⚘30

87 4 0
                                    

5 months later....

hindi alam ni Althea kung anong anong mararamdaman niya ngayon. kasama niya si Sangyeon at papunta sila ngayon sa isang resort dahil birthday ng daddy nito. alam niyang nandoon si Eunice, malamang may away nanaman na magaganap

"wag nalang kaya akong tumuloy? for sure nandoon si Eunice, baka kung ano nanamang mangyare" sabi ni Althea habang si Sangyeon naman ay busy sa pag drive ng sasakyan

"wala si Eunice doon, nasa US siya for some personal reasons so you don't have to worry" sabi ni Sangyeon at tsaka hinawakan ang kamay ng dalaga

medyo nakahinga ng maluwag si Althea sa narinig niya, pero naalala niya nandoon malang si Sandra, yung mommy ni Sangyeon. siguradong papaalisin din siya doon ni Sandra

natatakot man ay hindi na niya sinabi kay Sangyeon ang nararamdaman niya hanggang sa makarating na sila sa resort

...

"just wait here, puntahan ko lang sila mommy doon sa baba. babalik din ako agad" sabi ni Sangyeon tsaka hinalikan sa noo si Althea

"sige" sabi ni Althea tsaka umalis na nang tuluyan si Sangyeon

naglilibut-libot si Althea sa room na pinagcheck in-an nila nang biglang may nagsalitang babae "what are you doing here?" sabi nito. nilingon ni Althea kung sino man iyon at laking gulat niya nang malamang si Sandra yun

agad na napansin ni Sandra yung tiyan ni Althea na medyo lumalaki na kasi limang buwan na itong buntis "buntis ka? for sure si Sangyeon ang ama niyan kaya ka nandito ngayon para magmakaawa sakaniya na panagutan ka at para maperahan mo nanaman kami" sabi nito

"ma'am hindi naman po ang kayamanan ni Sangyeon ang habol ko. mahal ko po ang anak niyo at hindi ako nagpabuntis para maperahan lang kayo" paliwanag ng dalaga. magsasalita na sana si Sandra nang makaamoy sila ng usok mula sa labas ng kwarto

"what's happening?" sabi ni Sandra na natataranta na, binuksan naman ni Althea ang pinto at bumungad sakanila ang makapal na usok

"ma'am may sunog po. halika na po ma'am, kailangan na natin lumabas dito" pareho silang nakatakip ang kamay sa may ilong at bibig. humawak ni Sandra sa kamay ni Althea at sabay silang lumabas

nagmumula sa second floor ng hotel ang sunog at silang dalawa naman ay nasa third floor. halos mawalan na sila ng malay dahil sa kapal ng usok na nalalanghap nila

pagkababa nila sa second floor ay nakita nilang malala na ang sunog dito, nawawalan na sila nang pag-asa pero kailangan nilang mabuhay

"ang laki na ng sunog dito, there's no reason to survive anymore-"

"wag niyo pong sabihin yan ma'am, makakalabas po tayo dito, basta hawakan niyo lang yung kamay ko, makakaligtas tayo dito" sabi ni Althea

ilang sandali pa ay nakahanap ito ng daan pababa sa first floor, nagmadali silang bumaba, kahit na nakakaapak ito ng umaapoy na bagay ay hindi ito tumigil sa paglalakad at nong nakarating na sila sa first floor ay malala na rin yung sunog, marami na ring nagsisibagsakan na umaapoy na kung anong bagay

malapit na sila sa pinto palabas nang may humarang sakanilang malaking kahoy na umaapoy, bumitaw si Althea sa pagkakahawak kay Sandra

"ma'am mauna na po kayong lumabas, doon po kayo sa gilid dumaan" hirap na hirap na ito sa pag hinga at sobrang sakit na ng braso niya dahil nahagip ito ng apoy

"hindi pwede, lalabas ka dito kasama ko!" sabi ni Sandra pero hindi na makalakad ng maayos si Althea. dinudugo na siya at malapit nang mawalan ng malay

"lumabas na po kayo ma'am Sandra!" huling sinabi ni Althea bago ito mawalan ng malay sa loob ng nasusunog na hotel

゚・:* ❈ *:・゚

⚘. DADDY ┆LSY ✔Where stories live. Discover now