Chapter 6

6 1 0
                                    


“Aalis ako, ha?” Paalam ko kay Stan habang nagsusuot ako ng sapatos.

“Ok.” Sagot n'ya habang nagbabasa ng script. “Pahatid kita kay Kuya Rene?”

Napatingin ako sa kanya pagtapos ko na magsuot ng sapatos. [Tama ba yung narinig ko? Ipapahatid n'ya ko kay Kuya Rene?]

“Ano?” Tanong n'ya habang nakayuko pa din.

“Ah, hindi na. Ok lang ako.” Tanggi ko. [Ano kayang pumasok sa isip nito?]

Tumayo si Stan, ibinaba ang hawak na mga papel sa coffee table. Inabot n'ya sakin ang cellphone n'ya.

Tinitigan ko s'ya, nagtatanong ang mga mata ko. [Binibigay n'ya sakin ‘tong cellphone n'ya?]

“Save mo ‘yung number mo.”

“Bakit?”

“Para ma-message kita kung ano'ng oras ka uuwi.”

“Huh? Eh diba off ko din naman bukas?”

Hinawakan ni Stan ang kamay ko, binigay n'ya ang cellphone. “I-save mo na.”

Bumuntong-hininga ako, nagtype ako ng number. [Ano kayang pumasok sa isip nito.]

“Nakaluto ka ba ng pang dinner namin ni Kuya Rene?”

“Yes, Sir..” Sarcastic kong sagot, tapos ay sinukbit ko na ang backpack ko.

“Ingat ka.” Sabi ni Stan, tapos ay tumalikod na.
Lumabas na ko ng bahay. Nagtaxi ako papunta sa bahay nina Miley. Wala namang special occasion, napagkasunduan lang namin na mag get together. They invited Zach, pero may work daw s'ya kaya hindi makakapunta.

“Friends na kayo ng amo mo?” Tanong ni Miley, nagsalin ng beer tapos ay inabot sakin ang baso.

“Hindi ‘no!” Tanggi ko. Uminom ako ng beer.

“Kung hindi kayo friends, bakit pina-save n'ya yung number mo?” Tanong naman ni Claret, tapos ay kumain ng potato chips.

“Para nga daw malaman n'ya kung ano'ng oras ako uuwi.”

Umupo si Miley sa tabi ko, uminom din ng beer. “Baka naman kasi, nade-develop na sa'yo yang amo mo.” Panunukso.

Tinignan ko si Miley, nakataas ang kilay ko. “Develop? Ano ‘to film?” Sabay inom ko ng beer.

“Pa'no nga kung madevelop sa'yo si Stan?” Pangungulit ni Miley.

Umiling ako. “Never na mangyayari yan.”

“Ang OA maka-never. Pa'no nga kung dumating sa gano'n diba? Ikaw, sa palagay mo.. Made-develop ka?” Tanong naman ni Claret.

“Bakit parang hotseat ako? Isa pa.. Baka after nitong contract ko with Stan, magkabalikan kami ni Zach.”

Hindi ko alam kung nakailang bote na kami ng beer at ilang chips na ang nabuksan namin. Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko, kinuha ko ‘yon sa bag. Tinignan ang screen kung sino ang tumatawag.

[Si Stan?]

“Sino’ng tumatawag?” Tanong ni Miley.

“Si Stan.” Pinakita ko sa kanila ang screen ng phone ko.

“Sagutin mo.” Udyok naman ni Claret.

“Hello?” Sabi ko, matapos kong i-swipe ang screen at itapat ang cellphone sa tenga ko para masagot ang tawag.

“Ano'ng oras ka uuwi?”

“Bakit?! Off ko naman. Tsaka wala ka din namang appointment bukas diba?”

Accidentally In LoveWhere stories live. Discover now