Chapter 13 - Her Dark, Once Glorious Past

3.9K 110 1
                                    

Galit na pinunit ni Brent ang isang papel na hawak-hawak niya. It was a note saying: We have your Lady Eliza Charlotte. Don't bother to call the police. RED SANS.

Nasa kanilang bahay na rin ang magkakaibigang sina Clint. Wala raw si Geoff dahil umuwi ito. Nasa bahay na rin nila si Matt at Led na agad pumunta nang malaman ng mga ito ang tungkol sa nangyari kay Jackie.

"So, you're saying na hindi niyo nga tunay na kapatid si Jackie?" tila nalilito pa ring tanong ni Brye.

"Yeah," sagot ni Brent. Napasuntok siya sa pader na nasa tabi niya.

Napaisip si Brye. Kaya pala biglang umasim ang mukha ni Jackie nang sabihan niya itong hindi sila magkamukha ni Brent.

"Who is this RED SANS?" tanong naman ni Clint.

"It's not WHO, it's WHAT," maikling pahayag ni Mr. Ramos, tumatayong ama ni Jackie. Because it's clear na hindi nga nito tunay na anak si Jackie.

Awtomatikong napalingon ang lahat kay Mr. Peter Ramos.

"Tell us more," pakiusap ni Raffy.

"We received many threats from RED SANS many days ago. That's why I was away to investigate it myself," pagsisimula ni Mr. Ramos.

Di-makapaniwalang lumingon dito si Brent.

"Marami ka na palang natanggap, and yet, you didn't tell us?" takang tanong ni Brent.

Peter sighed.

"It's not that easy to hide the truth from you. But trust me, ginawa ko 'yon para hindi masyadong mag-alala si Jackie. You know Jackie. I don't want to think, pero alam kung magsasakripisyo talaga ang batang 'yon ma-protektahan lang ang pamilya niya. She's stubborn. Just like her true mother. Kahit na ikamatay niya 'yon..." napayuko si Peter. Waring may naalala ito.

Kinuyom ni Clint ang mga palad niya.

"Clint," tawag ni Osmond saka tinapik ang balikat niya. "Relax."

Tumango lang si Clint.

Umupo na rin si Peter Ramos sa harap nina Clint. Everyone is listening.

"Jackie is a mixture of a Filipino and British blood, her Mom was also a Fil-Brit and her Dad, a full British statesman in England, si Charles--"

"I'm not following," nalilito nang saad ni Brye. "Pa'no naman napunta dito sa Pilipinas si Jackie kung--"

"My wife, Nelly once worked for Jackie's family, 13 years ago, as a secretary of Jackie's dad. Naging matalik na magkaibigan si Lady Chane at si Nelly. Sabi nga ni Nelly, napakabuting tao ni Lady Chane. At a very young age of 19, they had a daughter, her name was Eliza Charlotte, that is, si Jackie. Siya lang ang nag-iisang anak ng mga ito. Dahil ang Papa ni Jackie ang youngest sa tatlong magkakapatid, mas napalapit si Jackie sa lolo niya. I really don't know the full details, but Lady Chane and Charles were abducted, leaving my wife and Jackie while they were on a summer vacation..."

Tumigil si Mr. Ramos. Ang lahat ay nakatingin lang sa kanya.

"And the most horrible thing happened," dagdag ni Brent. Napatingin naman ang lahat ditto.

"But before that, may ipinadalang sulat sa lolo ni Jackie saying that he has to give up his business deal with someone kung hindi ay mamamatay ang anak nitong si Charles at si Lady Chane. Walang kahirap-hirap na iginive-up ng lolo ni Jackie ang deal. Days later, bumalik si Charles, ngunit wala si Lady Chane. And that's the start of everything. Walang makapagsasabi kung sino ang may pakana ng lahat because Jackie's grandfather is powerful, kaibigan nito ang mga existing mafia sa England, though he was not a member sa mga ito, kaya hindi nila ma-trace kung sino nga ang nagkidnap sa anak niya at kay Lady Chane..."

PENTA BROTHERS SERIES I - The Transferee (CLINT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon