37: Farewell (Challenge)

106 34 1
                                    

Chapter 37:Farewell (Challenge)

Spiraea's POV,

"Now I know bakit nagkaganon si Euca,"sabi ko at nagtanguan naman ang tatlo.

"Nagselos,"sabay-sabay nilang sagot.

"Well--"magsasalita sana si Dea nang may bumagsak na scrabble board sa mesa namin. Pagkaangat ko ng tingin,si demonyo ang nakita ko.

Tss,how dare he show his face after what he did?

"I challenge you to play scrabble,"he said coldly.

Okay?Ano nanamang balak ng ungas na to?

"What's this?"inis kong tanong sa kanya.

"Zyquinne said you're leaving,"he started. Napatingin ako kay Dea na biglang umiwas ang tingin. I knew it. Kaya pala kagabi ay hindi siya makausap ng maayos. For sure,si Zandrews din ang dahilan ng pagiging distant ni Jas.

"And?"

"If I win,we will come with you,"sabi niya kaya napatayo ako.

"What?No!"taena,idadamay ba naman ang sarili niya?

"So, you're confident that I will win?"sabi niya saka ngumisi kaya nainis ako bigla. Okay, he's underestimating me and I won't allow that!

"If I win?"

"Your choice,"

"You will leave me alone,"sabi ko saka nakipagsukatan ng tingin sa kanya.

"Deal,"he said.

"I can record the score,"sabi ni Jas kaya tumango ako at kinuha ang lalagyan ng tiles.

"Pupusta ako!Ten thousand for Spiraea!Ano Crys? Ashton?"sabi naman ni Dea.

"Sige,Im in,"sabi ni Crys kaya napairap ako. So,wala siyang tiwala sa akin? Nagthumbs up naman si Ashton.

Inilapag na niya ang board saka inilagay na niya ang container na naglalaman ng tiles sa gilid. Nakatingin kami sa isat-isa saka sabay na bumunot ng tag-isang tile.

"E,"sabi niya saka pinakita sa akin ang tile na nabunot niya.

"A,"I said then smirk and show him my tile.

I smell victory.

Bumunot na ako ng anim pang tiles at ganun din siya. Pareho naming nilagay sa kanya-kanyang rack ang mga tiles kaya tumingin na ako sa letters ko.

S U D E R S A

Okay,malas pala. Aish,

Inilagay ko pahalang yung tiles at paharap sa akin sa pinakagitna ng board.

DURESS.

Well, automatic double word at natapat ang letter S sa double letter pero 7+1x2=16 lang ang score ko umpisa palang?Aish talaga oh,

Nirecord na ni Jas ang score ko. Tuwang tuwa naman si Dea while ako pinapanatili ang fierce look ko para hindi halata ang frustration ko.

*After 2 hours...*

"Jas, what's the scores?"tanong ko kay Jas nang tag-isang tile nalang ang hawak namin ni Daimon.

"Its a tie. Both 352,"sabi ni Jas matapos macalcu ang scores.

"What?!"gulat kong tanong. Its unfair!Ngayon lang nangyari sa scrabble life ko ang na tie!

May isang tile pa. Who knows?Malagay ko lang to sa tamang square at malaki ang makukuha ko...

Nakacross fingers na si Dea. Malamang dahil sampung libo niya ang nakataya rito. Pero hindi ko hahayaang matalo.

Nilagay ko na ang natitira kong letter na 'L' sa pagitan ng A ng ALIEN at E ng GRAPE and natapat pa yun sa double letter at ang E sa triple letter so... (1+1+1(3))2=10.

Psh,mukhang malas talaga ako.

He smirk at me saka nilagay ang Blank Tile sa tabi ng Z ng ZONE.

"That will be O,"sabi niya kaya nainis ako. 10 ang value ng Z so 10 din ang score niya!Means...

"Tie,"sabay-sabay naming sambit.

I sighed. "Well, since it's a tie,nothing in our plan will be changed,"sabi ko saka napacross arms. I hate defeat at mas hate ko ang tie but I guess it's better that way.

"No."sabi ng demonyo kaya napatingin ako sa kanya. Problema nanaman nito?

"We will come to you. I don't care about the mission now. I want to leave here,"he said coldly at may pagdiin sa bawat salita.

"Okay. Then come,"sabi ko kaya nagulat silang lahat.

"S-Seryoso ka Spiraea?"tanong ni Crys.

"But--"pinutol ko na ang sasabihin ni Jas.

"Don't worry girls,"I said then smile to them. Paramg nagets naman agad nila kaya napatango sila.

"Next week,Monday. 8:00am sharp. On the garage,"I instructed so Daimon nodded.

Taena,sakin ba talaga nanggaling yung 8:00am sharp?

Charot, syempre kay Lola Sabrina galing yun. No choice naman ako kaya napagdesisyunan ko na matutulog ako sa van sa time na yun.

At no worries din naman ako sa paggising ng late since bukod sa phone alarm at alarm clock,may human alarm clock din ako which is yung apat.

Umalis na si Daimon at sumama na si Ashton sa kanya. Mukhang magmemeeting na sila.

"Seryoso ka na ba talaga sa desisyon mo, Spiraea?"tanong ni Crys.

"May plano ako. Don't worry,"sabi ko kaya tumango nalang si Crys.

I will make sure na walang mapapahamak sa kanila.

Even the squad.

"Huhu,paano naman yung pustahan?"Dea asked at umaarteng umiiyak.

"Wala namang nanalo so safe pa din,"sabi naman ni Jas.

"Kahit pa. Yun na nga lang ikatutuwa ko e..."sabi niya kaya may naalala ako bigla.

"Hoy kayo,sasabihin niyo ang nangyari sa dorm later ah. Alam ko na may nangyari nung nakipagkita si Dea kay Zyquinne,si Jas kay Zandrews at si Crys kay Ashton,"sabi ko kaya Jas frowned,Dea look away and Crys blushed.

See?Im right.

----

Kat's Note:
Zyquinne's POV is next!

Kiras' Academy[UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon