Chapter 2

31 2 0
                                    


Nagpalit lang ako ng damit, tapos ay lumabas na ‘ko ng kwarto. Bumaba ng hagdan. Nasa living room si Stan, may hawak na mga papel. Siguro yung script n'ya para sa pusong bato.
“Tama ba yung narinig ko? Pinagluluto mo ‘ko?” Pagconfront ko sa kanya.

“Oo.” Tinignan n'ya lang ako saglit, tapos ay binalik na n'ya ang tingin sa script.

“Teka ha.. PA/Girlfriend mo ang pinirmahan ko. Hindi yata kasama sa trabaho ko na ipagluto ka.”

Muling bumalik ang tingin ni Stan sakin. “I’ll hire you as my housemaid.”

Napakurap ako sa sinabi n'ya. “Ano?”

“Bingi ka ba? Sabi ko, i'll hire you as my housemaid.” Pag-uulit ni Stan.

Pumikit ako, pilit kong pinakakalma ang sarili ko. “Wow. Ok. So PA na ‘ko, housemaid pa? Wow! Excuse me ha.. Graduate ako. Tapos oofferan mo ‘ko na maging housemaid mo?” Naiinis kong sagot.

“Ano ba ang inaarte mo? Hindi ka ba marunong magluto? Hindi ka ba marunong maglinis ng bahay?”

“Excuse me ‘no? Marunong akong magluto, marunong akong maglinis ng bahay!” Pag alma ko.

“So ano'ng problema mo? Alam mo naman palang gawin ‘yon? Please.. Don't be a pain in the ass.” Muling binalik ni Stan ang paningin sa script na hawak-hawak.

“Alam mo, ang tanga-tanga mo kasi.. Ikaw ang may kasalanan kung bakit ganito ‘yung sitwasyon natin!” Pagalit kong sabi. “Sa galing-galing, ang tahimik ng buhay ko, ‘eto ko ngayon.. PA mo, girlfriend mo.. Tapos gusto mo pa ‘kong i-hire na housemaid.” Hindi ko napigilan ang sarili ko naibulalas ang mga bagay na yon.

Kunot noo at halos magbuhol ang kilay ni Stan ng tignan ako. “Ano ba ang inaarte mo?  Dapat nga masaya ka, nagka-privilege ka na makasama sa iisang bubong ang artista na tulad ko. Mind you, hindi lang one day.. For six months!” Tatawa-tawang sabi nito. “And for the first place, kung hindi mo ‘to ginusto.. Bakit ka pumirma sa contract? And one more thing, hindi lang ikaw ang nagka-problema sa lovelife dahil dito.” Tumalikod na si Stan, aalis na sana pero muli n'ya ‘kong tinignan. “Magluto ka na.” This time, tatalikod na at maglalakad palayo.

Bumuntong-hininga nalang ako, since yun lang naman ang magagawa ko.
Pumunta ko sa kitchen. Malaki din ang kitchen. Nalulula ako sa space sa bahay na ‘to. Yun bang bawal magdikit ata ang mga tao at mga gamit. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kitchen habang tinatanaw ang mga gamit na nandun. May electric kettle, microwave oven, blender, waffle maker, toaster, electric oven and burner.

Lumapit ako sa ref, binuksan ko ‘yon. [Ang daming laman! Mauubos n'ya ba ‘to?] Halos kumpleto ang laman ng ref ni Stan. May bottled water, softdrinks, beers, gatas. Binuksan ko ang freezer, may baboy, manok, beef, hotdog, bacon. [Pa'no kayang kumain ‘tong tao na ‘to?]

Kumuha ako ng ilang pirasong itlog. Mag-scrambled egg ako. Bahala s'ya sa buhay n'ya. Unang-una, hindi ko naman trabaho na ipagluto s'ya.

Nagsaing muna ‘ko bago nagsimula sa pagluluto ng scrambled egg. Inayos ko ang lamesa pagkatapos na maluto ang kanin pati na rin ang itlog. Naramdaman ko ang mahinang yabag palapit sa kitchen.

“Ano ‘to?” Tanong ni Stan habang nakatingin sa itlog.

“Itlog. Hindi mo alam yan?” Sarcastic kong sagot.

“Bakit itlog ang niluto mo? Ang daming pagkain sa ref.” Naglagay na si Stan ng pagkain sa plato n'ya. Yung itsurang walang magawa.

“Una, frozen pa yung mga meat. Tsaka diba, di ko naman trabaho na ipagluto ka.” Kumuha na din ako ng kanin at ulam.

“Gumawa tayo ng sarili nating kontrata.” Nagsimula ng kumain si Stan.

Tinignan ko s'ya. Kung titignan ko ang sarili ko sa salamin, alam ko na kitang-kita ang confusion sa mukha ko.

Accidentally In LoveWhere stories live. Discover now