33: Farewell (Her Reason)

122 34 2
                                    

Chapter 33: Farewell (Her Reason)

Kat's Note: Five Parts!!

Elodea's POV,

Kinabukasan.

*Recess*

"Dea, pwede bang mag-usap muna tayo?Kahit sandali lang?"nagulat ako dahil pagkalabas ko ay si Zy-Zy ang sumalubong sa akin.

"Kasama ko kasi sina Spiraea..."sabi ko sa kanya saka aalis na sana pero hinarang niya ang sarili niya sa pinto.

"Iniiwasan mo ba ako?Akala ko ba girl best friend kita?Kung dahil to sa kwintas hindi ko na ibibigay. Basta,pansinin mo na ulit ako. Mag-usap na tayo..."nagmamakaawang sabi niya.

Alam mo ba kaya kita iniiwasan?Naguguilty ako sa tuwing nakikita kita. Hindi mo deserve iwan at masaktan pero nagawa ko. At kasalanan ko na nagsusuffer ka pa din hanggang ngayon.

"S-Sige. Pero sandali lang. Inaantay kasi nila ako,"sabi ko kaya napangiti siya.

"Yes!Tara!"

----

*Garden*

"Ano pala yung... sasabihin mo?"tanong ko habang nakaupo kami sa isa sa mga bench.

"Gusto ko lang makausap ka kahit sandali lang. Kasi...naalala ko siya sayo,"sabi niya kaya napayuko ako pero nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin siya sa akin.

"Zyquinne...tama na,"sabi ko saka tumingin sa kanya. Nakita ko ang gulat at pagtataka sa mata niya.

"Eyah?I-Ibig kong sabihin..."naguguluhan siyang yumuko. Bumuntong hininga ako bago magsalita.

"Yes Zyquinne. I am Eyah,"

*3 years ago*

"Bakit ka ba nandito?Magagalit nanaman ang mommy mo e."inis na sabi ko saka inayos ang katana ko bago ko pa ito maiwasiwas sa kanya.

"Eyah-senpai,gusto ko talagang matuto ng katana! Please!"pagmamakaawa ni Zyquinne

"Gustong matuto o gustong makita si Eyah-senpai?"maintrigang tanong ni Jaecie,isa sa estudyante ko.

Eto ang isa sa hobbies ko dahil sobrang nagustuhan ko ito nang ituro sakin to ni Lola 3 years ago.

Kaya naman nagtayo ako ng maliit lang naman na business kung saan ituturo ko sa kanila paano gumamit ng katana.

"Pwedeng both?Hehe,"nahihiyang sabi ni Zyquinne habang kinakamot ang batok niya.

"Papagalitan nanaman ako ng mommy mo once maano ka. Kaya sundin mo na ang mommy mo at umalis ka na,"sabi ko sa kanya saka paindian sit na umupo sa sahig.

"Hayaan mo na si mommy,Eyah-senpai. Matatanggap niya din balang araw na ito yung gusto ko!"sabi niya saka tumabi sa akin.

I just rolled my eyes. "Ewan ko sa yo, Zyquinne,"sabi ko sa kanya.

"Eyah-senpai,anong gagawin mo pag may nanligaw sayo?"

"Ihh!! Liligawan mo na si Eyah-senpai, Zyquinne?"singit ni Jaecie.

"Baka mabasted ako. Nakakaiyak isipin haha,"

"Hindi mo pa nga nasusubukan,pinapangunahan mo agad,"sabi ko kaya gulat siyang napatingin sa akin.

"Ibig sabihin, may chance ako?"he asked.

I shrugged my shoulder. "Why not try it first?"sabi ko sa kanya so he smiled widely.

Kiras' Academy[UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon