Chapter 3

12 1 0
                                    


Few days had passed. Gano'n pa din ang attitude ni Stan towards me, cold, monotonous. And the hell I care. Wala akong pakialam kung pa'no n'ya kong pakitunguhan, mas mahalaga sa'kin kung magkano ang magiging pera ko after 6 months – three hundred thousand. Pag naipon ko yon, after 6 months pwede akong magtayo ng kahit maliit na business. Di ko pa alam kung ano’ng business. Pag nakaalis na ko dito, tsaka ko na pag iisipan.

Off n'ya, meaning off ko din. Nasa kitchen ako, naghihiwa ng gulay na sahog para sa sinigang na baka na lulutuin ko. Pinapakuluan ko na din ang beef.

Naramdaman ko ang pagpasok ni Stan sa kitchen, binuksan n'ya ang kaldero kung nasan ang beef.
“Ano'ng lulutuin mo?”

“Sinigang na baka.” Sagot ko sa kanya habang patuloy ako sa paghihiwa ng mga gulay.

“Ayoko ng may okra at talong ok?”

Tumango ako, sumang-ayon sa sinabi n'ya. “Ako din eh, ayoko nung mga ‘yon sa sinigang.”

“Hindi ko tinatanong.”
Tinignan ko s'ya, seryosong nagbabasa ng script. Napailing na lang ako. “Napakaarte.” Bulong ko.

“Ano?!” Sabay tingin sakin.

“Wala.”

“Siguraduhin mo na masarap ‘yan, kung hindi ipapaulit ko yan sa'yo.”

“Grabe ka naman sa'kin. Pwede ba, magbasa ka nalang ng script d’yan. Ako na ang bahala dito.” Sabay irap ko at itinuloy ang pagluluto.

Nakatapos na din akong magluto makaraan ang ilang oras.

Kumuha lang ng pagkain n'ya si Kuya Rene, tapos ay bumalik sa kwarto para makausap ang asawa. Kumain na din kami.

“Masarap.” Dinig kong sabi ni Stan.

“Talaga?” Nakangiti kong sabi. [After one week, nakarinig din ako ng positive na salita mula sa taong ‘to!]

“Oo. Everyweek gusto ko may ganito. I-alternate mo na lang. Next week baboy naman.” Sabi n'ya, sabay tuloy pa din sa pagkain.

Nagtuloy-tuloy na din ako sa pagkain. Masaya din sa feeling na kahit pa'no, na-appreciate nitong taong ‘to, na napakaarte at napaka-demanding yung niluto ko.

As usual, pagtapos namin na kumain iniwanan na ‘ko ni Stan sa kitchen para ayusin at linisin ang mga pinagkainan namin. Sa tantiya ko, inabot ako ng 30 minutes sa paghuhugas ng mga ginamit namin pati na rin ang mga ginamit ko sa pagluluto kanina.

“Stan, pwede ba ‘kong umalis?” Pagpapaalam ko, nag-aya kasi sina Miley at Claret na mag-food trip kami.

“Ok.”

“Babalik din ako agad.” Dugtong ko pa.

“Ok.” Busy s'ya sa panonood ng movie.

Nagkibit balikat lang ako, pumunta ko sa kwarto. Naligo, nag-ayos. Pagbaba ko, nasa may living room pa din si Stan, halos di maalis ang tingin sa screen. May kissing scene kasi.

“Alis na ko.” Paalam ko sa kanya bago ako tuluyang lumabas ng bahay.
Hindi manlang ako nilingon.

Dumiretso ako sa mall sa alabang kung san kami magkikitang tatlo. Nakaupo sina Miley at Claret sa food court habang naghihintay sila. Kumaway sila at parehong nakangiti ng makita ako.

“Buti nakapunta ka. Kala namin di ka na dadating.” Sabi ni Claret, tumayo tapos ay humalik sa pisngi ko.

“Sorry naman. Ang traffic kasi. Ano na? San na tayo pupunta?”

“Kumain muna tayo.” Sabi ni Miley. Tumayo din s’ya ang humalik sa pisngi ko, sabay akbay sakin.

Since nasa food court na kami, namili na lang kami kung ano'ng mga kakainin namin. Pizza at pasta ang inorder ko, sizzling steak naman at binalot (adobo + itlog na pula) ang kina Miley at Claret. Habang kumakain kami, may narinig kami na kwentuhan sa bandang gilid namin.

“Si Stan, kaya ganun ang attitude nun sa TV.. Kasi in real life bading ‘yon.” Sabi ng isang bading sa kasama n'ya pang bading at isang babae.

Accidentally In LoveWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu