Chapter 9 - RULES, RULES, RULES; Living with the Five Hawt Guys

684 31 0
                                    

"This is your room, for now," ani Raffy na nakangiti kay Jackie. Iginiya siya nito sa ikatlong palapag ng townhouse nila.

Jackie must admit it, but the room was quite nice. It was so refreshing dahil may veranda ito at nakikita kung ano ang nasa baba. The room was also painted in cool and bright hues, maginaw kahit hindi naka-on ang aircon.

"Ramos," tawag ni Raffy.

"Uh," ani Jackie na nabigla saka tumango.

"RULE number 1: Never disobey us because we're always right. If you do, then hahaba ang listahan ng utang na loob mo sa amin hanggang sa hindi ka na makabayad. Tara. We'll be having lunch. Si Brye ang nagluto," ani Raffy saka lumabas na sa kwarto.

Natigilan si Jackie dahil sa sinabing rules nito. AT...

"Si Brye ang magluluto para sa 'tin?" manghang tanong ni Jackie. Napalingon si Raffy sa kanya. Halatang amused ito. It was too late for her to realize that she sounded like she's at home and like she's a part of them.

Ngumiti lang si Raffy saka tumango.

"Let's go," ani Raffy.

Naiilang na sumunod siya dito.

Nakita ni Jackie na naghihintay na nga ang apat pang lalake sa hapag-kainan.

She was shocked nang makita kung ano ang mga nakahain sa mesa. Pang-diet 'ata lahat ang sinerve. Tofu with pineapple, purple rice, vegetarian nuggets, broccoli with cream on top, at marami pang iba! Like, seriously! Hindi ito ang mga pagkain niya!

"Hey! Hindi mo ba 'to gusto?" tanong ni Brye kay Jackie nang makitang tila dismayado si Jackie.

Umiling lang si Jackie. "It's not that."

Mga vegetarian kaya ang mga ito? Then, that's news! And to think na si Brye ang nagluto, that's even big news! These guys never ceased to surprise her, and it's disturbing. VERY disturbing.

"Umupo ka na," ani Raffy saka umupo katabi ng silya niya. Kaharap niya si Clint. Napalunok siya. Hindi niya alam kung bakit.

Umupo na siya. Sa isang sulok ay nakita niya si Osmond na biglang ngumiti nang bahagya. Napakurap siya. "Am I dreaming?"

Wala sa sariling sinampal niya nang mahina ang pisngi niya.

"Are you trying to hurt yourself?" kunot ang noo na tanong ni Clint.

Napatingin sa kanya ang apat pa. Nagulat siya saka umiling.

"Let's eat!" sigaw ni Geoff.

Nagulat siya nang biglang yumuko ang lima. Tumaas ang kilay ni Jackie. Marunong din palang magdasal?

Nagsimula na silang kumain.

"Hey, Ramos. Kumain ka nang maayos. I mean, marami kang gagawin pagkatapos nito," biglang saad ni Brye.

Tumaas ang kilay ni Jackie. Gawin ba naman siyang 'alila'?

"Ikaw ang maghuhugas, maglilinis, stuff like that while we're gone," dagdag pa ni Geoff.

"Ah, 'kay," ani Jackie habang mahinang kumakain sa kanyang pagkain.

"Hey, hano ba 'yan? Hindi ka mahilig kumain? HETO," ani Brye saka may inilagay sa plato niya. Nagulat si Jackie. Marami itong nilagay na broccoli, salad, at kung anu-ano pa.

"Ubusin mo 'yan," ani Brye saka umupo.

"Huh?" biglang tanong ni Jackie. Napatingin siya sa lawn mower na ibinigay sa kanya ni Osmond. Nasa lawn na sila dahil lumabas ang lima't pinasama siya. May pupuntahan daw muna ang lima kaya maiiwan siya pansamantala.

PENTA BROTHERS SERIES I - The Transferee (CLINT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon