly? Si Miley at Zach na? Pa’no???]

“Ayoko na, hindi ko na uulitin.”

Ako naman ang napabuntong-hininga.
“Gusto nila, sila ang magsabi sa’yo personally. Pero naghahanap pa ata sila ng bwelo kung pa’no sasabihin sa’yo.” Patuloy ni Claret.

Hindi ko alam kung ano’ng sasabihin. Kung may dapat ba ‘kong sabihin. [Kelan? Pa’nong naging sila? Ilang months na ba kaming walang communication ni Zach? I tried remembering when was the last time we talked.]

“Ollie, are you ok?”

I don’t know what to say. Parang may kung ano’ng nakabara sa lalamunan ko. Gusto kong umiyak. Pero bakit? I neglected Zach, I was so busy chasing and looking after Stan na hindi naman ako pinansin dahil gusto n’ya na maging ok sila ni Levi. Napailing ako.

“Ollie, huy!” Muling pagtawag ni Claret sa atensyon ko.

“Kelan pa?” Tanong ko. I don’t even know if those words came out of my mouth sa sobrang hina.

Claret seemed to understand. “Hintayin mo nalang na si Miley ang magsabi sayo.”
Nagpaalam ako kay Claret na magpapahinga muna.

Nahiga ako sa kama, nag-isip. Naguguluhan ako sa mga nangyayari sa totoo lang. [Gusto ko ba si Stan? Pero bakit parang ang sakit din na malaman kong si Miley na at Zach? Ang selfish ko. Gusto ko na nandyan si Zach pero hindi ko naman sya binibigyan ng attention, gustoko nga ba si Stan?]

“Ollie.” Boses yun ni Tita.

Hindi ako sumagot. Ayokong makipag-usap kanhit kanino.

“Ollie.” Boses yun ng lalake, hindi boses ni Tito Resty. Lalong hindi kay Stan o kay Zach.
[Sino naman kaya ‘yon?] Wala akong ibang maisip. Wala naman akong pinagkakautangan? Hindi naman din yun boses ni Kuya Rene. [Sino?]

“Ollie.” Muling pagtawag ng lalake, kasunod nun ay ang pagkatok sa pinto ng kwarto ko.

Tumayo ako, curious ako kung sino ang tumatawag sakin. Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko.

Yakap na mahigpit ang sinalubong ng lalakeng nasa kabila ng pintuan ko. I stood there, frozen. I never had the chance to look at his face. We stood there for a couple of who-knows-how-long. Inilayo nya ang katawan sakin.

“Ollie, do you still remember me?” Hinawakan nya ang dalawa kong kamay.

The guy, in front of me right now – Looks very much like my Dad. His eyes, his nose, his lips. All of him reminds me of  Daddy. I withdrawn my hands from his hold and hugged him – tight. “Kuya..” The only thing I can say while crying.

“Mama wants to see you.”

I pulled my body away from him. “Mama?”

He smiled. Inakbayan n’ya ‘ko. “She knows that she hurts you so much when we left you. But you have to understand, she was also hurt.”

I don’t know what to do or say. Dapat ba na matuwa ako dahil nasaktan din sya?

“Let’s go?” Tanong ni Kuya.

Tinignan ko si Tita Lorie na kanina pa nakatayo, pinagmamasdan kami ni Kuya. Nakita ko ang pagtulo ng luha n’ya, ang mabilis na pagpahid n’ya dito. Ngumiti s’ya, tumango – para bang sinasabi na sumama ko kay Kuya.

I’ve had too much pain for today. Kay Zach, kay Stan – I think I need a fresh air. Somewhere away from all this.

Accidentally In LoveWhere stories live. Discover now